nakakaasiwa ba mukha ko??

2.9K 87 3
                                    

CHAPTER 3

“hoy!! Sigurado ka walang side effect tong ginawa nila sa mukha ko aahh!!” ani ko habang nakatingin pinag-aaralan sa maliit na salamin ang mapula kong mukha, bakit?? Eehh kasi ho itong mokong na ito ay dinala ako sa isang cosmetic surgeon at pina-derma lang naman ang mukha ko. .

“ayos lang yan, tamo bukas makikita mo na ang resulta nyan” sagot naman nito sabay subo ng spaghetti na nasa tinidor nya, nga pala nandito kami sa isang fast food chain at kasalukuyang naghahapunan ginabi kasi kami dun sa pagpapaderma ko eehh. .dami pa kasing sinabi nung doktora na halatang nagpapacute na dine sa gwapo kong kasama. . “at saka hindi ‘hoy!’ ang pangalan ko, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na BILLDOUX!! BILLDOUX!!” in-emphasize nya talaga yung pangalan nya. . (bil-dawks: yung pagkakapronounce in tagalog). .

“oo na!! oo na!!” aniko habang sinesegway yung maliit na salamin at sabay irap pa sa ere, naku!! Pasalamat sya gwapo sya kaya natitiis ko yung ugali nya eehh kasi simula palang alam ko ng hindi kami magkakasundo ng ugali nitong lalaking ito. .at saka hindi ko ma-feel yung pangalan nya para kasing dapat mayaman lang yung babanggit, kaya laging ‘hoy!’ tawag ko sa kanya. .

Inirapan lang din nya ako, seriously??!! Marunong din syang umirap??. .wow!! pero hindi yung tipong nagmukha syang bakla aahh, yung bang irap na nakadagdag pa sa pagiging CUTE nya!! Yun yun eehh!!

“nga pala!! Bukas babalik ulet tayo dun, bakit?? Kasi po pababawasan naman kita ng bilbil!! Ang taba mo eehh!!” dere-deretso nitong imik, tumango lang ako baka bigwasan na naman ako nito sa ulo kapag nagprotesta na naman ako, kanina kasi bago galawin nung doktor yung mukha ko nagdadadakdak muna ako kaya iyon!! Itong si HOY! Eehh sinampiga ako sa ulo, ang sakit kaya!! At ayaw ko ng maulit yun noh!!

“grabe! Ang cute nung guy na yun oohh!” narinig kong bulungan nung mga babae sa di kalayuan sa pwesto namin, pasensya na malaki din kasi teynga ko kaya malawak ang naabot ng radar ko. .hehehe

“swerte nung girl” ani nung isa, kaya napatingin naman ako kay ‘hoy!’ na kasalukuyang tumatawa mag-isa habang nakatingin sa cellphone nyang iphone. .bale kaharap ko kasi itong si ‘hoy!’

“malas naman nung boy, look mo kaya so panget ni girl at para pang nasabugan ng dinamita yung mukha” imik nung pantatlong babae. .

Kaagad namang naningkit yung mga mata ko dun at tiningnan ko kung sino sa tatlong babae yung umimik nun. .napatingin din naman sila sakin. .kaya nilabas ko lalo ang aking killer eyes!! Kaya lang lalo silang nagtawana. .

“my god!! Mukhang musang!!” ani nung isa sabay tawa nilang tatlo. .haist!! yung mga mata kong nananakot kanina eehh napalitan ng mga matang naiiyak eehh kasi ikaw kayang pagtawanan pa sa halip na matakot sila hindi ka kaya maiyak?? Pero hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko sa kanila. .kaya lang nabigla ako sa kanila ng biglang gumuhit sa mga mukha nila ang takot at nag-uunahang tumayo at lumabas ng fast food chain. .

Napaharap ako kay ‘hoy!’ kasi alam kong hindi sa akin nakatingin yung tatlo nung matakot ang mga mukha nila, kaya lang pagharap ko kay ‘hoy!’ eehh halata mong kagagaling lang ng mga mata nya dun sa pwesto nung mga babae kasi nagkaabutan kami ng mata. .

“huli ka na!! anung ginawa mo dun sa mga babae ha!!??” aniko, nagkibit balikat lang sya at pinagpatuloy na yung panonood ng kung ano sa cp nya tapos tumuloy na naman sya sa pagtawa nya. .

Naka-earphone kasi sya pero yung isang lang ang nakalagay sa taynga nya kaya nagkakausap pa kami pero hindi ko naman marinig kung anu yung pinanonood nya. .

“hoy!!” tawag ko sa kanya

“billdoux!!” madiin nyang imik ng nasa cp pa rin ang kanyang paningin, sabay subo na naman ng spaghetti. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon