Lustful Deceit [EDITED]

Start from the beginning
                                    

"E-ewan k-ko ano ang tinuturo saiyo ni Marie!" sigaw ni Magda at lumabas ng bahay. Ngunit hindi siya pinatahimik ng kyuryosidad niya at sumilip siya sa bintana at nakikita parin ang dalawang batang nag-uusap.

"Alam mo, ang weird mo!" sagot ni Angel at aalis na sana ito nang nag-salitang muli si Samantha.

"Diba maganda kung lahat ng may sala ay mamatay? Dadanak ang dugo! Papahirapan mo sila! Lahat ay mamamatay! Pati ikaw Angel, diba may sikreto kang tinatago? Tila matagal mo na itong tinatago. Natatakot ka lamang sa mga magulang mo." hindi na napigilan ni Magda ang sarili at sinugod niya si Samantha. Ano bang pinag-sasabi ng Samantha’ng ito? Sino ba siya upang sabihing mas masaya kung dadanak ang dugo? Hinila niya ang braso nito at pinagpapalo sa pwet.

"Hoy bata ka! Wag mong turuan ng kabulastugan ang anak ko! Ganyan ba ang pagpapalaki sa'yo ni Marie?!" sigaw niya habang patuloy parin ang pangsasabunot at pangsasampal sa kawawang Samantha.

"HOY MAGDA! ANO IYAN!" sigaw ni Marie at inawat si Magda. Agad namang niyakap ni Marie si Samantha.

Ngunit tumawa lang si Samantha na parang hindi nasaktan.

"Baliw yang anak mo Marie!" sigaw ni Magda habang pilit na susugurin si Samantha ngunit inawat siya ni Mang Hulio.

"Maghanap ka nga ng kasing laki mo Magda! Mahiya ka, pati bata pinapatulan mo!" sigaw ni Marie at dinala sa kwarto si Samantha. Napansin naman ni Magda ang pagtingin ng kanyang mga kaanak sa kanya.

*****

Umiiyak ng madatnan ni Anton si Magda sa swing. Biglang nilapitan ni Anton si Magda. Kanina ay masayang masaya pa ito habang nag-jojogging sila ngunit nagtataka siya kung ba’t napakalungkot na ito ngayon.

"Ba't ka umiiyak?" tanong ni Anton.

"Eh kasi, si Samantha na nga ang may kasalanan, ako pa ang nag-mukhang demonyo sa harapan nila!" tugon niya habang umiiyak. Agad namang naawa si Anton sa kalagayan ni Magda.

"Tahan na!" iniangat ni Anton ang mukha ni Magda at pinahid nito ang luha sa kaliwang mata ni Magda. "Magkamukhang magkamukha talaga kayo ni Marie." sagot niya na agad namang nakapagpasimangot kay Magda.

"Hmmpf, puro nalang si Marie ang bida! Oo nga't kambal kami pero ba't siya ang kailangan bida!" sigaw niya at hinablot ang damo at itinapon ito sa harapan nila.

"Ayos lang yan! Isigaw mo lang yan! Siya nga pala... Mag-swiswimming daw tayo mamaya sa may lawa mamayang hapon. Sama ka ha?" turan ni Anton na nakangiti na nakapagpagaan naman ng pakiramdam ni Magda.

"Siyempre naman!"

*****

Napahikab si Magda. Di niya inakalang nakatulog pala siya.

"Teka, ngayon yung swimming ah! Naku! Naiwan ako!" napasapo niya ang ulo.

"Mam Magda, di po ba kayo sasama sa may lawa?" tanong ni Mang Hulio sa kanya.

"Sasama ako no!" 

"Sabay na po tayo roon. Chineck ko lang kasi yung bahay..." 

Umangkas si Magda sa motorsiklo ni Mang Hulio. Mahangin ang paligid. At natitiyak niyang naliligo na ngayon ang mga kaanak. Gusto niyang maghiganti sa pagpapahiya sa kanya ni Marie. At gagamitin niya ang kinamumuhiang parte ng katawan niya para maisagawa ang paghihiganti. Di niya namalayang umabot na pala sila sa lawa.

Umupo siya sa may cottage at isinuot niya ang kanyang shades. Palihim niyang tinignan si Anton. Naghubad ito ng kamiseta at tumalon sa tubig. Siya ay namangha sa kalakihan ng katawan ni Anton. Kung kanina'y humanga siya sa laki ng braso ni Anton, ngayon siya mas humanga sa kakisigan at ang mala-Adonis nitong katawan. Nakaupo lang si Anton sa pangpang at nakadampisaw lamang ang paa nito sa tubig. Agad niyang napansin ang patakbong tubig na tumulo mula sa buhok, patungo sa kanyang labi, sa kanyang dibdib at naglaho ito sa kanyang shorts. Napasinghap siya ng palihim.

Isa si Anton sa mga lalaking nakakapagpasinghap sa kanya.

*****

Lingid sa kaalaman ni Magda na nararamdaman ni Anton ang mga sulyap nito sakanya. Lumusong nalang si Anton sa tubig at lumangoy papalayo. Napagod rin siya sa kakalangoy at pumunta sa bundok. Nakita niya ang asawang si Marie na humihigop ng Mango Shake.

"Hi honey!" bungad nito sa asawa.

"Andito ka? Bakit mo kinampihan yung Demonyong iyon?! Ha?! Sinong asawa mo ha?" pasigaw na tugon ni Marie.

"Ikaw naman honeybunch. Inaalam ko lang naman ang side niya." lambing ni Anton sa asawa habang nararamdaman ni Marie na gumagapang na ang braso ni Anton sa bewang niya.

"Anton ano ba! Dalawang beses na tayong nahuli ni Samantha! Not this time!" tugon ni Marie habang inaalis ang kamay ni Anton sa bewang niya.

Inaamoy at hinahalikan ni Anton ang tenga ni Marie at nagsalita, "Ano bang iniisip mo?"

"Si Samantha. She's acting strange!" turan ni Marie, napasapo siya sa ulo niya.

Hinahalikan parin ni Anton ang tenga ni Marie at nagsalita, "Normal lang yun sa mga bata! Baka naman narinig niya lamang iyon sa TV. Ano ba? Sige na habang walang tao dito!"

Ramdam ni Marie ang init ng hininga ni Anton ngunit malaking kahihiyan kung mahuhuli sila ng mga kaanak niya kaya di siya nagpadala sa nararamdaman niya.

"Ano ba Anton! Stop it! Diba sabi ko ayoko!" at tumakbo si Marie papunta sa cottage.

*****

Gabi na ng nakarating ang mga kaanak sa resthouse. Tapos na silang kumain at napagkasunduang matulog na dahil sa pagod. Sumampa na si Marie sa kama at sumunod naman si Anton. Nakatalikod siya sa asawa, ayaw niyang makipag-usap rito.

Tuliro naman si Anton na humiga sa kama. Ramdam niya ang unti-unting pagkalat ng alcohol sa kanyang katawan. Nagkatuwaan kasi at napagkasunduang mag-inuman. Dala ng alcohol kaya lumakas ang kanyang pakiramdam at niyakap ang asawa.

"Honey. Tulog na sila! Kahit 3 rounds lang!" sagot niya.

"Lasing ka lang! Matulog ka nga!" sigaw ni Marie.

Tingin ni Anton ay sasabog na ang kanyang ulo sa sakit kaya bumaba siya sa kusina upang maghanap ng gamot. Nabigla siya nang makita si Marie na nasa kusina at umiinom ng tubig.

"Oh honey ikaw pala?" tanong ni Marie.

"Di ka na galit?" napakamot nalang si Anton sa ulo niya nang bigla siyang halikan ni Marie. Tila humihingi ito ng pahintulot na ibuka ang labi niya. Agad naman siyang tumugon sa mga halik nito.

"Anton," mahinang ungol ni Marie at kinuha ang kanang kamay ni Anton at ihinaplos ito sa dibdib niya. Nagulat si Anton sa ikinikilos ng asawa ngunit isa itong oportunidad sa kanya upang makatuhog kaya marahas niyang isinandal si Marie sa pader at nagsimulang gawin ang dapat gawin.

"Thanks Hon at naka-6 rounds tayo!" sagot ni Anton habang nakangisi ito. Napangiwi nalang si Marie sa sobrang sakit ng pagkababae niya. Nilaspag siya ni Anton.

"Kita nalang tayo sa kwarto." at muling ngumisi si Anton sa umiiyak na si Marie. Pagkabalik niya sa kwarto ay agad siyang nagimbal nang makita si Marie na natutulog ng mahimbing sa kama nila.

=======×========

Mataas na po iyan! Only for you! Pag umabot ng 500 reads ang Family Reunion ay magdededicate ako sa taong mag-cocomment sa latest chapter. Bale, gift ko nalang para sa inyo.

Deadly Reunion [FINISHED]Where stories live. Discover now