Chapter 1. new classmate

Start from the beginning
                                        

“ano nanaman kaya lesson natin ngayon? Katakot baka magbigay nanaman ng plate.”

“oo nga, patay tayo jan. kasi meron pa tayong major plate kay sir lito ngayon naman kay sir  carl.”

Pagpasok ni sir carl…

“good morning. Sino yung new student natin? Introduce yourself mister.”

Ayun nagpakilala na naman si new classmate…

Enjoy naman ang class kasi may game kami na magsusulat ng isang question pero dapat yung tanong must be really weird or extra-ordinary. Then sasagutin din namin. Pag katapos naming magsulat. Babasahin nung unang tao yung ginawa niyang question, then sasagutin naman ng taong sumunod sa kanya. So ang nangyari mas naging weird pa ang mga answers pero siyempre enjoy talaga! Haha.

Ang naalala ko ang question ni Mike is “what if birds can talk?” at ang sagot naman ni Ana “then I can swim.”

Hahaha. Paki connect?!

Hay salamat lunch time na! Parati akong gutom eh buti na lang hindi tumataba!! :P siyempre kasabay kong maglunch yung mga blocmates ko. Ayon habang papunta kami ng cafeteria kumakanta kami ng “super bass”. Parang kami lang may ari ng daanan kasi halos hindi na makasingit yung mga nasa likod namin. 

Si Mike naman ang laging kumakausap kay new classmate. At ayun nasa likuran silang dalawa nag-uusap. Malay ko ba kung anong pinag-uusapan! Baka ako JOKE!!

Sobrang ingay namin sa cafeteria, pinagtitinginan na nga kami eh. Hahah! Lalo na ako kasi kung makatawa parang walang bukas. Eto kasing mga kaklase ko grabe kung makabanat ng mga jokes. Kaya love na love ko yan eh. Echosera!!

Pagdating sa next class, umupo ako sa pinaka gilid at nakinig ng music. Wala lang trip ko lang. angal? Magpapaka – emongoloid na naman. :P

Maya maya. Poke* poke* poke*. Siyempre tumungin ko. Gulat ko kung sino

.

.

.

.

“hi! I’m ethan.”

“ahy oo. Kilala na kita. Bakit?” naku naman. Bkit ako kina-usap?! Hala! Baka may gusto to sa akin! KAPAL! :P Ganda ko kasi.

“ahm. Wala lang, tahimik ka kasi bigla at nag-iisa baka gusto mo ng makakausap. What’s your name?” umupo siya dun sa tabi ko. Hala FC much?!

Hala!!! Hindi pa din pala ako nakakapagpakilala kung sino ako.  EPIC FAIL! HAHA.  Kalyn Evans. Haha. Astig ng family name ko no.parang Chris Evans lang?! hahaha. Kilala niyo yun?! Si Captain America!wohoo! Super gwapo kaya non!

First year college ng *** university, architecture kinukuha kong course. Sosyal?! Haha nako. Kung alam mo lang kung gaano yan kahirap. BTW, kala mo half foreigner ako no? haha. Hindi ah! Lolo ng Lolo ng Lolo ko ang foreigner at ang natirang foreign blood sa akin, ewan ko. Hindi ko na alam, hindi naman ako magaling sa math.

 *back to reality

“ahy! Haha! I’m kalyn. Sensya ha. Di kita nakausap. Bastos ko nga kasi bago ka dito pero parang di man lang kita na welcome.”  Naku. Ano bayang pinag sasabi ko.

“ay ayos lang yon. Enjoy niyo pala no? lagi kayong tumatawa.”

“haha. Oo. Pero pagnagseryoso yan.”

“ganito ba talaga kahirap ang arki?”

“naku! Tinanong mo pa. haha. Kaw nang bahalang tumuklas.”

“sige. Sige. Nandiyan na pala si ma’am. Okay lang ba kung dito ako tumabi sa iyo?”

“sige. Kaw bahala.” Hala sungit ko ata. Eh kasi. Hindi ko tlga feel tong lalaking ito eh. Sensya na.

Yes! Uwian na…

“uie. Ter. Ayeeee. Ano iyon?” tukso ni Dianne.

“ha? Anong ayeee ka diyan?”

“padeny ka pa. eh halata naman, parang may gusto sa iyo si Ethan eh.”

“hahahah. Ewan ko. Parang di ko feel. Gwapo nga pero ewan.”

“labo mo friend. Diba loveless ka?”

“so?”

“sungit mo! Haha. Edi baka manligaw sayo.”

“Hala. Ikaw Dianne, kung ano-anong pinagsasabi mo.”

“ayaw mo pa nun? Baka makalimutan mo na si past.”

“hoy babae. Matagal ko nang nakalimutan yon. Past is past na nga diba. At isa pa, nandidiri ako pag naalala ko yung lalaking yon.”

“edi sa nakalimutan. Sinabi mo eh.hahaha”

Pag dating ko sa room…

“ hi ate.” Bati ko sa roommate ko na nakaupo sa bed nia. Siya si ate kath, second year BA Comm. Arts. Two person per room talaga dito sa dorm. Then yung manager ng dorm ang nagdedecide kung sino roommate mo. Okay lang naman, kasi you meet other people! ^^

“oh. Musta lyn?” Lyn kasi tawag niya sa akin instead of Kalyn ^_^

“kapagod. may major plate na naman. Naku! Nakakaloka.” Sabay lagay ko ng bag ko sa desk.

“haha. Kaya mo yan. Kaw pa.”

“nge. Pero ate may chika ako may bago kaming kaklase. Ethan santos name niya.”

“ethan santos? Ahy oo. Yung matangkad na maputi na may jansport na red?”

“hala kung maka describe wagas!! Hahah!. Oo siya nga. Paano mo nakilala?”

“haha. Pinag-uusapan kasi siya ng mga kaklase ko.”

“Wow. Sikat agad?”

“syempre. Gwapo?! Bihira pa naman may gwapo dito. Haha.”

“kung sa bagay. Haha”

“pero ang pagkaka alam ko. Kaya iyon lumipat dito ng davao kasi may death threat silang pamilya.”

“naku. Katakot naman. Bakit daw?”

“mayaman eh.”

“Ovaries. Basta mayaman talaga!” humiga na ako.

(AN:hayee. nagustuhan niyo ba tong 1st chapter. waaah. VOTE COMMENT & FAN ^_^

continue reading lang haha. expect the unexpected ^^)

My THIRD AND LAST (COMPLETED^-^)Where stories live. Discover now