Chapter 26

985 30 4
                                    

Sophia's POV

Nagpaalam na kami kina Mama at Denise pagkatapos nilang mag-usap. Sa tingin ko naman ay nagkaayos na sila. Nakakatuwa rin na ayos na ang relasyon namin ni Denise at Mama, kasi kahit ano namang sabihin si Mama ang nagpalaki sa akin, si Papa rin. Sigurado ako masaya si Papa na nahanap ko na ang totoo kong mga magulang.

"Anak, be good with Daddy ah. Call me when you need something, all right?"Lea

Ngumiti ako at tumango.

"Opo, Mommy. Ingat ka po kasi for sure magwo-worry so Daddy."ako

Itinaas niya ang kilay niya na ikinatawa ko.

"Oh eh ikaw ba hindi ka magwo-worry para sa akin?"Lea

"Syempre naman po mag-aalala ‘ko! Pero sure po ako mas magwo-worry si Daddy. "ako

Pagdadahilan ko na ikinatawa lang ni Dad. Pumasok na kami sa sasakyan, ako ulit ang nasa backseat.

"Mommy, pasundo na po kaya kayo kay Daddy mamaya? Baka po kasi gabihin kayo masyado. What if i-message niyo po ako kung tapos na ang meeting niyo? Sama po ako sa pagsundo."ako

Nakita kong ngumiti si Mommy mula sa rearview mirror.

"No need, sweetie. Mommy will take care of herself and you need to rest na, especially Daddy. Katulad nga ng sinabi mo, baka gabihin ako masyado, which you should be sleeping that time already. At saka mag-bonding kayo ni Daddy tonight. But please, hon, huwag kayong magpupuyat ah. Don't worry about me."Lea

Ngumiti si Mommy kay Daddy kaya halos mapunit din ang mga labi ko sa kilig.

"Okay, hon. We will try not to, but if you need me just give me a call right away. Is that all right?"Aga

Tumango naman si Mommy.

"All right."Lea

Humagikgik naman ako habang pinanonood silang dalawa. Nagkwentuhan pa kami habang nasa byahe, hanggang sa narating na namin ang restaurant kung saan may im-meet si Mommy.

"Ingat sa byahe, Ags. I'll call you both later."Lea

Tumango naman kaagad ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Where's my kiss?"Lea

Wagas naman akong ngumiti at hinagkan siya sa pisngi at sa ilong.

"Bye, mommy! Ingat po! ‘Yung kiss po ni Daddy nasaan?"ako

Tumingin siya sa akin na para bang gusto akong kurutin sa singit kaya napapigil ako ng tawa, pero in the end hinagkan niya rin si Daddy malapit sa labi. Nahiya pa sa akin!

Kumaway ulit ako kay Mommy at hinintay namin siyang makapasok sa loob ng restaurant.

"Tara na, Daddy! Puyat po tayo!"ako

Sabi ko pagkalipat ko sa shotgun seat kung saan nakaupo si Mommy kanina.

"Bawal, sabi ng Mommy mo."Aga

Ngumuso naman ako at sumandal na lang sa upuan habang nakahalukipkip. Nagsimula na siyang mag-drive at nakakainis dahil hindi tumatalab ang pagpapa-cute ko this time.

"But since hindi naman tayo makikita ng Mommy mo, why not?"Aga

Nanlaki naman ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kanya.

"Talaga po?! Yey! Ayan ang gusto ko sa ‘yo Dad, eh! Hahaha!"ako

Nag-fist bump kami. Sa kanilang dalawa ni Mommy, si Daddy ‘yung mukhang sasamahan ako sa mga kalokohan ko. Si Mommy kasi medyo strict, pero ‘yun ay dahil ‘yun ang way niya ng pag-aalaga sa akin. In short, perfect match ang parents ko.

Please, Come BackWhere stories live. Discover now