03

1.2K 31 11
                                    

Aera Castro




   "What now?"




    Nandito ako ngayon sa SSC Office at kasalukuyang nakatayo sa harap ng presidente. May pa-service pa kasing nalalaman 'tong lalaking 'to.




   "Makakaalis na kayo." sabi nito sa amin, including the two idiots na kinaladkad ako patungo rito. Yes, tinotoo niya ang kaladkad.




   Aalis na rin dapat ako. Like duh? He said 'kayo' and yet kasama ako roon.




   "Not you, Ms. Castro." he said in his usual voice, emphasizing the word 'you'.




   Tinaasan ko siya ng kilay pero nakatitig lang siya sa mga mata ko. What the hell? Ano bang problema ng isang 'to? Kitang-kita naman na hindi ako ang nagsimula ng away.




   "Ano ba kasi ang kailangan mo?" I asked, glaring at him. Tumayo siya at naglakad papuntang direksiyon ko.




   I tried to stand still and looked him back on his eyes. Kailangan ko pang tumingala para mapantayan ang mga titig niya dahil masyado siyang matangkad. Muntik na ako mapaatras dahil dito. Bakit ang pogi?




   Aera, alam kong gwapo siya pero mas mahalaga ngayon ang pride, okay?




   He smirked, "You."




   At doon tuluyan na akong bumigay. Umaatras ako habang siya'y humahakbang papalapit sa akin. Is he trying to seduce me? SC President siya tapos ganito siya umasta? Maging ihemplo dapat siya at hindi iyong siya pa 'tong leader ng mga playboy.




   "W-What are you talking about?"




   Fvck. At sa lahat ng pag-atras na ginawa ko ay may isang bagay na hahadlang sa'yo, hindi ko alam kung ano 'yung natapakan ko. Parang tennis ball? Handa nang makipag-meet ng pwet ko sa sahig nang may naramdaman akong kamay na sumuporta sa akin bago ako mahulog.




   Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang nakangiting si Rowan Fuerte. Malapit lang kami sa isa't isa kaya wala sa sariling sininghot ko ang kabanguhan niya. In fairness, amoy manly.




   "I want you to be my wife, Aera Castro, or else lilinisin mo ang mga restroom ng buong university sa buong semester."




PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon