That Weirdo

24 0 0
                                    

Pumasok ako ng High School ng walang ineexpect. Hindi pumasok sa utak ko na someday, kailangan ko'ng makahalubilo sa kapwa tao ko, if ever na matatawag mo pa akong tao.

Never pumasok sa utak ko na after ng Home Schooling na ginagawa ko since forever, kailangan ko'ng harapin ang mga taong di ko man lang kilala at kailangang bigyan ng mabait na pagtrato kahit di ko alam kung anong kalokohan man ang mga pinagagawa nila.

Hindi rin pumasok sa utak ko na sa pag pasok ko sa High School, magiiba ang mga priorities ko sa buhay. Kung dati, palagi akong nasa bahay, nanunuod ng Korean Dramas at nagtitili kay Oppa, ngayon, ang routine ko ay tulog, kain, gising, school, bahay, homework, project, onting oras para kay Oppa.. Actually di nga nagbago e, ang difference lang naglalakad ako at nagsasalita ng mas maraming beses.

Ako si Monixia, Mon for short. Actually 'yan ang tinatawag sa akin ng mga magulang ko, well sila lang naman ang tumatawag sakin kaya natutunan ko na i-adapt ang 'Mon' as my nickname. At pwede mo rin akong tawaging Monixia, para mas fabulous at sosyal pakinggan.

Sabi nila, napaka tahimik na tao ko daw. Pero hindi. Madalas ko'ng kinakausap yung mga tao sa paligid ko noh.. sa utak ko nga lang. Sabi din nila, wala akong mga kaibigan. Pfft. Para san? Sabi din nila, never daw nila akong nakitang kiligin. Well duh, kinikilig ako sa banyo saka sa kwarto ko! Sadyang di nyo lang nakikita.

From this point on, malalman mo ang buhay ko, at lahat ng kababalaghang naransan ko sa High School.. This is actually more like a risk than entertainment, kaya ikaw, basahin mo if you have the guts to do so.

The Weirdo's RoyalWhere stories live. Discover now