"Aray! ANO BA? Sinabi nang masakit ulo ko diba? Ano bang problema mo?!"  Isinampal ko sakanya yung dyaryo. Wala akong pake! Galit ako! Niloko ako! Gusto kong pumatay! Gusto ko silang pataying dalawa!

"ANO BA T--"  Binasa nya yung dyaryo. Ang kapal ng mukha nilang dalawa!

"ANO?! BAKIT NATAHIMIK KA?! WAG MO SABIHIN HINDI YAN TOTOO?! HA?! MAGSALITA KANG HAYUP KA!!"

"Tammy it's not what you thin--"

"ANO?! ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGALIT KAHAPON EH IKAW PALA ANG GANYAN! ANG KAPAL NG MUKHA MO! HAYUP KA! HAYUP KAYONG DALAWA! MAGSAMA KAYO!! MAMATAY NA KAYO!!"

"Tammy let me explain first!"

"Explain?! WALANG MAY PAKE SA EXPLANATION MO!! BREAK NA TAYO!!"

"TAMMY!"

"Ano bang nangyayari bakit nagsisigawa--"  Nakasalubong ko pa si tita Saab palabas ng kwarto pero dumiretso na ako. Humanda yang babaeng yan sakin!

-----

"Teka lang po Maam tatawagin ko lang po si Maam Su--"

"SUNJI! HAYUP KANG MALANDI KA!! BUMABA KA DYAN!! SUNJI!!"

"Maam! Wag po kayong mag iskandalo dito! Maa--"

"AALIS KAYO SA HARAPAN KO O SAINYO KO ILALABAS YUNG GALIT KO?! ISA?! ALIS!! SUNJI!! BUMABA KA DYAN!!"

"Ano bang ingay yan?! Oh Tammy? Ano bang pro--"

"MALANDI KAAA!!"  Sinabunutan ko agad sya pero agad kaming naawat ng mga katulong. BWISIT!!

"Wala ka talagang pinag aralan!! Ano bang problema mo?!"

"Ayan! Sino kaya sa atin ang walang pinag aralan ha?!"  Binato ko yung dyaryong hinablot ko kanina sa pinto nila. Pinulot nya ito at binasa. Halatang nagulat sya pero nakita ko yung pang demonyita nyang ngiti.

"So alam mo na pala? Ang bilis talaga ng balita."

"HAYUP KA TALAGANG MALANDI KA!!"

"HAHAHA!! Ang sarap pala talagang humalik ni Xander no? Omygosh! Naaalala ko pa kung gaano kasarap nya akong halikan kagabi. And alam mo bang wild sya pag nakainom? Uh oh, oo nga pala baka hindi mo pa naranasan."

"MALANDI KAAAA!!"  UGHHH!! Gusto ko syang sugurin pero mga bwisit na katulong to! Lalo pa syang ngumiti, ughhh! Gusto ko syang ilampaso!!

"Haay. I just can't imagine kung paano mo sya sinasayang. Ang sarap nya kayang humalik, yung mga hawak nya, uhhh, nakakawala sa sarili. He's an expert when it comes to bed. Sya nga ang halos gumawa ng move eh. Di ko na kinaylangang magpagod. Nagpakasarap nalang ako. I'm looking forward for another night with him, ayy kahit hindi na pala gabi. Kahit anong oras nya nga gusto eh available ako."

"MALANDI KA! POKPOK!! SA IMPYERNO KA BAGAY!!"

"Whatever, at least hindi ako boring na girlfriend tulad mo. Paconservative pa kasi. Tsk. Makipag hiwalay ka na kasi para mapasakin na sya ng tuluyan. Tutal pinatunayan naman nya kagabi kung gaano nya rin ako kagusto eh."

"Wag kang mag alala. Bagay naman sayo eh, pagtyagaan mo yung basurang itinapon ko. Magsama kayo."  Sabi ko saka ako umalis. Hindi ko na kaya. Feeling ko sasabog nalang ako anytime. Magsama silang dalawa sa impyerno

Hindi ko alam kung paano pa akong nakauwi ng maayos. Wala na ako halos sa sarili. At kung iinisin ka nga naman ng tadhana, ang daming binebentang dyaryo na nagkalat sa daanan ko. Bumili ako ng isa. Kaylangan ko tong harapin.

"UGHHHHHHH!!! MGA WALANGHIYA KAYO!!! ANG BABABOY NYO!!! Ang bababoy nyo! Pano nyo nagawa sakin to?!"

"Tammy?! Sweety?! Anong nangyari sayo?!"  Agad akong niyuakap ni mommy. Niyakap ko rin sya. Nakakahiya dahil iyak lang ako ng iyak. Ang sakit. Isipin ko pa lang na makita silang dalawang magkasama nakakainis na ayun pa kaya?!

"Mommy pano nya nagawa sakin yun? Mommy niloko nya ako, pinagpalit nya ako dun sa malanding yun!"  Yes, wala akong tiwala kay Sunji pero malaki ang tiwala ko kay Xander. Ang alam ko hinding hindi nya kayang gawin sakin yun, hindi nya ko kayang lokohin pero tang ina lang! Anong ginawa nya?!

"Shhh, ano ba yun? Ano bang problema?"  Inabot ko lang sakanya yung dyaryo saka pa ako umiyak ng umiyak. Hindi ko kaya.

'Model at ang ngayong sikat nang artista na si Xander Lee at ang kanyang ngayoy leading lady sa bago nilang movie na si Sunji ay namataang magkasama at naghahalikan sa isang club kagabi lamang. Noong kaylan lamang ay nabalita ang di umanong pagtulak ng non showbiz girlfriend ni Xander na si Tammy Fortalejo kay Sunji sa isa nilang photo shoot sa MOA na naging dahilan upang magkaroon ang dalawa ng hindi pagkakasunduan. Pero ano itong larawang nakuhaan? Si Xander at Sunji na naghahalikan at di nagtagal ay pumasok daw ang dalawa sa isang kwarto. Hiwalay na nga kaya sila ng non showbiz girlfriend nya?-'

"Oh my gosh. Totoo ba to?! Baka naman gawa gawa lang to?!"

"Ma may pictures! Tsaka natahimik lang si Xander nung tinanong ko sya. Ma may nangyari sakanilang dala--"  Nagulat kami ni mommy nang biglang hablutin ni daddy yung dyaryo at saglit na binasa to.

"Silver--"

"Dad!"  Wala tong sinabing anopaman at bigla nalang syang umalis.

"Sweety go fix yourself, susundan natin ang daddy mo! May gagawing hindi maganda yan!"

Nag ayos nga ako pero sa kotse papunta kanila Xander ay di ko pa rin mapigilang umiyak. Ayoko syang makita eh! Ayoko!

"SILVER!!"  Naabutan namin si dad na sinapak sa mukha si Ima- Xander.

"Silver please! Tama na!"  Pag mamakaawa ni tita Saab na umiiyak na trin habang inaalalayan si Xander dahil napaupo sya sa sahig.

"Silver please. He was drunk. Hindi nya alam yung nangyari."  Sabi naman ni tito Steven.

"THEN HE SHOULD HAVE BEEN MORE CAREFUL!! May nangyari hindi pa ba malinaw?! Niloko nya ang anak ko! What do you want me to do?! Titigan si Tammy na umiiyak? Ama ka rin! Alam mo na hindi to madali para sakin!"

"Tito I'm sorry, I swear hindi ko alam yung nangyari. I was drunk and was totally out of my mind. Alam nyo kung gaano ko kamahal si Tammy. I'm really sorry."

"Mababalik ba ng sorry mo yung mga nangyari? Magiging ok ba ang anak sa sorry mo? Well sorry din, parehas lang tayong lalaki at hindi ko matanggap na nagawa mo to sakanya. Tapos na kayong dalawa. Let's go."

"Tito wait. Tammy! I'm sorry! Mahal na mahal kita please don't leave me!"  Tinignan ko lang sya ng isang beses, at umalis na. Ang sakit. Pero bakit kahit ako yung sinaktan nya eh nasasaktan rin ako para sakanya? Gusto ko syang yakapin pero hindi tama.

"Dad, gusto kong marinig ang paliwa--"

"Hihintayin mo pa bang mas masaktan ka? Paano kung sige maging ok kayo pero paano kung nabuntis nya pala yun? Mas masasaktan ka. Mas ok na to. Lalaki rin ako but I will never do that to your mom. Mahal na mahal ko kayong dalawa at kung mahal ka talaga nya, hindi nya magagawa to. Ngayon lang ako nangialam sainyong dalawa dahil sobra na to. I'm doing this for you Tammy. I love you so much."  Niyakap nya ako at hinalikan sa noo saka sya nagmaneho pauwi.

Nagkulong ako sa kwarto. Umiyak lang ako ng umiyak buong gabi, sana, sana bangungot lang to. Sana ok na ako pag gising ko, Sana ok na ang lahat.

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now