Chapter 5: Spider Shogunate

16 3 0
                                    

Nang makapasok kami sa loob ng gymnasium, sobrang tahimik. Walang nagsasalita. Lahat sila ay nakaupo lang at tahimik na naghihintay kung bakit at para saan ang pagpunta nila rito.

Umupo kami sa bandang harapan dahil iyon nalang ang bakante. Walang may gustong pumwesto sa harapan kaya wala kaming nagawa kundi umupo dito kahit na ayaw naming nasa unahan lagi.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na mas bumigat lalo ang atmosphere dito sa loob ng gymnasium.

Napalingon na lamang ako sa likuran nang makarinig ako ng mga tunog ng yapak ng mga paa.

Nakita ko ang isang lalake na nakangiti habang dumadaan sa mga estudyanteng tahimik ngayon. Sino ba 'to? He doesn't look familiar. Nakakakilabot ang ngiti niya.

And the most weirdest thing is, the whole gymnasium is pretty quite.

Daig pa ang namatayan dahil sa sobrang tahimik kasi kahit papaano ay may naririnig kang mga hikbi sa may burol kaso dito kahit anong ingay wala talaga. Tanging yapak lang ng lalake at ng nakasunod sa kanya ang naririnig. Posible kayang kilala na nila ito at ako nalang ang hindi nakakakilala sa kanya?

"Magsitayo kayong lahat!" Umalingawngaw ang boses ng isang lalaking sumigaw kaya naman agad kaming napatayo.

Umakyat ito sa stage habang nakasunod rito ang mga alalay niya.

Mayamaya ay nakarinig na naman kami ng mga yapak. Napalingon kaming lahat sa taong naglalakad ngayon na si Mr. Williams.

Taas-noo lang itong naglalakad at hindi alintana ang tingin namin sa kanya. Bigla itong napatingin sa gawi ko at ngumiti. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa ngiting iginawad niya sa akin.

Umakyat siya sa stage at dumiretso ito sa gitna kung saan naroroon ang mikropono.

"You may now seat." Sabi ni Mr. Williams kaya agad naman kaming umupo.

"Good morning! I gathered all of you here to formally introduce to you the newly hired Principal of our beloved school, Mr. Rudolf Alvarez!" Anunsyo ni Mr. Williams.

Totoo pala talaga na wala na si Principal Lee. Ano kayang nangyari? Bakit siya umalis?

Tinawag ni Mr. Williams ang lalaking nagngangalang Rudolf Alvarez at lumapit naman agad ito sa kanya. May ibinulong si Mr. Williams rito na siyang ikinatango naman nito.

Lumapit si Mr. Alvarez sa may mikropono at tumingin sa aming lahat. Inilibot niya ang paningin sa buong gymnasium.

"I am Rudolf Alvarez, your new Principal." Pagsisimula nito. "At masaya akong ianunsyo sa inyo ang bagong organisasyong papalit sa nabuwag na organisasyong Supreme Student Council. Let us all welcome the newly founded special organization that is chosen by the administration, Spider Shogonate!" At iminuwestra niya ang kanyang kamay sa isang direksyon na sinabayan rin namin ng tingin.

Nakita namin ang isang grupo ng mga lalaking kasing-edad lang namin sa malaking double-door ng gymnasium.

Nagsimula nang maglakad ang mga ito. Habang papalapit sila sa aming pwesto, unti-unting nagiging malinaw sa paningin ko ang mga mukha nila, ang pananamit at ang tindig. Lahat sila ay may makapal na eye-liner. Yung totoo? Lalaki ba ang mga ito o bakla?

They're all weird. They have something in them that I can't explain.

Umakyat sila sa stage at naupo ang iba habang ang isa naman ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa kinaroroonan ni Mr. Alvarez. Nagkamayan silang dalawa habang tinititigan ni Mr. Alvarez ang lalaki. Para bang nag-uusap sila sa kanilang mga isip at nagkakaintindihan kahit na walang sinasabi sa kanya si Mr. Principal dahil tumatango-tango naman ang lalaki.

Serene High (Wattys2017)Where stories live. Discover now