Chapter 23 (mistake?)

Start from the beginning
                                    

“t-tol, bakit?” tanong niya..

Mas lalo akong kinakabahan.. pero huminga ako ng malalim..

“kasi may sasabihin sana ako sayo…”

“huh?anu naman yun?”

“Aki, I like you…matagal na , noon pa nung first year pa tayo..mahal na kita”

Pwede naman diba? Total kontrata lang naman ang meron sila ng utol ko…

“….” Natahimik lang siya

“sana hayaan mo akong ligawan kita, sana bigyan mo ako ng chance”

“…..” tahimik pa rin siya…

Hindi sa lahat ng pagkakataon “silence means yes” ,  may mga tao kasing hindi nalang sumasagot sa isang tanong dahil alam nila na makakasakit sila…katulad nito ..ayaw niyang sumagot sa tanong ko dahil ayaw niyang masaktan ako…ramdam ko naman yun, hindi ako manhid…

“Aki, please …”

Hindi ako sanay magmakaawa, pero diba nakakatanga pag pag-ibig na ang paguusapan, nagiging mahina ang mga tao…

“sorry pero, uhmmm…It’s getting late na rin Jeff, baka hinahanap na ako nila papa” sabi niya

“sige, kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko sayo ha… kitakits nalang sa school bukas” sabi ko at nagfake smile nalang ako…

Pagkababa niya ng kotse, tinawagan ko si Faye…at umalis na rin ako…

Faye’s POV

“ang sakit faye…”

Sabi niya habang his eyes are getting wet… ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak sa harapan ko.. At ang lalaking mahal ko pa?! Aki, bakit?!

Oo, tama kayo ng basa…Si Jeff mahal ko yan, noon pa.. ginawa ko nga ang lahat noon para mapalapit lang sakanya. Pero laging si Aki lang ang bukambibig niya..Ako ang kasama niya, pero di siya nauubusan ng kwento kay Aki… Kaya tinanggap ko nalang ang masaklap na katotohanan na si Aki talaga ang gusto niya...Pero ngayon nafriendzone lang pala siya…

“tang*** naman!, sana sinagot nalang niya ako na wala akong pag-asa kesa tumahimik siya” sabi pa niya…

“tsss…napakadrama mo..” wala naman akong masabi noh, halatang basted na siya….

“one tequila” sabi ko nalang sa bartender, nandito kami sa bar ko, oo may bar ako para san pa’t naging Rodriguez ako kung kahit bar ay wala ako…mayaman kasi ang family namin, medyo spoiled ako and I get what I want….Si Jeff lang ang hindi ko talaga makuha…hindi naman kasi ako yung tipong ipagsisiksikan ang sarili sa isang tao kahit ayaw saken, I’m mature enough to do so.

Pagkalapag ng bartender nung tequila ko, agad naman itong kinuha ni Jeff…

Inagaw ko naman ito sakanya..”hey, bawal ka pa nyan” sabi ko.

“pagbigyan mo na ko” sabi niya

Naawa naman ako kaya pinagbigyan ko siya ,umorder ulet ako ng another shot, umorder rin siya ng sakanya hanggang sa

2 shots

3 shots

4 shots

5 shots

6 shots

Hindi ko na kaya nahihilo na ako… kaya huminto na ko…pero yung kasama ko, tuloy pa rin sa paginom..

“mam, magsasara na po ba tayo?” sabi nung bartender saken…

“no, iwanan mo nalang saken tong bar ako na bahala at umuwi kana”

“pero mam, bilin po ng dad nyo na isa—

“no, I am the owner, so ako ang susundin mo!” sabi ko sa bartender, kayamot..ako ang may-ari, tapos …tskk..

At umalis na nga sya..kasabay ng iba pang mga empleyado…

Naiwan kami ni Jeff… umiinom parin siya halatang hindi naman na niya kaya..tss

He’s too young, and too damn…

..katulad lang siya ng ibang teenager na brokenhearted kuno..…ang babaw nila noh, masasaktan lang...iinom na agad…ano bang mapapala nila sa alak?, hindi naman nun mababago na nasaktan ka na and besides, pagkagising mo kinaumagahan sasakit lang ulo mo, hungover ..you know?

Nagulat nalang ako ng magsalita siya

“do you love me?”

“pinagsasabi mo?, lasing kana … teka tawagan ko nalang si Jigs ahh”

“alam kong mahal mo ako, sabi mo “You should fight for what you feel”, PERO BAKIT IKAW HINDI MO MAGAWA!!!”  sigaw niya saken habang nakatingin siya sa mata ko..iniwas ko naman ang tingin ko sakanya…

Pero tama siya , bakit nga ba di ko magawang ipaglaban ang nararamdaman ko sakanya.. I took a deep breath.

“kasi, alam kong si Aki ang mahal mo!!!, simula palang pinamumukha mo na saken na si Aki lang!!!, YUN YUNG NAKAKAGAGO JEFF!!! MAHAL KITA PERO DI MO MARAMDAMAN DAHIL PURO NALANG SI AKI!!!” di ko namalayan sumisigaw na pala ako..nadadala ako ng emosyon ko.. pero totoo ang mga sinasabi ko..

Natahimik siya at naluha…

“ganito pala kasakit noh, pag yung mahal mo hindi ka mahal…si Aki, kahit di niya masabi saken, alam kong wala siyang nararamdaman saken”

“oo, masakit Jeff!, parang ikaw lang si Aki ehh, mahal kita pero hindi mo ako mahal!, nakakatawa noh” habang sinasabi ko sakanya yan, pinipilit kong tumawa…kahit masakit.

“do you love me?” tanung niya ulet.

“anu ba Jeff nakakabobo na yang tanung mo pero MAHAL NA MAHAL KITA!!!”

Wala akong pakialam kung nalaman na niya, kasi alam kong bukas hungover nalang ang meron siya..at di na niya maaalala ang mga pinagsasabi ko ngayon.

“SIGE PATUNAYAN MO SAKEN KUNG GANU MO AKO KAMAHAL NGAYON!”

Nagsisigawan na kami dito sa loob ng bar , pero ayos lang… kami lang namang dalawa ang nandito.

And before pa ako makasagot sakanya,ay  itinulak niya ako … medyo malakas ang impact, kaya naman napunta ako sa malapit na couch..at lumapit naman siya …

Then he kissed me,

And I can say that this kiss is not passionate, it’s more on pain…

At di ko maipagkakaila na nasasaktan ako…

Naramdaman ko namang bumababa na ang paghalik niya sa leeg ko…nakakaramdam na rin ako ng init sa katawan ko, dala na rin siguro ng epekto ng alak…

And everything went black—

----

I dare to love you (COMPLETED)Where stories live. Discover now