Nagsisimula na syang kumain nang mapansin ko yung note na naksulat sa tissue na pinambalot sa spoon. It says, ‘She’s in a good mood when she come home yesterday. Her driver said you two were together when he fetch her. Thank you for making her smile. – Tita Kathy’


                Napangiti ako and napatingin kay Kristen.

                “What?” sya, syempre hindi pa rin nya ako nilingon, may stiff neck yata ‘to. Haha.

                “Wala.” ^____^

                For almost two weeks, naging routine na naming ni Kristen ang sabay maglunch sa rooftop. Si Tita Kathy kasi aliw na aliw sakin, laging may padalang lunch. Hehe. At sa two weeks na din yun, unti-unting nag-iimprove treatment nya sakin. Nagkukwento na sya kahit papano. Biruin nyo pareho pala kami ng bias idol group.

---Flashback---

                “Jung, pwedeng wag mo akong titigan.” sya. Naiilang na siguro, nagiging habit ko na kasing tingnan sya. Baka kasi magsmile, ayaw ko naman mamiss ang chance na makita ko yun. Weird ko ba? Ako nga din nawiwirdohan na sa sarili ko. Basta gumagaan ang pakiramdam ko kapag kahit papano sumasaya sya.

                “Napansin ko lang ha, never mo pa akong tinawag sa pangalan ko.”

                “Name mo naman yung Jung di ba?”

                “I mean on a first name basis. Most people call me Zachary or Zac. Kapag kasi Jung pakiramdam ko sobrang layo ng loob ng taong tumatawag sakin.”

                “Bakit, close ba tayo?” sya. Aray ko naman. Eh di tayo na nga ang hindi close. Tahimik na lang kasi Zac. “Ako kasi I prefer to be called by my surname. Feeling ko I have a connection with MBLAQ.”

                “Yang leader?”

[a/n: MBLAQ po is the idol boy group from J.Tune Camp. The group was formed by Rain. Members po sina Yang Seungho (leader), G.O., Joon, Thunder & Mir. They were the ones behind the successful songs Oh Yeah, Y, Cry, Stay, Mona Lisa, This is War, etc. Favorite po sila ni loveSHM. Hehe.]

                “You know them too?” sya sabay lingon sakin with sparkling eyes. Mukhang nakuha ko nga ang interes nya.

                “Yup! They’re ZSADE’s bias group.”

                “They’re my favourite. I used to do covers of their songs.”

                “Really?! So you know this?” kinuha ko yung i-pod ko, nagplay ng song na ‘Y’ by MBLAQ and executed the dance routines. Syempre hindi naman ako papayag na ako lang ang sasayaw, hinila ko sya patayo at niyayang sabayan din ako. Noong una ayaw pa nya pero dahil sa kakulitan ko, napasabay na din sya sakin.We’re even singing the song while dancing. Para kaming mga baliw na sumasayaw sa rooftop.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now