[14] Drinking Games

Start from the beginning
                                    

Mahaba ang pila sa labas ng bar at ang daming nakablue. May ilang malalakas (at makakapal ang mukha) na nakagreen, mostly guys. I glanced at my watch, 10:45PM. The night's still young pero ang sakit na ng paa ko dahil sa heels na 'to.

"Kailangan pa ba nating pumila dito?" bulong ko kay Kesh. "Sponsor naman kayo di ba? Can we just tell the guards that or w--"

"Whoa, Scheherazade is that you?"

Kesh and I turned around and spotted Roldan and Andreau walking towards us. Shit. Bakit ngayon pa? Bigla tuloy akong naconscious sa suot kong damit. God I wish mas mahaba 'tong dress!

"Hi Roldan! Andreau!" Kesh greeted them happily. "Wow.. is this for real? Dito rin kayo tonight?"

"Sponsor ang BroadSoc eh," Roldan replied, smiling. "I guess blue wins tonight huh. Looking good, guys!"

Nakablue rin ang magbestfriend but.. good lord.. may something na iba sa porma ni Andreau ngayon. Come on Zade, anong iba sa blue polo at jeans na suot niya? Wala naman ah! But damn.. ba't may something na iba? Whoa, he's avoiding my gaze. Really? What did I do now?

"Tara, pasok na tayo!" yaya sa'min ni Roldan. Magrereklamo sana ako nang nagsalita siya ulit. "Major sponsor ang org ko. Plus.. we have the superstar here so VIP na tayo. Come on, let's go!"

Medyo reluctant akong sumunod kina Roldan at Kesh. Ang sama kasi ng tingin nung ibang nakapila nang makita nilang kasama namin si Andreau. Not that I'm intimidated or scared of them. I'm more concerned of Andreau because he's too quiet. The Quiet and Very Serious Andreau is my least favorite.

Ayokong sayangin 'tong gabi na 'to kung tahimik lang din si Andreau. I'm not expecting na siya ang mag-iinitiate ang conversation or what.. ugh. Nakakapanibago lang. Today, exactly one year ago nung nagkakilala kaming dalawa. Looks like bumalik ulit kami dun sa araw na yun, completely strangers.

xxx

First time kong pumasok sa isang bar.. and oh my god. Last ko na 'to. Hindi ko kinakaya ang amoy yosi at ingay ng music. Is that even music? And wala na halos space sa dance floor! Akala ko nga blackhole ang pinasukan namin kanina, muntik na akong mawala! Buti na lang kasama namin sina Andreau (na tahimik pa rin) at si Roldan (na kanina pa nilalapitan ng girls), kundi sobrang OP kami dito. Good thing na sa VIP area rin kami, wala na talagang maupuan sa baba.

Pero.. ang awkward. Ano bang topak nitong Cortez na 'to? Ang saya ng kwentuhan nina Kesh at Roldan dito sa tabi namin tapos itong si Big Boss.. nakakatatlong glass na ata ng red wine. Shit, may problema ba siya? Brokenhearted ba siya?

"Pssst Dreau," sigaw ni Roldan sa bestfriend niya. Andreau looked up and tilted his head. "Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik ah."

Andreau shrugged as he emptied his drink. "Nah. Meron lang kaming di pinagkasunduan ni Mars kanina. No big deal."

Nagkatinginan kami ni Kesh. Who the hell's Mars? Oh my god.. girlfriend or boyfriend? Oh g--

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now