billdoux not bilfo

1.8K 59 14
                                    

CHAPTER 13

Orene’s POV

Si Theo pala ay pinsan ni Bilfo. .nabuhayan ako ng pag-asa sa nalaman ko kaya lang ang ina pala ni Theo ay kapatid lang sa ama ng ama ni Bilfo. .gets nyo ba??? Ang ina ni theo ay anak daw sa labas ng lolo nila ni Bilfo, At hindi rin tanggap ng ama ni Bilfo ang ina ni Theo, kaya nga daw dito sila sa pilipinas nanirahan at lumaki ang pamilya nila. .pero hinayaan ng mga fonnerman na dalhin ng ina ni Theo ang epelyido nila. .

So in other words wala pa ring pag-asa. .

“infairness ahh, kahit anak lang sa labas ang mommy mo ang lakas ng dugo ng isang fonnerman aahh” ani Mel, ngayon lang din kasi niya yun nalaman

“oo nga noh, ba’t ngayon ko nga lang napansin na may pareho kayong asset ni Bilfo at yun ay ang mga mata ninyo at pangangatawan” aniko tapos napatingin ako kay theo ulet. . hindi ko maitatangging ngayong natitigan ko ng matagal si Theo ay may pagkakapareho sila ni bilfo hindi ko lang matukoy kung ano lahat yun. .

“alam ba ni Bilfo na fonnerman ka din pala??” tanong sa kanya bigla ni Mel,

“Oo ehh, una palang niya akong nakita ehh bakas na sa mga mata niya yung pagtataka ng magtama yung mga mata namin, sinadya ko pa nga siyang iwasan sa simula kasi alam kong Fonnerman siya” kwento nito tapos tumingin siya sa labas ng fast food chain at humalumbaba, “isang araw nilapitan na lang niya ako at tinanong ng ‘Fonnerman ka din diba?’

“ano sabi mo??” tanong ni Mel na paran tuwang tuwa sa naririnig na kwento

“syempre sinabi ko yung totoo, ewan ko ba pero nung tinanong niya ako hindi ko naitanggi sa kanya na fonnerman ang ina ko” tapos tumingin ulet siya sa amin ni Mel. . “habang lumalaki ako tinuturuan ako ng ina ko kung paano pakalmahin ang sarili ko sa tuwing magagalit ako kasi alam niya na ang isang fonnerman ay matindi kung magalit”

Napatango na lang kami ni Mel sa mga kwento niya. .

“aahh ganun” tapos ngumiti ng ubod ng lawak si Mel “theo, may sasabihin ako sa iyo” dagdag nito, napatingin naman agad kami ni theo kay Mel. .napansin ko din na nakataas ang isang kilay ni Theo ng tumingin siya kay Mel. .haist!! pareho sila kung paano magtaas ng isang kilay ni Bilfo. .

“ano yun??” ani theo kay mel, magkatabi lang kasi sila ni Mel sa upuan kaya medyo magkalapit sila ngayon

“ang gwapo mo lalo kapag walang salamin, hihihi” ani mel sabay kinurot yung pisngi ni theo

“ahlay!! A-ano bah mhel!!” ani theo habang pilit na inaalis yung mga kamay ni Mel sa magkabila niyang pisngi, ilang saglit lang ehh natanggal nya din ito kaya lang pulang pula nga lang yung pisngi niya. . “ang sakit nun aahh!!!” sigaw nito

“pakiss naman ako sa boyfriend ko!!” ani mel, sabay nguso. .

“matapos mo akong kurutin hihinge ng kiss, aba!! Sinuswerte ka!!” ani theo sabay inilayo yung mukha ni Mel sa kanya gamit ang pagtulak dito gamit ang buo niyang palad. .tapos agad na sinuot ni Theo yung salamin niya. .

“ang damot mo!! Pero pag ikaw ang nagnanakaw ng halik tuwing ihahatid mo ako hindi ak-----.” Hindi na natuloy ni mel yung sasabihin niya kasi tinakloban ni Theo ng kamay yung bibig niya. .

“ha?? Ano?? May sinasabi ka ba??” ani Theo habang nakataklob ang kamay niya sa bibig ni Mel, sinamaan naman siya ng tingin ni Mel habang pilit na tinatanggal yung kamay ni Theo sa bibig niya. .

“ahfebuyfwevghcbahuxhcuqbnag!!!!” ani mel, natawa na lang ako sa itsura ng dalawang ito. .ang cute kasi nila ehhh. .

“anong lengwahe yan??” matawa tawang imik ni Theo, “grabe!! Hindi lang pala ako ang alien dito pati ika----ARAYYYY!!!!!” sigaw ni theo, kinagat kasi ni Mel bigla yung kamay niya. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon