O.S #1 - Forever

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakahiga na ako kasi naman 9pm na, us usual iniisip ko lang si Kit and happy moments namin together. I miss you so much bestfriend. Bakit kasi ganon? Bakit babae lagi ang UNANG naiinlove? Diba pwedeng mga lalaki muna? Okaya sabay na lang para fair. Habang nakahiga ako ay biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko naman itong kinuha, expect ko si Kit pero hindi kundi si Tita Carmella. Mommy nya.

“hello Shen?” shen ang tawag sa akin ng lahat, tanging si Kit lang ang tumatawag sa aking Ja, at gusto ko sya lang ang tumawag sa akin non.

“hello po Tita, bat po kayo umiiyak? May nangyari po ba?” kinakabahan na din ako. Paano kung may nangyaring masama kay Kit? Hindi ko makakaya.

“shen, nasa *tut* hospital kame” pagkasabi ni tita non, dali dali akong lumabas ng kwarto at nagpaalam kay mama. Ni hindi na nga ako nagpalit ng damit, malapit lang naman yung hospital eh kaya agad agad ay nakapunta ako.

“tita, ano pong nangyari?” ako habang pinipigilan ang luha ko. Si tita, ibang iba na ang itsura niya. Napaka stressful ng itsura nya.

“Shen, si Kit malala na sakit nya pero sana kahit anong mangyari, pakinggan mo lahat ng sasabihin ni Kevin, pakinggan mo sya huh?” si Kevin at si Kit ay iisa, I used to call him Kit because his true name is Keven Isaiah Timothy. Name lang yan.

“o-opo tita. Asan po siya?”

Tapos tinuro lang ni tita yung room kung nasaan si Kit. Pagpasok ko ang dami ng nakasaksak na kung anong tube sa katawan nya. Napatakip nalang ako sa bibig ko. Kaya ba hindi na sya nagtetext sa akin dahil dito?  kung ano anong inisip ko pero heto sya nahihirapan na pala. Wala akong kwentang bestfriend, bakit hindi ko naramdaman na kailangan ni Kit ang tulong ko. Na kailangan nya ako. Lumapit ako sa kanya.

“Ja”

“shhh, ako muna pwede? Ano to? Bat ganyan itsura mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin na may malala ka palang sakit?” nilalakasan ko na lang ang loob ko pero sa totoo lang para na akong pinapatay dito.

“ja naman eh, sesermonan mo pa ba ako? Nakahilata na nga ako lahat lahat tas manenermon ka pa?“

“kasi naman, ang bad bad mo. Kit, bestfriends tayo, bakit mo to tinago sa akin? Kailan pa?”

“sorry Ja, ayoko lang na mag-alala ka pa kaya hindi ko na nasabi sayo. Kase alam ko na kapag sinabi ko sayo, sobra pa sa magulang ko kung magalala ka, at ayoko na mag-alala ka Ja, sorry talaga.“

“kit....“

“ja, mahal na mahal kita. Tandaan mo yan“

“alam ko Kit, mahal na mahal din kita“ hindi lang bilang kaibigan. But its too late to say it. At kung alam mo lang na mas nagsisisi ako kase hindi ko man lang nasabi sa iyo yung nararamdaman ko. Na mahal na mahal kita. Sobra.

“ja, magagalit ka ba kapag sinabi kong hindi lang bilang kaibigan ang nararamdaman kong pagmaamhal para sa iyo?” anu daw?

“ano ba kit, nagjo-joke ka na naman eh“ pero deep inside in my heartsana totoo. Totoo na mahal niya ako higit pa sa kaibigan.

“matagal ko din tinago yung nararamdaman ko, hahaha. Ja, mahal kita, mahal na mahal“ umiiyak na ako sa mga sandaling ito. Mahal niya ako? Bakit ngayon lang nya sinasabi?

“ang tanga ko nga eh, andyan ka naman pero naghahanap ako ng iba. Naduduwag kasi ako, natotorpe pagdating sayo. Ayoko kasing masira yung friendship naten, kase baka kapag sinabi ko na higit pa doon ang nararamdam ko baka layuan mo na ako. Mas pinili ko na na maging magkaibigan tayo kesa naman magalit ka dahil lang mahal kita.“

“kit, ano...“

“ako muna Ja, naman eh. Ako muna okay? Mamatay na nga ang tao kokontrahin mo pa. So ayun nga, ayoko masira yung friendship naten, naghanap ako ng mga babae pero swear Ja, ikaw lang talaga. Pinilit kong ibaling sa kanila yung nararamdaman ko para sa iyo pero wala talaga. I failed. Dahil ikaw lang noon hanggang ngayon ang nilalaman nito” sabay turo sa puso niya.

“gago ka pala eh, edi sana sinabi mo agad agad. Mahal din kita Kit, pareho lang tayo ng rason kung bakit ayaw kong sabihin sa iyo ang nararamdam ko.” Nasabi ko pa yon ng maayos kahit na yung luha ko ang bilis lumabas sa mga mata ko. Sobrang sakit, tanga ko din eh.

“so, pareho lang pala tayo naghintayan?”

“parang ganun na nga.” After that niyakap ko siya. Mamatay na siya sa yakap ko. Pero bakit sa ganitong sitwasyon pa kami nagka-aminan? Baket?

Lumala ng lumala yung sakit ni Kit, wala na talagang lunas para dito. magdamag at maghapon ko din syang binabantayan. 4 days na ang nakakalipas simula ng magtapat kami sa isa’t isa at naging kame. Oo, naging kame kahit na alam kong mawawala na sya. Mahal ko eh, may magagawa ba kayo? Ako nga walang magawa kayo pa kaya?

“i love you Kit“

“i love you too Ja, always and forever, Ja iwan na kita huh? Hintayin kita sa kabilang buhay. Doon magiging masaya na tayo.“ Alam ko nahihirapan na siya. Pero ayoko pa syang mawala, pero ayaw ko din syang mahirapan ng ganito.

“Kit naman eh, wag ka nga magsalita ng ganyan”

“ja..“

“pero Kit, kung hindi mo na kaya, kung nahihirapan ka na sa situation mo ngayon kahit masakit, sige pinapakawalan na kita.“

“Ja, basta lagi mong tandaan na Mahal na Mahal kita. Hindi sapat ang ang pagkamatay ko para mawala yung nararmdaman ko para sa iyo.“

“mahal din kita Kit, hintayin mo ako huh, susunod ako agad. Pangako” kailangan kong kayanin, masakit sobra. Ayoko syang bitawan pero nahihirapan na sya at ayokong nahihirapan siya dahil nilalabanan nya yung sakit nya. Pansamantala lang naman syang mawawala eh, magsasama din kami ulit at sinisiguro ko na hindi na kami maghihiwalay pang muli.

Authors Note:

Tanaaaaaan!!!

Sabi naman eh, nawili talaga ako sa paggawa ng one shot stories. Hahaha!

Ayus po ba? comment po kayo. Salamat ng marami! ^^

Guys, back to back story kami ng friend ko. Paki-click na lang po ang External Link. thanks :))

© forgetaboutme

            - FOREVER IS NOT ENOUGH FOR ME TO LOVE YOU SO…..Ü

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon