Chapter 4: Murder

10 3 0
                                    

We walked through the concourse leading to our first subject which is located at the Building 3.



Habang naglalakad, nag-aasaran na naman sila Katelyn at Desiree. Kasabay ko naman maglakad si Andrea habang tahimik lang na nakasunod si Vienna sa amin.



May mga nakakasabay kaming mga estudyanteng papunta sa direksyong tinatahak namin. Parang wala namang nagbago sa mga estudyante rito pati na rin ang paligid. Wala pa naman kaming nakikitang kakaiba tulad ng sinabi ng isang estudyante kahapon sa restaurant.



They're also wearing their school uniforms. I guess, they haven't changed at all. They are still the Serenians I used to know, months ago.



"Sa tingin niyo, sinu-sino kaya ang mga papalit sa Student Supreme Council? At anong itatawag sa grupo nila?" Biglang naitanong ni Desiree.



"A group of warfreak students, right? So, expected nang mas lalong magiging magulo ang sistema dito."



"Whoever they are, I don't give a damn care anyway." Sabi ni Vienna.



"Lagi ka namang walang pakialam eh. Ano pang bago?" Pambabara ni Katelyn kaya naman tinapunan siya ni Vienna ng malamig na tingin. "Peace tayo. Joke lang yun, Vien. Hehehe" Ani niya at nag-peace sign.



"Saan ka pupunta?" Tanong ni Andrea nang mapansin ako na handa nang lumihis sa ibang direksyon.



"Pupuntahan ko lang yung office ng SSC. I want to see it with my own eyes kung totoo nga ang balita."



"But Arie-----" I cut her words before she could finish it.



"I'll be fine. Mauna na kayo, susunod ako."



"We'll go with you." Sabi ni Vienna.



I looked at her. She seems so serious about what she said. So, ang tanging nagawa ko na lamang ay ang tumango. Kung anong sinabi nyan, dapat nasusunod. Ayokong makipagtalo sa taong yelo.



"Kung saan ang isa, nandoon dapat ang lahat. That's what friends are for. Let's go girls! Let's show them what we've got!"



Napailing na lamang ako sa mga sinabi ni Desiree. Sinapian na naman ng masamang espirito. Masama talaga ang epekto sa utak kapag hindi nakakakain 'tong mga babaeng 'to.

Serene High (Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon