Chapter 5 (Revised)

3.3K 119 9
                                    

Chapter 5

Matapos ko maikwentro 'yong tarantadong kapatid ni Clarrence ay hindi ko na sila nakita muli sa buong taon kahit na iisa lang ang pinapasukan namin paaralan o tumawag para komprontahin ako sa ginawa ko sa kanyang kapatid. Mabuti narin 'yon, dahil kung hindi baka iinit lang ang ulo ko kapag makita sila.

Isa pa, third year na ako sa kursong business administration at mas lalo akong naging abala nang malapit narin ang junior practicum ko at hangang ngayon di ko pa naisip kung saan kompanya ako mag-apply para sa practicum.

"Eh ikaw, Labañez, sasama ka ba sa amin pumunta sa bagong bukas na Korean restaurant do'n sa capitol? Birthday ni Clarice ngayon at libre daw niya tayong lahat." Sabi ni Phoebe sa akin.

Napasulyap ako kay Clarice. Naging classmate ko siya sa ilang subject pero di kami close kaya gusto ko sanang tanggihan pero di ko magawa lalo na't mukhang lahat 'ata classmate naming ngayon ay sasama. Baka isipin nila na KJ ako.

"Sige na, Labañez, libre ko naman."

Tipid na ngitian ko si Clarice at tumango na lamang. Wala rin naman akong gagawin mamaya at si Tito naman ay may pinuntahan at hindi makakauwi mamayang gabi.

*

"Picture pa tayo, ito kunan niyo ako ng picture nan aka-chopstick!" Feel na feel talaga ng isa sa kaklase ko na maging modelo, kanina pa sila niyan at hindi pa nila gaanong nagagalaw ang pagkain. Ang iba naman tapos na kumain at nag-inuman sila ng alak.

"Kantahan naman natin ang birthday celebrant!"

"Happy birthday!"

Nagpatuloy sila sa kanilang kasiyahan habang ako naman tahimik na kumakain. Minsan sumabay ako sa pagkanta nila ng happy birthday pero saglit, pinagtitinginan kasi kami ng iba pang customer na kumakain dito.

"Darcey, kapatid mo ba 'yong pumasok dito?" Mahinang siniko ako ni Michelle. Napahinto rin naman ako sa pagsubo ng pagkain. "Para siyang stalker kung maglakad, sinusundan àta niya 'yong super-hot na lalaki na kakapasok lang din!"

"Tange, isa lang ang anak ng mommy ko at ako lang 'yon. Hindi ko alam kung saan planeta ang kapatid na 'yan." Mahinang sabi ko at saka tiningnan ko ang direksyon sinasabi niya.

Nakita ko si Jamaicah at ang alipores na umakyat ng hagdan pero 'yong tinukoy na super-hot na lalaki ay di ko na nakita dahil tuluyan na iyon nakaakyat kanina pa.

Napapailing na lamang ako. Tsk, hindi ko alam kung totoo 'yong sinasabi ni Michelle pero kung totoo naman, aba, ang tindi rin naman ng bruha. 'Di lang siya ipokrita kundi pati narin stalker.

Naramdam siguro ng bruha na may nakatitig sa kanya, napahinto si Jamaicah sa pag-akyat at lumindon sa direksyon ko. Nagkasalubong ang aming mga mata.

Nakakunot ang noo niya at nang makasigurado na ako talaga ang nakita niya ay namilog ang mga mata niya at nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umakyat at tuluyan na nawala sa paningin ko.

I don't know what she's up to but I had this feeling that its no good. I guessed she's stalking some guy like Michelle said, huh?

"Lol, ba't ba ang init ng ulo mo kapag si Jamaicah na ang pag-uusapan? I mean she's pretty and I heard she got a good grade."

Bumaling ako sa kanya. "Ano naman silbi sa mukha at magandang grades?" I said in contempt.

"Oo, nagkataon kasi nakita ko sa board bulleting doon sa department of education na napasama siya sa sampung nangunguna sa dean list at naririnig ko din minsan ko na din narinig na napag-usapan siya ng mga boys kung gano siya kaganda! Sa pagkakaalam ko may malaki siyang crush sa isang lalaki sa architecture department—gasp! Ohmygulay, I seemed to have discovery! Hindi kaya 'yong guy na sinusundan niya ay 'yong crush niya? Narinig ko ang gwapo ng lalaking iyon!"

"Ay ay! May nagsabi bang gwapo? Nasaan?!" Singit naman ni Kevin. Inilibot niya ang tingin sa paligid pero nanghaba ang nguso niya na umupo ulit. "Wala naman ah!"

Nang marinig kong architecture department ay bigla ko naalala si Clarrence. Mukhang nasa architecture department 'to.

"Tange! Nasa second floor na siya."

"Talaga?! Halika't tingnan natin!" Excited na sabi ni Kevin at saka hinila niya kami ni Michelle patayo at tumungo sa direksyon ng hagdan.

"Uy, ano ba, ba't kasama ako?!" Angal ko. Aba, wala ako hilig na tumingin ng mga gwapo. Ang bakla naman 'to parang uhaw na uhaw na makakita ng gwapong lalaki!

Habang hila niya ako ay medyo naamoy ko na nakainom siya ng alak. Syete, lasing 'ata 'to eh!

Nang dumating na kami sa second floor, bigla tumili si Kevin. Sa takot na maistorbo niya ang kumakain doon, tinakpan ni Michelle ang bibig ni Kevin.

"Ano ba, bakla, lasing ka na 'ata eh! Tumahimik ka at nakakahiya sa mga tao rito."

"Ano ba ka din." Sabi ni Kevin dito pagkatapos niyang inalis ang pagkatakip ng bibig niya. "Hindi ako lasing at isa pa, totoo nga ang sinabi mong gwapo, ang daming gwapo dito! Tingnan niyo sa dulo oh, ang dami talaga!"

Pigil na itirik ko ang aking mga mata sa sobrang inis. Pero nakitingin narin ako. Yep, may grupo ng mga gwapo doon kahit na siguro 'yong mga babae na kumakain dito ay napapatingin sa direksyon nila.

But my body stiffened after I saw one of them familiar to me. Kahit na matagal ko na siyang hindi nakita ay sigurado ako na si Clarrence iyon! Maliban sa kanya, nando'n rin si Jamaicah at alipores niya na nakatayo sa harap niya at tila may sinasabi siya sa lalaki.

Tinutukoy ba ni Michelle na lalaki mula sa architecture department ay si Clarrence E. Avison?

Namumula pa ang mukha ni Jamaicah at kitang-kita ko ang pagkainip ng binata habang kinakausap siya.

Bigla namutla ang mukha ni Jamaicah at bigla nalang siya umiyak bago patakbong umalis.

'Di niya ako napansin at patuloy lang siya sa pagktabo at nilagpasan ako. Napakunot ang noo ko na sinundan ko siya ng tingin. Buti nga sa'yo sabi ng isip-isipan ko. Hindi ko alam kung anong sinabi ng lalaking 'yon pero masaya ako na makitang umiyak ang bruha.

Hindi rin nagtagal ang saya ko dahil bigla niyugyog ni Kevin 'yong balikat ko at tumili.

"Ohmygod! Tumingin siya sa'kin!"

"Tange, ako kaya ang tinitingnan niya!" Michelle tugged his hair.

Ano daw? Napalingon ako ulit sa direksyon ni Clarrence at sa di malaman ay parang gusto ko tumakbo palayo sa kintatayuan ko, malayo sa kanya.

Like, Follow & Share! Thank you!

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Feb 25, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Speak Softly, Love (Avison Boys Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat