Their Meeting

144 3 2
                                    

DISCLAIMER:

THIS IS A WORK OF FICTION. ANY RELEVANCES TO REAL PEOPLE, PLACES AND EVENTS ARE PURELY COINCIDENCIAL.

********

My name's Snow Dylan.

16 years old.

I've always been your normal and super ordinary schoolgirl.

Just a lil above the average on everything.

Looks. Grades. Physique.

Except sa pera. Medyo tagilid tayo dun eh.

Ok, I was lying when I said 'normal and super ordinary girl' ako.

Magiging 'normal' and 'super ordinary' sana ako if it weren't for one thing.

I can see ghosts.

And that's how I met him.

Say bye bye na sa peaceful(boring) life ko the moment I noticed him.

***

"-ow."

Mamaya na... Five minutes pa... Gusto ko pang matulog...

"Snow!"

Titigil din yan... Sige, tulog lang...

"SNOW!"

"Ay multo!" sabi ko nung may yumugyog sakin ng pagkalakas lakas eh muntik ng tumumba yung armchair ko. Kasama ako.

"Ano ba?!" Pagmamaktol ko dun sa may sala. (--+)

"Anong 'ano ba'? Kanina pa kita dyan ginigising, nagsilabasan na yung classmates natin!"

Meet Apple Vasquez. Long brown straight hair with yellow highlights. Light brown eyes na bagay sa super sweet niyang mukha. And last but not the least, may pang model siyang katawan.

Pretty, popular, smart and rich. Classmate ko since elementary and for some unknown reason eh never niya akong nilubayan. Di na yata siya nagsawa sa mukha kong to eh.

Siya yung nag-iisang taong nakatagal sa ugali ko.

Btw, sya lang naman po yung may sala at muntik na akong malaglag sa sahig.

"Ah ganun ba..." inayos ko na yung gamit ko at lunch break na.

"Ano bang problema? Parang antok na antok ka sa klase."

"Hindi parang. Antok na antok talaga ako." napahikab ako. "Inatake na naman ako ng insomnia ko eh."

Lumabas na kami ng classroom.

3...2...1...

"Uy tanda mo yung crush ko na kinukwento ko sayo?" sabi niya with matching sparkling eyes. (*_*)

Bingo.

"Ano, sinagot ka na niya?" I said and she pouted.

Di mo naman ako masisi kung ganun yung reaction ko sa kanya.

Siya kasi yung tipo ng taong kwento ng kwento pero pag tinanong mo kung sino, di niya naman sasabihin.

"Sagot agad? Di ba pwedeng makinig ka muna saken?"

"Oo na. Oo na." (=.= )

"Sa tingin mo ba mapapansin niya ako?" tanong niya.

"Malay ko. Di ko naman siya kilala eh." Ni hindi ko pa nga nakikita eh.

"Hindi nga? Sa tingin mo?" Ay ang kulit.

"Malay ko nga. Kita mong ni hindi mo pa nga siya pinapakita man lang sakin eh. Maski nga pangalan, di mo sinasabi-"

Ghost Prince (ON HOLD)Where stories live. Discover now