"Ella kain na tayo" Tumango ako ng dahan dahan at lumabas na ng kwarto. 

Sophia's POV

Tignan mo yun biglang nawala ang sabi ko ipapasa ko lang yung papel ko. 

Btw lunch nanamin ngayon at wala akong kasabay. Kainis kasi si Andrei eh hinila nanaman ata sa kung saan si Ella. Hindi ko tuloy alam kung sino ang kasabay ko ngayon kumain. 

Lumabas na ako ng gym at dumiretso sa may canteen. Nagugutom na ako. Pag dating ko doon ang haba ng pila parang ayoko na tuloy kumain pero kahit ganun hahanap pa rin ako ng paraan. 

Bago ako pumila tinignan ko muna kung may kakilala ako. Sakto nakita ko Eli. 

"Eli! Pasabay naman ako" Pag mamakaawa ko sa kaniya. Malapit na kasi siya. 

"Sophia? Anong ginagawa mo dito?" Nagtanong pa siya. nagugutom na ako eh tsaka nasabi ko na iyon sa kaniya. 

"Nasabi ko na iyon sa'yo Eli eh. Kaya pwede ba bilhan mo na lang ako. Nagugutom na talaga ako Eli" Pag mamaktol ko pero natigilan ako ng malamang.. 

"Hindi ako si Eli, ako 'to si Evan" Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Shet! Akala ko siya si Eli. 

"S-sorry" Napaiwas ako ng tingin. Bakit kasi mag kamukha pa silang dalawa? Meron namang hindi magkamukhang magkambal pero bakit sila magkamukha? Hustisya naman po. 

"Ano ba ang Order mo?" Tanong niya. Binanggit ko yung order ko.

"Burger at Orange Juice" 

"Okay mag hintay ka na lang sa table" Tumango ako at naghanap ng table. 

Teka nga! Bakit ba ako naiilang sa kaniya? Eh okay naman kaming dalawa? Aisshh Ano bang nangyayare saakin? Sagutin niyo nga. 

Nakita kong pabalik na si Evan dito sa table ko este namin pala. 

Nag crave ako bigla sa Burger ng makita ito. 

"Evan! Yung Burger ko" Medyo natawa siya nung Sabihin ko iyon sa kaniya. 

"Ito na po Kamahalan" Napatigil ako ng banggitin niya yung kamahalan. "Oh bakit? May naalala ka noh? Ikaw ahh Pinag papantasyahan mo pa rin ako" 

"Shut up"

*FLASHBACK*

"Ano na Ella? Nasaan ka na ba?" Sabi ko sa telepono. Magkikita kami ngayon kasi nag aya akong mag Mall kami. Malay ko bang matatagalan siya. Edi sana sinundo ko na siya. 

"Mag hintay kay Phia. Traffic dito sa Edsa" 

"Bakit kasi dyan ka pa dumaan? Dapat pala sinundo na lang kita"

"Sorry na. Osige mamaya na lang ulit umaandar na siya" 

"Okay" 

Binaba ko na yung tawag. Nag lakad lakad muna ako habang hinihintay ang kaibigan ko. 

Napadaan ako sa National bookstore at biglang naalala yung librong gustong gusto kong bilhin. 

Pumasok ako dito at nag punta sa Books section. Hinanap ko yung librong Hell University. 

Ang damot kasi ni Ate Jennie, kapatid ko. Ayaw akong pahiramin ng libro na Hell University. Shout out kay Author na wala pang libro ng H.U. HAHAHAHAHA Bigtea na po. 

Nakita ko naman agad ito at saktong isa na lang kaya kukunin ko na sana kaso may kukuha din pala. Napatingin ako sa kaniya at shet ang gwapo niya pero sorry siya ako ang nauna sa Libro. 

"Excuse me" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya ng nakakaloko. Arrrrggggghhh Nginingiti ngiti niya? 

"Dadaan ka miss? Go maluwag naman" Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis siya. Hihilahin niya na sana yung libro pero hinila ko din ito. 

"Ako ang nakauna dito kaya pwede ba Mister bitawan mo na at babayaran ko na ito sa counter" Sabi ko sa kaniya ang pwersahang hinila pero sa sobrang lakas hindi niya ito binitawan. 

"Ikaw ang nakauna pero bibilhin ko din ito kaya pwede din ba na bitawan mo na at babayaran ko na ito sa counter" Arrrrgggghhhh ginaya niya yung tono ko. Hinila niya ito pero sa kasamaang palad... 

Okay fine nahila niya lakas niya eh. Binelatan niya ako. kainerns. 

"Arrrrrgggggghhhhh" Padabog akong lumabas ng NBS at saktong tumawag saakin ang kaibigan ko. 

"Hello?!" 

"Easy Phia! Anong nangyare? Tsaka nasaan ka na ba kanina pa ako nandito sa tapat ng starbucks. Tagal mo naman eh!" Kahit kailan mainipin itong kaibigan ko. 

"Ito na nga eh! Ba't kasi hindi ka tumatawag?" 

"Ayaw ko. Sige na sayang load ibababa ko na ito" 

Nakita ko naman agad siya sa may starbucks at nag libot lang kami sa Mall. Dadaanan pa pala namin yung boutique ko mamaya. Bigay saakin iyon nila mommy nung grumaduate ako sa Elementary. Taray diba?

Napansin kong kanina pa tingin ng tingin si Ella sa cellphone niya. 

"Sino ba ang katext mo?" Tanong ko sa kaniya. 

"Yung mga kaibigan ko kasi eh nandito daw sa mall" Mga kaibigan? Yun siguro yung mga boy bestfriends niya. 

Maya maya nakarinig ako ng may sumigaw ng pangalan ni Ella. 

"ELLA!" May mga nag silapitan na mga lalaki saamin. Shet ang g-gwapo nila pero may isang lalaki sa kanila ang nakakuha ng atensiyon ko... 

"IKAW?!" Sabay na sigaw naming dalawa. 

"Oh magkakilala kayo?" Tanong ni Ella saamin. 

"Hindi!" Tinaasan ko siya ng kilay at tumaas din ang kilay niya. Tsk. Mukhang bakla naman 'to may eyeliner pa. Hindi ko iyon napansin kanina eh. 

"By the way Sophia this is Evan Torres. One of my Boy Friends" Tinaasan ko siya ng kilay. 

*ENDOFFLASHBACK*

 "Uy!!" 

"Ay pusang gala!" Napatagal ata ang pag flashback ko sainyo. 

"Gwapo ko namang pusang gala" Sumimangot siya. 

"Sinabi ko bang ikaw yun? Sa gwapo mong yan?" Tinarayan ko siya. Shet ang gwapo niya kasi talaga eh. Oo MU kami pero never ko siyang sinabihan na ang gwapo niya ngayon lang. Nag kakailangan kasi talaga kaming dalawa. 

Nakita ko siyang nag blushed. 

"Uyyy Nag b-blashed si Evan HAHAHAHAHA!" Tumawa ako ng napakalas. 

"Tinatawanan mo pa ako eh pero okay lang mahal naman kita" Napatigil ako at napayuko. Shet nag iinit yung mukha ko. Narinig kong siya naman ang tumawa ng malakas. 

"AHAHAHAHAHA ikaw din namumula!" Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya ng patinag. Sinalpak ko sa bunganga niya yung footlong na binila niya. Napatigil siya sa pag tawa. 

"Edi iyan tumigil ka din!" 

"Ang sakit naman nun" Tinarayan ko na lang sya. 

Nawala na rin ang ilangan sa pagitan naming dalawa. 

~~~~~~~

Sorry sa Typo.

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now