Octal Code

1.6K 18 0
                                        

"PAANO MAGDECODE?"
PART II - OCTAL CODE
.
Yishh part 2 na haha.
ASCII padin tayo. Base 8 ang Octal kasi nga Octal haha. Kung sa Binary ay 0 at 1 lang ang gamit, sa Octal naman ay 0 - 7 o
0,1,2,3,4,5,6 at 7 .
Take note: Kapag may number 8 at 9 jan na nasama, Di na po yan Octal .
.
Sinama ko na yung lesson kung pano mag convert ng Octal to Binary para mas madali yung lesson.
.
Okay example na agad ng Octal.
Ex : 113
.
Corresponding letter pa din ang kukunin naten :) .
So paano nga ba malalaman kung anong corresponding letter niyan? Maraming ways pero best way para saken is to convert it first into Binary code.
.
In that way, mas maeenhance pa lalo yung nalalaman sa Binary.
.
Okay balik tayo, paano ito iko-convert into binary?
.
Dahil ang Octal ay base8 (0-7) , gagamit tayo ng 3bits.
Bakit 3 bits ?
Kasi ang 3bits ay may value na 0-7 pang octal talaga siya.
Parang ganto
000 = 0
001 = 1
010 = 2
011 = 3
100 = 4
101 = 5
110 = 6
111 = 7
.
Sa left ung binary na 3bits at nasa right naman yung corresponding value.
.
Balik tayo sa Example na,
Ex : 113
.
Step 1: Separate para di nakakalito. (Pwede ring hindi na basta di ka malilito) Paghiwalayin lang ang digits ng bawat digits ng given octal code. Ang given ay 113 kaya magiging
1l1l3 o pwede rin na 1-1-3 or kahit ano basta kung paanong separate kayo komportable. Ang purpose lang ng step na to ay para hindi kayo malito.
So pag nahiwalay na, magiging
1 - 1 - 3
.
Step 2: Kunin ang 3bits ng bawat digits para maging binary codes siya. Magiging ganito,
1 - 1 - 3 = 001 - 001 - 011
Para mas malinaw, ganito
1 = 001
1 = 001
3 = 011
.
Same corresponding value pa din ng binary pero 3bits lang kaya 1,2 at 4 lang ang gagamitin.
.
Nakuha na natin ang 3bits kaya pagsamahin natin.
1-1-3 = 001-001-011
Magiging
113 = 001001011
Kunin natin yung na form na binary code which is
001001011
.
Kung mapapansin nio, 9 digits yan. Kelangan lang natin ng 8 dahil 8 bits yung Binary code na may corresponding alphabet . Tanggalin lang yung unang number so yung
001001011 kapag tinanggal yung unahan ay magiging
01001011 ...
Meron ibang step pero mas madali to para saken since naturo ko na yung part 1 na binary code.
Okay yung nabuo ay
01001011 .
010 = big letter (first three digits)
01011= k
01001011 = big letter "K" .
So ayan na.
.
Naconvert natin yung Octal into Binary.
So ganito na siya,
kapag naconvert yung,
Octal to Binary
113 = 01001011
At dahil "K" ang corresponding letter ng
01001011, letter K na din ang sa 113 na Octal.
.
Octal - Binary - Letter
113 - 01001011 - K .
.
*Whole Process*
Ex: 113
113 = Octal code
1-1-3 = Separate
001-001-011 = Kinuha ang 3bits binary
001001011 = Pinagsama yung mga 3bits na nakuha
01001011 = Tinanggal yung unang Digit para maging 8 digits
010 = Big Letter ( First 3digits)
01011 = Letter "K" (last 5 digits)
Kaya ang,
01001011 is equal to big letter "K"
.
Octal to Binary
113 = 01001011
.
Octal to Letter
113 = K
.
Mukha lang siyang mahirap pero once maunawaan mo, magagawa mo din na mag encode at decode ng Octal using only your mind and without using Kodigo.
.
Pero dahil mahal ko kayo at ayokong nahihirapan kayo. Eto na ang kodigo para sa inyo . Haha xD
.
Octal codes (Big Letter)
101 = A
102 = B
103 = C
104 = D
105 = E
106 = F
107 = G
110 = H
111 = I
112 = J
113 = K
114 = L
115 = M
116 = N
117 = O
120 = P
121 = Q
122 = R
123 = S
124 = T
125 = U
126 = V
127 = W
130 = X
131 = Y
132 = Z

Octal code(Small letter)
141 = a
142 = b
143 = c
144 = d
145 = e
146 = f
147 = g
150 = h
151 = i
152 = j
153 = k
154 = l
155 = m
156 = n
157 = o
160 = p
161 = q
162 = r
163 = s
164 = t
165 = u
166 = v
167 = w
170 = x
171 = y
172 = z

Yan na po :)
Sana po naintindihan niyo yung Lesson kahit medyo magulo ako magturo haha. Adios,

Top Secret Files Where stories live. Discover now