false alarm

1.5K 48 9
                                    

CHAPTER 32

Porca’s POV

“manong sa UMAY high school nga po” imik ko sa driver ng taxi pagkasakay ko dito. . “at pakibilis din po. .please. .” dagdag ko. .

Sana hindi pa umaalis dun si bilfo, sana nanatili lang siya doon please. .

Wag sanang mangyari ulet yung dati. .na sa bandang huli ay pagsisisihan ko na naman ang mga nagawa ko. .

Wag na sanang mangyari yung nagkalayo kami dahil sa hindi pagkakaintindihan. .

Wag na sana. .

Habang nasa biyahe ako papuntang school, taranta kong tinatawagan si bilfo kaya lang out of coverage area ang line niya. .

“diyos ko, wag kang umalis bilfo” mahina kong imik habang nakatingin sa bintana at sa ulap na unti-unti nang nagdidilim dahil sa papatak na ulan. .

Napatingin agad ako sa unahan ng mapansin kong ang tagal ng nakahinto ng taxi. .

“ano pong nangyayari manong??” aniko, kung kelan naman kasi nagmamadali ako. .

“traffic po ma’am eehh may naaksidente po kasing truck at nakaharang pa ito sa daan” paliwanag ni manong habang nakatingin sa akin sa pamamagitang ng rearview mirror. .

“wala po ba kayong ibang daan na alam??” aniko, tss kailangan ko na kasing makarating ng school eehhh. .

“meron po kaya lang mapapalayo pa po tayo ng konti” ani manong. .

“geh doon na po, basta makarating agad ako sa pupuntahan ko” sagot ko, agad din namang iniliko ni manong ang sasakyan at idinaan sa isang eskinita. .

Masyado na ding mabilis ang takbo ng taxi, naintindihan na siguro ni manong na nagmamadali talaga ako. .

Ilang minuto lang ng paglipad este biyahe. .

“andito na po tayo” ani manong

“salamat po eto po bayad ko, inyo na po sukli” tas nagtatatakbo na ako papasok sa school, walang pasok ngayon kaya tahimik ang school. .

Sa likod agad ng building ako nagpunta, kung saan nandun ang puno ng acacia. .

Ilang metro na lang ang layo ko sa puno ng bumagsak ang napakalas na ulan. .

Wala na. .wala na akong bilfo na nakikita na nakatayo sa puno. .

“bilfo. .” aniko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata at dahan dahan akong lumapit sa puno. .

Wala na talaga si bilfo sa lugar na iyon. .umalis na siya, iniwan na niya ulet ako. .

“bilfo, bakit ka umalis?? Naaalala ko na lahat eehh” aniko habang humahagulgol ng iyak sa harap ng puno ng acacia, “magsosorry pa naman ako kasi tinawag kitang sinungaling” dagdag ko. .

Nagpadala kasi ako sa mga naiwang ala-ala ko kung saan si louis pa talaga ang pinaniniwalaan ko. .

“huli na naman ba ako??” imik ko ulet. . “aarrggghhh!!! Ang engot engot ko kasi eehh” paninisi ko na naman sa sarili ko. .

Patuloy lang akong umiyak ng umiyak, sabay napaupo na lang ako sa damuhan at lalong nilakasan ang pag-iyak. .malakas naman ang ulan kaya wala ring makakarinig ng iyak ko. .

“bilfo!! Bakit ka umalis??!!!” ubod ng lakas kong sigaw sa langit. .

Sabay umiyak ulet ako. .

“sinong umalis??”

O_O

O_O

O_O

Napatigil agad ako sa pag-iyak at lumingon sa likod ko. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon