Caught in the Act [EDITED]

13.5K 250 57
                                    

CHAPTER I - CAUGHT IN THE ACT

Tagaktak ang pawis ni Marie na nasa kusina. Abala siya sa pagtitimpla ng turkey na kakainin nila para sa family reunion nila. Iniisip niyang kailangan niyang pag-butihan ang lahat. Lalong lalo na ang kanyang pag-luluto dahil malamang ay ikukumpara na naman siya sa kanyang mga kapatid. Kahit papaano gusto niyang lamangan ang mga kapatid niya sa lahat ng bagay.

‘Siya si Marie Lopez, isang matalino at magandang babae na kayang tapatan ang kahit na sino.’ Muli niyang naalala ang mga katagang iyon. Ngunit simula noong mag-asawa siya ay halos lahat ng kaibigan niya ay nag-sasabing nalolosyaang at tumatanda na siya. Siguro dahil sa apat na ang kanilang mga anak. Isa kasi siyang dedicated housewife at gagawin niya ang lahat upang maging perpekto at masaya ang pamilya niya. Ayaw niyang matulad ang pamilya niya sa pamilyang kanyang ikinagisnan. Pamilyang puno ng problema. Pamilyang puno ng maduduming sikreto.

"Ruby, pakiabot naman ng paminta doon sa may Dining Table." utos niya kay Ruby na abalang abala sa paglalaro ng Flappy Bird sa kanyang iPod. Isang tipikal na high school student lamang si Ruby na nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan. Ito kasi ang gusto niya, ang buhay mayaman kahit ang suweldo ng Papa Anton niya ay kasya lamang para sa isang araw na kainan. Kinakapalan na lamang ni Marie ang mukha niya sa pangungutang sa kanyang mga kaibigan upang masundan ang luho ng kanyang ikalawang anak na si Ruby.

"Ma, wait muna please! Malapit ko ng maabutan ang High Score ni Saph-- SHIT! Tignan mo Topaz, nabangga ako. Ikaw kasi eh, hindi ka pwedeng maglaro ha!" sigaw pa rin ni Ruby habang sumisigaw ng mga masasakit na salita sa kanyang limang-taong kapatid na si Topaz. Nakaupo lamang ito sa kanyang high chair habang hinihintay ang ate Ruby niyang matapos sa paglalaro.

"Laro... Laro... Temple... Unggoy..." ungol ni Topaz habang pilit pa ring inaabot ang iPod ni Ruby. Kating kati na kasi ang batang mag-laro ng iPod ni Ruby. Sa katunayan, iPod naman iyon ng buong pamilya dahil nga wala silang perang pambili ng tig-iisang iPod para sa kanilang mga anak ngunit sinosolo iyon ni  Ruby dahil gusto niyang mapasakanya ang lahat.

"Sapphire, tulungan mo naman ako please. Yung paminta, paabot naman." dumungaw muli si Marie sa kitchen counter upang mas lakasan pa ang boses niya. Nakita naman niyang may kausap ang pangalawa niyang anak na si Sapphire sa may front door ng bahay. Nakatelebabad na naman ito sa kanyang telepono.

"What? That bitch!? Inaagaw niya si Mark... Oo sissy, I know akin lang siya... Wait lang ha?" tinakpan ni Sapphire ang ibabang parte ng kanyang cellphone at humarap sa mama niyang si Marie. "Ma, can't you see... I'm talking to someone! Huwag namang bastos ano?" binigyan niya ng masamang tingin ang kanyang ina. Wala siyang pakialam kahit na anong sabihin niya sa ina niya, ina lang naman siya. Hindi naman talaga siya ang nag-tatrabaho sa pamilya kaya ang Papa Anton lamang niya ang gagalangin niya.

Bumukas ang likurang pintuan ng bahay nila at pumasok roon si Anton ang matipunong ginoong asawa ni Marie. Punong-puno ito ng pawis at dumi, maiitim na dumi sa katawan. Napangiti si Marie kay Anton at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Hi Hon, anong niluluto mo?" tanong ni Anton na agad lumakbay ang braso sa bewang ni Marie sabay halik sa pisngi nito. Alam ni Anton na madumi siya at ayaw na ayaw ni Marie mahuli silang may ginagawang kung ano ngunit hindi na niya napigilan ang sarili lalong lalo na noong makita niya ang hapit na suot ng asawa. Lalong lalo na noong maamoy niya ang halimuyak na amoy ng buhok ni Marie na sumasabay sa paggalaw nito habang nag-luluto.

"Ano ba Anton, nasa sala lang ang mga bata oh! Wag naman dito! At bakit ang dumi mo? Maligo ka nga!" saway ni Marie sa asawa ngunit lihim siyang napangiti. Aaminin niyang kahit madumi at pawisan ang asawa niya ay hindi niya maikakaila ang tinatagong kakisigan ng asawa. Bakat na bakat kasi sa suot ni Anton ang mala-Adonis nitong katawan.

Deadly Reunion [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon