Chapter 2 (Revised)

5.3K 169 23
                                    

Chapter 2

Isang buwan na ang nakalipas nang mangyari alitan namin ni 'tanda at sa wakas lumipat na din ako sa bahay ni Tito Alex. No'ng una ako dumating dito sa bahay ni Tito, do'n ko lang nalaman kaya hindi ko siya ma-contact noon dahil busy pala siya sa pagbili ng three story building na ito.

Nagbukas pa siya ng clinic para sa mga hayop at pet shop dito sa first floor at sa itaas naman kung saan kami matutulog, di ba parang lang 2-in-1?

"Darcey, pwede bang ikaw muna ang mag-grocery ngayon araw. Busy ako ngayon."

"Ikaw muna ang bumili nang kailanganin natin sa bahay. Naubos na ang stock eh." Naputol ang pagbabasa ko ng komiks ng biglang pumasok si Tito sa kwarto.

"Ang init sa labas, Tito. Pancit canton na lang tayo." Reklamo ko sa kanya.

"Ano ka ba, masarap lang 'yang pancit canton pero hindi iyan maganda sa kalusugan natin."

"Oo na po, ikaw na ang health conscious sa atin dalawa. Pero napakainit talaga sa labas para akong matusta sa sobrang init. Gusto mo ba akong gawin lechon sa sobrang init?"

"Sige na, pamkin, sa'yo naman ang sukli eh. Ayaw mo ba niyon, makakabili ka nang pagkain na gusto mo."

"Hindi ako kapos ng pera. Pambihira talaga itong si Tito, sobrang init gusto pa talaga akong palabas." Tinatamad na tumayo ako sa kinauupuan at lumapit sa kanya. "Kainis ka naman eh, nandiyan naman si Jimboy ba't hindi siya na lang ang utusan mo?"

"Pamkin, Unggoy si Jimboy, inaasahan mo ba na papasukin si Jimboy sa loob ng supermarket? Pano kung sakali dakpin siya at dalhin sa zoo? Sige na pamkin, mabait ka naman di ba?"

Napapailing na lang ako sa sinabi niya.

"Sus, binobola pa ako. Sige na nga." Wala magawa eh. Hindi ako tantanan niya hanga't hindi niya ako mapapayag 'no.

Matapos kong kunin ang pera ay lumabas na ako sa bahay. Hindi na ako nag-abalang palitan ang damit ko na black shirt na may skull na may nakaprinta sa harap at shorts. Ano naman silbi kung magsuot ako ng magandang damit, eh, hindi naman malayo dito ang convenience store. Less than four minutes lang ay makarating na agad ako doon.

Isa pa, wala akong hilig sa mga sexy na damit at make ups dahil kung mangyari iyon ay baka end of the world na.

"Ah! Ang init talaga!" Reklamo ko habang pinapaypay ang sariling kamay sa mukha.

Natigilan ako nang may kumalabit sa binti ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang alaga ni Tito Alex na si Jimboy. Isa siyang chimpanzee at nakasuot ito ng blue jumpsuit.

Tumikwas ang kilay ko. Naiwan ko bang nakabukas ang pinto?

Nakita ko siya may kinuha sa chest pocket nang damit niyang jumpsuit at inabot sa akin kaya tinanggap ko. Nakita ko is apala 'yong listahan ng bibilhin ko sa tindahan. Tindi! Ang talino talaga ng unggoy na ito!

"Thank you, Jimboy. Hayaan mo dahil napakabait mo, bibilhan kita ng paborito mong saging."

"Ohh!" Masaya naman pumalakpak siya at niyakap ang binti ko bago bumalik sa bahay.

*

Pagkatapos kong ilagay sa pantry at sa refrigerator ang mga pinamili ko, umalis agada ko at pinuntahan si Tito sa kanyang opisina. Huminto ako sa harap ng pintuan at kumatok ng tatlong beses bago pumasok.

Nadatnan ko siya sa loob na mag-isa. Katatapos lang siguro niya kausapin ang huling customer. Hindi niya 'ata ako napansin ng pumasok ako sa opisina niya dahil sa pinanood niya doon sa tablet. Ewan ko kung ano ang kinagiliw niyang panoorin para di ako pansin.

Speak Softly, Love (Avison Boys Series 1)Where stories live. Discover now