You're mine

1.9K 56 14
                                    

"Ano bang trip 'to ha?" sabi ko kay Minji ng medyo naiinis.

"Nakakakilig naman yan! Yiieee!" sabi naman ni Minji ng kinikilig-kilig pa.

Ano ba 'to, parang kiti-kiti. Tapos 'di pa din niya binabalik sa'kin yung paper na yun.

Pagkabukas ko kasi ng locker, may naka-ipit na sulat. At ang nakalagay...

 ~ ~ ~

Hello, Suji! Kamusta ka naman? Alam mo bang may gusto ako sa'yo? Sana ikaw din.

– Your Oppa♥

~ ~ ~

"Anong nakakakilig jan? Edi sana kung crush ko yung nakapangalan jan, kikiligin ako." depensa ko naman kay Minji.

"Eh paano kung siya? Hindi lang nagpakilala?" seryosong sinabi niya sa'kin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga? Paano kung siya? Pero, napaka-imposible! Imposible talaga! Sobrang imposible.

"Hindi siya yun! Bakit, pangalan ba niya 'Your Oppa'?" panloloko kong sinabi.

Nag-troll face na lang siya sa'kin sabay bigay sa'kin nung paper, at hinalughog na niya yung napakadumi niyang locker.

"Eh, ang pangalan niya.. Jeon Jungkook." dagdag ko pa.

Inipit ko na lang yung paper na yun sa likod ng mga nakahilerang book ko sa locker. Para kailanman hindi ko na yon makikita at mababasa.

Teka, feeling ko may nakikinig sa usapan namin ni Minji ah? May chismosong baliw na nakikinig sa usapan namin!

Tumingin ako sa likod at... "J-Jungkook?"

Napatingin naman sa likod si Minji at nagulat din, "Paano yan?" bulong niya sa'kin.

"K-Kanina ka pa jan?" na-uutal kong tinanong kay Jungkook. 

OMFG! Juskooo! Oh noooooooooo!

"Huh? What did you say? Crush mo ko?" narinig nga niya! Waaahhhh! Kill me now!! Patay kang ipis ka! Paano ako e-escape neto?!

"H-Ha?! Hindi noh!" deny ko naman sakanya. Nakakahiya kaya! Ano ba 'to!!

Ano 'to?! Ano 'to?!! Papalapit siya sa'kin... O Panginoon ko! Bakit ganito? Nanginginig mga binti ko! Tapos nags-slow mo siya? Waahhh! Not now please! Nagb-blush ata ako?! Ang init ng muka ko eh! Ano 'to? Bakit na-stiff ako? Di ako makagalaw!

Nasa harapan ko na siya at hinawakan niya yung pisngi ko. Okay, I'm dead. 

*toooooooooot*

"Oh, I wish I'm your crush." then he pinched my cheeks and he smirked at me. 

Pagkatapos no'n ay umalis na siya...

You may now rest in peace Kim Suji.

Napahawak ako sa pisngi ko. Is this true? Anong nangyayari sa mundong ibabaw? Nginitian ba talaga ako ni Jungkook sa harapan ko? Hinawakan niya ba talaga ang pisngi ko? Waahh! Feeling ko, nasa heaven ako!


"Huy! Suji!" kalabit sa'kin ni Minji, "Woohh. Nanaginip ka na naman! Parating na daw si Sir." sabi niya sa'kin.

Umayos ako ng upo at nakita ko yung desk ko, at ang daming laway. Eww! Dugyot! Yak.

"Psh! Panaginip lang pala." dismayado kong sinabi.

"Oo, hanggang panainip ka na lang ata talaga kay Jungkook." masungit niyang sinabi sa'kin.

"Oo, thanks. Lalo mong pinapalakas loob ko." mataray kong sagot sakanya.

I Want to be Your Oppa [BTS' Jungkook FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon