Second : The Agreement

1.2K 16 0
                                    

Kahit si Fred ay napatigil sa paglalaro dahil sa kwento niya.

"Shit, shit, shit!", hindi mapakali si Ricky sa narinig na mga detalye. Para bang naging maaga ang pasko para sa kanya; ang mga mata niya ay bilog na bilog at napatayo siya sa kanyang kinauupuan, "At kala ko ba ikaw pa ang hindi interesado? Pinasok mo na nga sa C.R.!"

"Hoy, hoy, ibang-iba naman ang pagkakagets mo sa kwento!", agad na alma ni Dylan, naiinis na rin siya sa tingin sa kanya ni Fred na hindi din makapaniwala sa sinabi niya.

"Ibang galawan mo D", sabi ni Fred, sabay balik sa paglalaro sa kanyang computer ng League of Legends. Lalong nainis si Dylan.

"The hell? Parang sinasabi mong mas hokage pa ko kay Ricky ah."

Nakangiting umiiling si Ricky, "Kumpare, 'iba' daw. Hindi 'mas'."

Napakamot ng ulo si Dylan. Sino ba namang may gustong pagbintangan sa hindi niya pagkatao, "Hindi ko ba alam kung bakit ko pa kinewento sa inyo 'to."

Tumabi sa kanya si Ricky, "D, 'yan kasi 'yung mga bagay na dapat talaga kinekwento mo sa iba. Mabuti na lang nalaman ko 'yung pangalan niya bago tayo maguwian."

Napatingin si Dylan kay Ricky na nakatawa.

"Micah. Micah Delleva."

Napataas lang ng balikat si Fred at walang ekpresyon si Dylan. Siyempre, tuwang-tuwa si Ricky sa impormasyon na nalaman, alam na nina Fred at Dylan.

Si Ricky, o Ricardo Jun Cortez ay ang pinakamatagal na naging kaibigan ni Dylan. Laging nakagel ang buhok patayo na ahit sa gilid (gupit "Fuccboi" ika nga), matangkad at mapayat, maihahantulad mo si Ricky sa mga kabataan na pilit na naghahanap ng "thrill" sa kanilang edad, siguro dahil na din sa impluwensya sa kanya ng kanyang kuya na si Edwin na popular daw noong nag-aaral pa. Pero sa kabutihang palad, takot din ito. May six-years na girlfriend si Ricky simula 1st year high school pa lamang, at pinipilit niyang pasayahin ang sarili sa pagiistalk sa mga magagandang babae at panonood ng porn. Alam ng barkada na kahit ganito kamanyak ang kanilang kaibigan, hindi niya mapagpapalit ang girlfriend niya sa iba.

"Alam mo, uuwi na ko. Pass muna ako sa masarap na hapunan, Fred,",sabi ni Dylan, nakatingin sa labas na nababalot na ng dilim. Kinuha niya ang kanyang bag at pumunta sa pintuan ng kwarto ni Fred.

"Ikaw, Ricky?", tanong ni Fred, patuloy na naglalaro.

"Ako pa ba 'tol?", sabi ni Ricky; isa sa inaabangan niya ay luto ng nanay ng Fred. Tumango si Fred at lumabas na si Dylan ng kwarto, nakita niyang naghahanda na ang nanay ni Fred at inalok siya nito. Kalderetang manok, amoy palang niya. Nakakatukso man pero pakiramdam ni Dylan ay nawalan siya ng gana kumaen sa dami ng nangyari.

"Uwi na po ako tita, pasensiya na po."

At pagkauwi ni Dylan ay humiga siya agad sa kama. Parang pagod na pagod ang katawan niya ngunit ang isip ay naglilikot at ayaw pang magpahinga. Nanlalambot siguro dahil sa dineposito niya kanina. O dahil sa mga nakita niya. Pero ang hindi niya makalimutan ay ang malalaking suso ng dalaga. Ilang oras pa ay napaltan ang imahe ng isip niya ng mukha ni Micah at ang unang bagay na sinabi nito sa kanya...

Baka gusto mo pang picturan?

Kung alam niya lang, hindi na niya kaylangan ng picture para maalala ang mga nangyari. Alam ni Dylan na isa iyon sa mga bagay na hindi niya makakalimutan habambuhay.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jul 23, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

First and Lust 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz