Untitled Part 1

104 3 0
                                    

Sana sinabi mo...

Sana tinanong kita...

Sana inantay mo ko...

Sana sabay na lang tayo...


Nag-aantay na ko ng jeep pauwi, hinihintay ako ni bessy na makasakay kaya nag-uusap muna kami. Sobrang dami na ng taong dumaan, sobrang dami na rin ng napag-usapan namin at higit sa lahat ang dami na ring jeep ang dumaan. 'Di ako agad sumasakay lalo na kapag masaya ang chikahan. Minsan napag-uusapan na namin lahat, lahat ng tao sa room HAHAHAHAHA mga kalat sa room, kabilang section, bahay, simbahan, lahat na ng miyembro ng pamilya, mga pangarap, possibilities... Kahit yung walang kwentang mga topic napag-uusapan na rin namin. Pati nga yung favorite texture namin ng kanin e. 

Araw-araw ganon yung routine namin. 'Di yun mawawala sa buong araw maliban na lang kung sabado o linggo. Pero itong araw na 'to, medyo kakaiba 'to. Sa dami na ng pinag-usapan namin pati mga jeep nilalait na rin namin. May isang jeep na lakas loob na huminto mismo sa harap namin, akala ko ayun na, pinaasa lang pala ako. PUNO BESHHHHHHH! Kaya nag-antay nanaman kami. Hanggang sa may huminto ulit... di ko masyadong pinansin kasi halatang puno kaya tuloy lang ako sa kuwento ko pero biglang nabalin yung tingin ko sa lalaking nakatingin sakin.

Nasa harap siya ng jeep, katabi ng driver tas may nakaupo pa malapit sa labasan talaga so bale nasa gitna siya ng driver at isa pang pasahero. Halatang nag effort siya para makita ako kasi hindi siya naka sandal at diretso ang tindig niya habang gilid na gilid yung ulo niya. Sinubukan kong kilalanin yung lalaking nakatingin, medyo 'di ko maalala kung sino nga ba siya. Nakatingin lang ako sa kanya, diretsong tingin at sinuklian niya ito ng pagtaas ng kilay. Kasabay ng pagkaka-alala ko'y umandar na ang jeep. 

Si y/n...

 Natahimik ako at dali-daling sumakay sa jeep ng hindi nag papaalam kay bessy. Nagmadali ako pero hindi sapat. Ang bilis niyang maglakad. Nahuli ako pero sinubukan kong sumakay na lang ng tricycle baka sakaling masilayan ulit kita. Nagmamadali na ko, ninanais kong makita ulit ang mga mata mong sakin lang nakatingin. Pero, bakit ganon? Alam kong ikaw na 'tong nasisilayan ko kahit malayo pa lang, alam kong ikaw yun pero bakit parang nanamlay ako? bakit nawalan ako ng lakas ng loob? bakit kahit alam kong di mo mamamalayang tinitingnan kita e hindi parin kita nagawang tingnan? Nagbulag-bulagan ako. Nag kunwari akong may ginagawa sa cellphone ko, alam kong napatingin ka non nung nalagpasan ka na nung tricycle pero bakit hindi ko man lang nasuklian yung tingin na yun? Pero siguro nga, darating din yung panahon kung kelan matatanggap ko na yung mga katagang iniwan mo sakin, "maging mag kaibigan na lang kaya ulit tayo? baka mas mabuti yun para sa'tin" Siguro nga, matututo rin akong huwag kiligin sa tuwing nakikita ko pa lang ang likod mo, maiiwasan ko na ring matunaw sa magaganda mong mata, mauunawaan ko rin kung pano tanggapin yung pagkakaibigan na nais mo. Siguro nga mas masaya maging kaibigan mo ulit. Sana nga ganon ko lang din kabilis mabitiwan 'tong feelings ko para sa'yo gaya ng pagbitiw mo sa'ting dalawa...


SANAWhere stories live. Discover now