"Minsan iniisip ko baka wala naman talaga siyang kasalanan." Cheddy said, "Malay mo hindi talaga siya ang may gawa ng nangyari"

"And what?" balik tanong ko, "If she's not the killer then who? Kung wala talaga siyang kasalanan, sana dinepensahan niya ang sarili niya—" Natigilan ako nang nag-iba ang tingin ng kaibigan ko. May tao sa likuran ko. "Cheddy."

Hindi siya sumagot. Lumingon ako sa likuran ko at halos malulon ko ang sariling dila nang malamang hindi lang kung sino ang nasa likuran ko but Rosendale herself. Bigla akong nakaramdam ng kilabot.

Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit. And it's really...uncomfortable. Siguradong narinig niya ang mga pinagsasabi ko. Maging ang mga tao sa bawat tables ay nanahimik. Ano ba 'tong pinasok ko?

Nakikita ko yung mata niyang nakatitig sa akin kahit may nakaharang na bangs. Ang lamig. Parang walang buhay. Nakakapanindig balahibo. Pero sa kabila ng uneasiness ay hindi ko magawang alisin ang titig sa kanya.

Bahagya siyang yumuko. My heart raced fast. Kinakabahan ako. Parang pagpapawisan ng malamig. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko.

"Huwag puro bibig. Utak din dapat."

My mouth gaped open. Tulalang sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad paalis na akala mo'y walang ginawa. Did she just... Halos magsalubong ang kilay ko sa pinagsamang inis at relief. Ang lakas ng loob na insultuhin ako.

"Anong sinabi sa'yo?" Curious na tanong nitong best friend kong wala man lang ginawa.

I clicked my tongue annoyingly. "Wala."

"Ano nga kasi?"

"Wala nga." Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko nga naintindihan yung sinabi niya sa sobrang hina."

"Ay." Parang nanghihinayang pang reaction nito. "Pero grabe, kinilabutan ako! Akala ko sasaktan ka niya, eh."

"Halika na, pinagtitinginan na tayo." Naglakad ako paalis at sinundan naman niya ako. Nakahawak siya sa braso ko.

I can't help but think that I'll probably be a topic of the students because of what happened. Ah, whatever. It's partly her fault for noticing me.

"Pero, shocks talaga. Nakakatakot pala siya kapag malapitan. Ang ganda niya pero..." Dumiin ang palad niya sa balat ko. "Nakakapangilabot!"

"Let's not talk about her, baka mamaya nasa tabi-tabi lang natin 'yon." Sabi ko para lang putulin na yung usapan namin about sa babaeng 'yon. Tumango naman siya at nanahimik na lang.

May attitude din pala yung Rosendale na 'yon.

Next time iiwasan ko na lang magsalita kapag nasa malapit siya. Wala pa siguro siyang ginagawa sa ngayon but it's not my wish to put my name on her list—if ever there was.

"Pero, Echo, hindi ka ba natakot sa presence niya?"

Tingnan mo 'tong si Cheddy, kakasabi ko lang na huwag nang pag-usapan, eh. Hindi rin talaga papapigil.

"Kinabahan ako, pero hindi naman ako natakot talaga." sagot ko na lang.

Pumasok na kami sa classroom namin for our next subject. Irregular student si Cheddy kaya hindi ko siya kasama sa lahat ng subjects. Ang hilig kasing mag-shift ng kaibigan ko, ewan ko ba kung anong trip sa buhay.

"Pero alam mo kung hindi lang gano'n ka-weird si Rosendale, feeling ko magiging girl crush ko siya."

Natawa ako. "Kung sabagay, maganda naman talaga siya."

"Ikaw rin?" Halos hindi pa siya makapaniwala sa naging sagot ko.

I shrugged my shoulders. "Ewan."

Naupo kami sa pwesto namin na malapit lang sa unahan. Hindi ako makapag-concentrate sa class kapag nasa likuran ako.

Nahinto kami sa usapan nang pumasok sa loob ng silid-aralan ang taong pinag-uusapan namin. Natahimik ang mangilan-ngilan pa lang na students na nandito. Lagi naman silang ganyan kapag dumadating siya.

Akala mo laging may dumadaang anghel pero, nope—it's the opposite.

Bigla siyang lumingon sa akin. Alam kong nasa akin ang titig niya. Napahawak ako sa braso ni Cheddy nang hindi sinasadya. Bakit siya natingin sa akin?

"Echo, naaalala ka yata niya," bulong ng kaibigan ko. Hindi ko naman alam kung magre-react ba ako o ano.

Nakahinga ako nang maluwag nang mag-iwas ito ng tingin at umupo na rin sa pwesto niya. Wala itong katabi. Walang nangahas. Sino ba naman ang matapang na susubok.

Now I have to endure her presence. Kung bakit ba naman kasi classmate ko siya sa lahat ng klase.

_____

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Where stories live. Discover now