"Kaya."

Biglang napasibangot si Reynolds saka binaligan si Yale. "Yale, sa hinaharap, kapag naubusan ako ng pera, pahiramin mo ako ha. Pag dumating si Lolo Lomu, babayaran kita."

"Walang problema." mapagbigay-loob na sabi ng pinakamatangkad sa kanila.

"Sa pusta ko ay lahat tayo ay hindi pa nalilibot ang campus. Tara't mag-ikot-ikot at gawing pamilyar ang sarili natin sa lugar. Ano masasabi niyo?" Nakangiting sabi ni George.

Sa apat na bros, si George ang pinakamahinahon at kalmadong bata. Si Reynolds ang pinaka-isipbata. Si Yale... ay isang playboy. At si Linley, sa mata ng mga kasamahan niya, ay ang pinakamisteryoso.

Dual-element magus, exceptional affinity, at isang magical beast companion.

Talagang napakamisteryoso niya.

Ang sinaunang Ernst Institute ay puno ng mga hindi mabilang na mga gusaling may tandang mahigit libo-libong taon. Sa harapan ng ilan sa mga iyon ay mga introductory placards.

Ang pinakabata sa kanila ay walong taong gulang, ang pinakamatanda ay sampung taong gulang. Lahat sila ay nakatingin ng paghanga sa bawat pamosong pangalan, partikular na sa mga kasaysayan ng mga Saint-level combatants, na nagawang pabilisin ang tibok ng kanilang mga puso. Lahat sila ay nangangarap na maging Saint-level combatant balang-araw.

Pero may isang boses sa may tainga ni Linley ang walang-tigil sa pambabatikos. "Mga medyo-medyo talentadong latecomers lang naman ang mga iyan ah. Ang lakas ng loob ng isang ito na ipagmayabang na nakapatay siya ng isang Violet-Tattooed Black Bear? Ang isang Saint-level combatant na kaya lang pumatay ng isang ninth level magical beast at hindi ng isang Saint-level magical beast ay isang baguhan lamang na Saint-level."

Marami sa mga kilalang graduates ng Ernst Institute ay walang awang binansagan ni Doehring ng hindi kasabi-sabi.

...

Nilibot ng apat na bros ng dorm 1987 kasama ng munting Shadowmouse ang kabuuan ng campus at naging medyo pamilyar naman sa lugar. Pagdating ng gabi, nagtuloy sila sa isang magarang hotel na puno ng pangmayamang dekorasyon na katabi ng dormitory area at doon ay nagpista. Pero siyempre, juice lang ang inumin nila noon.

Nang sumunod na araw. Ika-9 ng Pebrero. Nagsimula ang pasukan.

Walang klase sa araw na ito. Magsisimula lamang ang mga iyon sa ika-10 ng Pebrero. Nakatalaga sa Pebrero 9 ang pagbubukas ng eskuwelahan at ang mga paunang salita para sa pagpupunyagi. Puno ang oditoryo ng anim hanggang dose anyos na mga bata. Hindi nila kilala kung sino-sino ang mga nagsasalita sa harapan kaya naman marami sa mga bata ay nananaginip na ng gising. Nang matapos ang seremonya ay tuwang-tuwang nagsipag-alisan ang lahat.

Pagkatapos ng hapunan, ang mga bros ng dorm 1987 ay nakaupo sa mga silya at pinag-uusapan ang kanilang mga klase.

"Ang dali naman dito. Isang klase lang kada araw. Oh, dual element nga pala si Linley kaya dalawa ang sa kaniya." Bumuntong-hininga si Yale. "Pero masyadong maluwag naman dito sa Ernst. Kung gusto mong pumasok, pumasok ka. Kung ayaw mo, di huwag."

Kalmadong napangiti si George. "Yale, huwag kang pakampante. Bagamat walang pormal na hinihingi sa ating mga estudyante, kada taon ay may ability test na isinasagawa. Makaka-advance ka lang ng baitang kung tataas ang ranggo ng lakas mo. Kung hindi ka magsisikap, plano mo bang manatili dito ng isang dantaon? Isa pa, may batas dito sa Ernst Institute na kung pagkatapos ng animnapung taon ay hindi ka pa rin magus ng sixth rank, i-e-expel ka, walang paboran."

Tahimik na napatango si Linley dahil nabasa nga niya iyon sa mga kung ano-anong regulasyon ng Institute na nakasulat sa introductory packet nila.

Totoong hindi mahigpit dito pero kapag hindi ka nag-aral ng matino sa loob ng 60 taon at hindi narating ang sixth rank ay itatapon ka ng eskuwelahan.

"I-e-expel?" Tiningnan ito ni Yale. "Kung mapapatalsik ako ay baka patayin ako ng matanda ko." Ang ma-expel ng Ernst Institute ay isang napakanakakahiyang reputasyon. Walang sinumang gugustuhing masubukan iyon. Ang matanggap kasi ay nangangahuluhang talentado ang taong iyon.

"Magsisimula ang klase bukas. Gaano kaya kagaling ang mga guro dito? Kung hindi man lang sila kasinghusay ni Lolo Lomu ay nag-aaksaya lang ako ng oras dito." Naibulalas ni Reynolds.

"Reynolds, ang lolo Lomu mo ba ay isang magus?" Tanong ni Linley na medyo nagulat.

"Oo naman. Noong binabaybay pa lang namin ang mahabang daan mula O'Brien Empire hanggang dito sa Ernst Institute ay tinuturuan na ako ni Lolo Lomu ng mahika," taas-noong saad ni Reynolds.

Habang nag-uusap sina Linley ay puro sila mga excited.

"Hindi gaanong mahalaga ang klase para sa earth element. Pagdating sa kaalaman tungkol sa earth element, sino sa mga guro ng Ernst Institute and uubra kay lolo Doehring niya? Ang pinakamahalaga ay ang klase para sa wind element. Ano kayang hitsura ng wind magic?"

Nagsimula ng dumilim para sa araw na iyon pero ang ingay ng tawanan at daldalan ay patuloy pa rin sa loob ng dorm 1987 dahil sa apat na bros.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now