Chapter 1: The President Is Back

31 3 0
                                    


Third Person's POV

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Student Council sa loob ng isang silid na kamakailan lang nila nadiskubre. Kinailangan nilang humanap ng ibang lugar upang walang makaalam na palihim silang nagtatagpo at nagpupulong upang mapag-usapan at masolusyonan ang problemang kanilang kinakaharap sa kasalukuyan.



"What are we going to do?" Basag ni Richard sa nakakabinging katahimikan.



Mababakas sa mga mukha ng mga taong naririto sa silid ang takot at pagkabahala sa kung ano pang susunod na mangyayari.



"Pwede ba! Umayos nga kayo! Kahit ngayon lang, kalimutan muna natin ang takot at nang makaisip tayo ng dapat gawin. Walang mangyayari kung magpapadala tayo sa takot." Turan naman ni Ryan. Ngunit mapapansin rin ang takot sa mukha nito.



"We can't do anything. Wala tayong magagawa. Ano bang laban natin? We're just a piece of paper for them that can be burn once lit up in just a matter of time." Walang buhay at pag-asang sambit naman ni Shaina.



Nagkatinginan silang lahat at bahagyang napayuko nang mapag-isip isip nilang wala talaga silang magagawa.



Ano nga bang kayang gawin ng tulad nila? They're just students. Mga estudyanteng walang ginawa kundi ang mag-aral nang mabuti. Wala silang ibang kaharap kundi ang kanilang mga libro at notebook kung saan nakasulat ang mga lectures ng kanilang mga guro. Wala namang maitutulong ang mga lectures na 'yon sa mga patayang nagaganap sa tuwing lumulubog ang araw.



"Kung nandito lang si Ms. Hitler, wala sanang ganitong nangyayari. Nagsimula lang naman ito nang mawala siya eh." Sambit ni Maedy Jalaine.



Nagsimula ang lahat ng ito nang umalis ang President ng Student Council. May pinaasikaso ang Principal rito at walang nakakaalam kung ano 'yon.



"It's been six months since she left. Kailan kaya siya babalik? Nasolusyonan niya na sana ito kung nandito lang siya." Turan naman ni Shaina.



"Mukhang matatagalan pa bago siya makabalik. Kaya habang wala pa siya, kailangan na nating mag-isip ng paraan upang matigil na ang kahibangang ito. Nakakasawa nang makakita ng bangkay tuwing umaga! At nakakainis mang aminin pero wala talaga akong magawa upang pigilan ito." Nakatungong sambit ni Ryan while clenching his fist.



Tumingala ito at mababakas sa mukha nito ang galit at pagsisisi. Galit sa kanyang sarili dahil mahina siya at pagsisisi dahil wala man lang siyang nagawa upang mapigilan ang pagdanak ng dugo.



"Wag mong sisihin ang sarili mo Ryan. Walang may gusto sa nangyari. We didn't saw this coming. Sinong mag-aakalang magre-rebelde ang ibang estudyante rito?" Pag-aalo ni Maedy kay Ryan.

Serene High (Wattys2017)Where stories live. Discover now