First: The Girl Next Row

1.3K 14 2
                                    

Internet, video games, food trip, aral, uwi...

Facebook, DotA, window shopping, assignments, tulog...

Porn, downloads, plano, projects, day dreaming...

Day dreaming...

...kasama ang malikot na kamay at isipan.

Doon umiikot ang buhay ni Dylan Salcedo, isang 2nd year college student na pinili ang simpleng buhay kasama ang mga mas simple niyang mga kaibigan. Educational trip na dagdag grades lamang at hindi required? Pass. Theatre Club, Dance Club o Lasingan Club? Pass. Dean's Lister o Mr. Campus Pogi ng school? Pass na pass. Pinili siya ng Simple Life at pinili niya din ito.

Iba't-iba man siguro ang depinisyon ng mga tao sa simple pero para sa kanya, masaya na siyang nakakauwi ng maaga, nakakapasa ang grades at nakakabulakbol ng bahagya kasama si Fred at Ricky. Si Ricky ay kaibigan pa niya simula high school na naging close friend niya ng malaman niya na siya lamang ang tanging ka-school mate niya noon na ka-kurso niya na. Si Fred naman ang mukhang totoy at medyo isip-bata na walang inatupag kundi magDotA o magvideo games sa phone na napasama na din sa kanila dahil wala na rin itong masamahan (Mobile Legends yata 'yung laro at walang pakialam sa tunay na mundo si Fred sa totoo lang). Siya rin ang tigayaya nila sa paglalaro sa mga computer shop at si Ricky naman ang tiga-supply niya ng mga magagandang babae sa Facebook na iistalk nila at mga porn videos na sila lamang ang nagkakasundo. Ang end goal nila? Makagraduate lang na walang masamang bisyo at mapasaya ang mga magulang. Kung tutuusin mabait pa nga sila kumpara sa iba...iyon ang sinasabi nila sa sarili nila.

Katulad nga ng nabanggit kanina, iba talaga ang depinisyon ng mga tao sa "simple". At alam na alam ni Dylan sa una palang pagkakita niya kay Micah, hindi simple ang babaeng ito. Sino nga ba si Micah?

"Crush ng campus," ang pangalawang beses na sabi ni Ricky, manghang-manghang bumubulong kay Dylan, "Siya ang pagnanasaan na lahat ng kalalakihan dito sa school. Sasambahin siya dito at gagawan siya ng rebulto ng mga Pastor at Hokage sa mga secret groups sa Facebook."

Unang araw sa unang major class nila, magkakatabi ang tatlong magbabarakda sa last row ng classroom. Sa kabilang row ay isang babaeng transferee student; mahabang itim na buhok na parang hindi sinuklay ngunit mukhang maayos pa rin, matangos na ilong, chinitang mga mata, mala-porselanang kutis at matambok na dibdib. Alam nilang transferee ito dahil saulado na nila ang mga 2nd years na kakurso nila.

Hinawi pataas ng babae ang kanyang magulong buhok; tahimik na napa-ungol si Ricky sa kanyang kinauupuan.

"Shit, pare! Ang hot nun! Nilabasan ako ng very, very light."

May six-year girlfriend nga pala si Ricky. Siya ang pinakamagandang halimbawa ng simpleng malibog sa mga kabataang lalake ngayon. 'Yung pa-Fuccboi ba ang ugali ngunit sa kanilang barkada lang. Pero si Dylan, ay malamang, hindi interesado sa pinagdadaanang pantasya ni Ricky. Oo naman, natutuwa din siya kapag nakakakita siya ng magandang babae lalo sa mga porn videos at mga halos hubad na pictures nila sa mga random Facebook profile at pages. Siyempre din, humahanga din siya sa gandang tunay ng mga kababaihan. Pero mas iniisip niya na makakagulo lang ang isang, napakagandang bagay sa simple niyang buhay. Ang pananaw niya, ang pagiging gwapo o maganda ay hindi simple.

"Gusto mo tissue?" tanong ni Dylan kay Ricky na si Fred naman ang kinukulit. Tinignan lamang ni Fred saglit ang babae at balik sa paglalaro sa kanyang smartphone.

"Tissue ba?" sagot ni Ricky, tumingin sa harapan at nagkunwaring nakikinig muna kay Mr. Lim, ang kanilang propesor, "Mas kaylangan yata ni Jessa 'yun. Kakabreak lang nila ng boyfriend niya."

First and Lust 2Where stories live. Discover now