Chapter 20

1.1K 29 1
                                    

Rina's POV

Tignan mo nga naman, binigyan pa ako ng point of view kahit na maraming readers ang gustong pumatay sa akin. However, I don't care, kasi kahit anong ka-demonyohan pa ang gawin ko kay Aga at Lea ay hinding-hindi niyo naman ako mapapatay, saka hindi niyo ako mapipigilan.

Since this is my time to shine, let me help you to hate me more, ipasisilip ko na sa inyo ang binabalak kong gawin. Hindi naman kasi ako madamot, not unless we're talking about Aga. Speaking of Aga, dahil mukha namang wala siyang balak na iwan si Lea para sa akin edi better, mas paguguluhin ko pa ang buhay nila. Unfair naman na buhay ko lang ang miserable 'di ba?

Like what I said, I'll let you peek in my plan. So, I extended my hand to get my bag from the back seat. I get my phone inside and contacted someone.

"Go with the plan, start it as soon as possible. I trust you in this, kapag pumalpak ka magtago ka na sa kahit saang sulok ng mundo but I want you to know that wherever it is I'll find you... Dapat lang dahil ayoko ng tatanga-tanga... Whatever, just do it."ako

I ended the call and smirked. I gave them a chance yet this is what they want, so I'll give it to them. From now on, I will just watch them from a far while they are playing the roles that I gave them. I hope they would do well, so it'd increase my excitement.

Sophia's POV

Kumamot ako bago ibinalik ang cleopatra sofa sa pwesto nito at dinakot ang alikabok sa sahig, naglilinis kasi ako ng bahay dahil wala namang ibang gagawa nito. Buti na lang masipag ako, hehe. Biro lang, takot lang talaga ako kay Mama.

Tinataktak ko sa basurahan ang basura na nasa pandakot nang may biglang kumatok kaya napalingon ako sa pinto. Lalakad na sana ako palapit doon nang pigilan ako ni Mama.

"A-ah, ako na, anak."Lorna

Sinundan ko naman ng tingin si Mama habang nakakunot ang noo. Nakakataka lang kasi ang ikinilos ni Mama, dati naman hindi siya 'ganun, sisigawan pa niya 'ko para buksan ko kaagad ang pinto at hindi niya ako tinatawag na anak dahil sa pangalan ko lang talaga niya 'ko tinatawag. Kinakabahan tuloy ako.

"Diyos ko, Ivy?"Lorna

Hinilig ko ang ulo ko upang makita kung sino'ng nasa pinto. Sino yun? Ivy?

"Ate, is my daughter here? Nasaan na siya?"Ivy

Napatigil naman ako sa pagwawalis nang tumingin siya sa akin. Itinaas ko ang kilay ko.

"Siya na ba si Sophia?"Ivy

Naiiyak niyang tanong. Medyo nagulat naman ako nang pumasok na siya nang tuluyan sa bahay at lumapit sa akin. Hala, ano'ng nangyayari?

"Anak."Ivy

Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niya 'kong niyakap. Saka, ano'ng tinawag niya sa akin?

"Ahm..."ako

Hahawak na sana ako sa likod niya nang kumalas siya ng yakap. Tumingin siya sa akin at umiiyak na nga siya kaya ikinunot ko ang noo ko.

"S-sino po kayo?"ako

Lalong lumakas ang iyak niya dahil sa tanong ko.

"Anak, ako ito ang Mommy mo."Ivy

Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso nang sabihin niya 'yun.

"I'm so sorry kung iniwan kita rito sa tita mo. I just really had to, para sa atin. Alam kong marami akong pagkukulang at ipinapangako kong babawi ako. Oh my god, I missed you so much, my love!"Ivy

Niyakap niya ulit ako at natulala lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Wala akong naintindihan, naguguluhan ako sa nangyayari.

Kumalas ulit siya sa yakap at hinawakan ako sa dalawang pisngi ko.

Please, Come BackKde žijí příběhy. Začni objevovat