"Ayoko na." Halos pabulong kong sabi.

"Ano?"

"Ayoko na! Ayoko ng marinig ang sermon mo! Tigilan mo na ko! Tigilan mo ang pag-arte na parang ikaw ang Papa ko!" Sigaw ko kasabay ng paghampas sa lamesa.

Malalim ang paghinga ko kasabay ng pagtingin ng masama kay Kuya. Para kong kinalaban ang pader dahil sa ginawa ko. Natatakot ako pero nananaig ang galit sakin.

"Jay-jay!" Sigaw sakin ni Aries. "...Tumigil ka nga!"

"Aries!" Sita sa kanya ni Tita

Nanatali ang paningin ko kay Kuya na kasalukuyan na kong pinapatay sa isipan nya. Alam ko, hindi na kailangang itanong pa. Sa paraan pa lang ng pagtingin nya sakin.

"Hindi ako umaarte na Papa mo." Mahinahon nyang sabi. "...Dahil ako ang Kuya mo at trabaho kong disiplinahin ka. Kung ayaw mong marinig ang sermon ko.... Magtino ka!"

Tumayo sya at naglakad na paalis. Nakasunod ang tingin ng iba sa kanya habang ako naka-yuko lang.

"Anu ba yun Jay-jay?! Hindi ka na nahiya sa Kuya mo!" Sigaw sakin ni Mama.

Agad akong naglakad paalis. Ayokong makarinig ng panibagong sermon. Masyadong pagod ang utak at puso ko. Baka hindi ko na kayanin.

Mangisay nalang ako bigla!

Naligo ako at nag-ayos na para pumunta sa pang-araw-araw na parusa sa buhay ko. Ang iskwelahan kung nasan ang mga impaktong hudas na sumisira ng buhay ko.

Paglabas ko ng kwarto, naka-abang na agad sakin yung Horoscope. Salubong na salubong ang kilay nya at naka-cross arm.

Siguro, sasabihin nya ang kapalaran ko for today.

"Anu na naman bang problema mo?" Tanong nya ng hindi tumitingin sakin.

Gustuhin ko mang sagutin ang tanong nya, hindi ko magawa. Kahit sarili ko hindi ko rin alam ang mismong sagot. Para akong gumising sa isang masamang panaginip at sinampal ng katotohanan.

Umiling lang ako at tangkang maglalakad na ng may bigla akong maalala.

"Aries." Tawag ko sa kanya at inis naman nya kong tinignan. "S-salamat."

Tumaas ang isang kilay nya at halatang hindi nya naintindihan kung para saan yun. Samantalang malinaw sakin kung para saan yun.

Syempre ako nagsabi!

"P-para sana dun sa... g-ginawa mong pagliligtas sakin... kay Kiko." Paliwanag ko at unti-unting nag-iba ang itsura nya.

Bigla nalang syang tumalikod sakin at nagmamadaling lumakad paalis. Meron pa syang binulong pero hindi ko din naintindihan. Naiwan akong nakatayo at nakatingin lang sa kanya.

Weird.

Naglalakad na ko papuntang sala ng marinig ko ang pamilyar na boses. Andito na ang sundo ko papuntang impyerno. Walang buhay akong tumingin kay Yuri habang sya naka-ngiti sakin.

Buti pa sya kaya nyang ngumiti sa kabila ng mga nangyari. Samantalang ako hindi ko na kaya kahit yung pilit man lang.

Dumiretso ako sa labas ng hindi na sya hinihintay. Bubuksan ko na sana ang pinto sa backseat pero pinigilan ako ni Yuri na nakasunod lang pala sakin.

"Dito kana... Hindi na sasabay si Keifer satin."

YES!!

Meron din naman palang magandang mangyayari sa buhay ko ngayong araw. Akala ko puro kamalasan nalang.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon