Lustful Deceit [EDITED]

4.6K 140 12
                                    

CHAPTER XI - LUSTFUL DECEIT

Pansamantalang nabulag sa sinag ng araw ang mga mata ni Magda. Ininat niya ang kanyang katawan at bumangon. Nakita niya ang kanyang asawang may kausap sa telepono, napangiwi siya. Malamang ay iyon na naman ang malandi niyang sekretarya. Bumaba na lamang siya sa dining area at nakita na naroon na ang iba niyang kaanak. Nakita niya rin ang kanyang amang si Lolo Bert.

"Goodmorning Pa!" panimula niya at hinalikan ang pisngi ng matanda. Matapos gawin iyon ay pinahid niya ang kanyang labi at pinunas ito sa kanyang bestida, nandidiri siya rito.

Tumingala ang matanda sa kanya, agad naman siyang ngumiti. "Gising ka na pala Magda. Ay umupo ka na at nag-luto na ng almusal si Marie." tugon ng matanda. Napangiwi siya. Puro nalang si Marie, masyadong pabida talaga ang babaeng iyon! Bulong niya sa sarili. Alam niyang nagpapasipsip na naman ang kapatid niya sa ama nila upang makakuha ito ng malaking parte ng mana.

"Hi kambal!" bati ni Marie sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na beso.

Kumuha nalang siya ng hotdog at isang piraso ng itlog at nag-simula ng kumain. Hinigop niya ang mainit na kape at lumabas ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin. Nakita niyang nag-jojogging si Anton. Nakasando lang ito kayang kitang-kita ang malalaking braso nito.

"Anton!" tinawag niya ito at pinuntahan ang kinaroroonan ni Anton.

"Mind if I join you?" tanong niya. Tumango si Anton bilang pagsang-ayon.

Nag-simula silang mag-jogging sa parkeng bakante sa labas ng resthouse at bumalik sa resthouse.

"Wooh! Ang sarap palang magpapawis!" panimula ni Magda.

"Oo nga! Masarap talagang magpapawis!" tugon ni Anton. Napangiti si Magda.

"Kumain ka na! Baka mapaano ka pa!" tugon ni Magda. Napatawa nalang si Anton.

*****

Pumunta si Magda sa living room kung saan naroon ang mga bata. Napaupo siya sa sofa at pinapanood lamang ang mga ito. Nakita niya sina Ruby, Samantha at Topaz na abalang abala sa paglalaro ng kanilang mga telepono. Si Clarisse at Andrei naman ay naglalaro ng bahay-bahayan. Si Angel na anak niya ay nakita niyang nakikipag-usap kay Samantha. Sina Loraine at Heidi naman ay nag-tatawanan sa gilid. Napangiti siya. Lumapit siya ng bahagya kina Angel at Samantha at pinakinggan ang pag-uusap nito.

"Lahat ng tao dito ay may sikreto..." nabigla siya sa tinuran ni Samantha.

"Ha? Talaga? Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Angel. Kunwari ay nagbabasa si Magda ng dyaryo ngunit pinapakinggan niyang mabuti ang pag-uusap nila. Interesadong interesado kasi siya kay Samantha lalong lalo na’t kay Samantha natutunan ni Angel iyong mga pinagsasabi niya noong huling gabi. You're all the same Daddy! Samantha told me that all the guys want here is to penetrate their thing on our holes! You're all maniacs!

"Oo. Bago pa man nakatapak ang ating mga Mommies at Daddies dito ay may kanya-kanya na silang sikretong tinatago. Sa katunayan, may alam akong sikreto ng Mommy mo." nasilayan ni Magda ang bahagyang pag-ngiti ni Samantha kay Angel. Bigla siyang naging interesado sa pinag-uusapan ng anak niyang si Angel at Samantha. Alam na kaya nito? Sino pa kaya ang nakakaalam?

"Wala namang sikreto si Mommy ah? Pero si Daddy, may mistress siya." tugon ni Angel. Lumungkot ang ekspresyon niya nang marinig ang sariling anak na inaaming may kabit ang papa nito.

"Isang kabit? Nararamdaman kong masusundan pa iyan ng isa pang pagtataksil. Mamayang gabi, pagkagat ng dilim may mabubuong pagtataksil." ngayon ay nakita na talaga ni Magda ang pag-ngisi ni Samantha sakanya. "Diba po?" sagot ni Samantha. Napansin naman ni Magda na siya pala ang tinutukoy ni Samantha.

Deadly Reunion [FINISHED]Where stories live. Discover now