“Yeah baby!” tapos nagsayaw pa ang loko sa harap ko.

Binato ko siya ng throw pillow. “Sayaw ka pa ng sayaw dyan. Bilisan mo, kilos na, iwanan kita eh.”

“Sir, yes sir!” sumaludo pa siya bago umakyat sa kwarto niya. Sumunod na rin ako sa taas at nagbihis na rin. Sana naman bukas makasama ko si Kath sa birthday ko. Namimiss ko na siya eh. Nagkikita nga kami araw-araw pero lagi kasing lumilipad ang isip niya, parang hindi niya ako kasama.

At the Bar

“Daniel, iwan muna kita dito ha. Kakausapin ko lang yung mga chicks doon.” si Neil.

Tumango na lang ako at umalis na siya. Tingnan mo ang lalaking yun, nagpasama-sama dito tapos iiwan din pala ako. Umorder na lang ako ng one glass of whisky, pero hindi naman ako maglalasing. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako oorder eh.

“One vodka please.” Napatingin ako sa umorder, familiar kasi ang boses niya.

“Hey Enrique.” I greeted him.

“Hi pare! I didn’t notice you. Sinong kasama mo?” lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Yung pinsan ko yung kasama ko. Eh ikaw, sinong kasama mo?”

“A new friend. Pero umalis na rin siya.”

“I see. So, kamusta naman ang stay mo dito?” I asked. Wala na akong ibang maisip na itanong eh.

“Okay naman. Nakaclose na ako ng deal and marami na rin akong nakausap na businessmen na pwedeng makisosyo sa amin.”

“Hanggang kelan ka ba dito?”

“Well, it depends. Meron pa kasi akong aayusin sa personal life ko eh.”

“Ano naman yun? Lovelife ba? Haha” biniro ko siya.

“Paano mo nalaman?” tapos tumawa rin siya habang umiinom ng vodka.

“Totoo nga?” he nodded. “Wala, binibiro lang naman kita, tapos tama pala. Anong bang dapat mong ayusin sa lovelife mo?” Ewan ko ba, pero bigla akong nacurious.

 

“I came back for a girl na iniwan ko noon. Alam ko nasaktan ko siya that time but I have to do something for my Dad and for our business. Basta complicated talaga. And now na naayos ko na yun, siya naman yung pagtutuunan ko ng pansin. I have to win her back. Mahal na mahal ko pa rin siya eh.” kwento ni Enrique.

“Naku, good luck pare.” I told him.

In A SnapWhere stories live. Discover now