Pabalik sa kuta ang iba naming kasama ay humiwalay kasama si Lando. Narinig ko na ito ang makikipag-ugnayan sa mga taong may mga bangka na kaanib at sumusuporta sa kilusang gerilya. Ang mga bangka ang sasakyan namin sa paglalayag sa dagat. Mga kabayo at kalabaw naman sa lupa ng mga grupong tutungo sa Barcelona na maglalakbay sa lupa.....kung sa panahon namin missile lang wasak na ang buong bansa, pero sa panahong ito transportasyon lang ay pahirapan pa.

Ang mga natitirang oras namin sa kuta ng kami ay makarating ay naging mas abala. Maiging nagpaplano sina Julian at mga kasamahang gerilya sa magiging takbo ng aming paglusob. Kaya nakinig kami sa magiging takbo ng aming paglusob.

Sa pagpasok namin sa sinasabing lagusan ay may mga maiiwan pa ring magbabantay. Sa piitan kung saan ang pinakadulong pintuan ay doon kami lalabas lahat kasabay ng pagpapatakas na rin sa mga bihag roon. Sa sinabi ni Sanzumaru wala pang nakakatuklas ng lagusang iyon na nasa pinakahuling selda na walang laman. Madali lang daw gawin iyon dahil nasa labas ang bantay ng mga seldang iyon.

Hatinggabi ang aming gagawing pag-atake na mas mainam sabi ni Sanzumaru dahil karamihan sa mga sundalong hapones na nakabantay sa gabi ay hindi mapigilang makatulog.

Si maria, lando at isa pang lalaki ang aming kasama sa pagpasok sa infirmary. Sa armory si Sanzumaru, Julian, at ilang kalalakihan. Alam na namin ni Theo iyon kaya madali lang para sa amin.

Kapag nakalabas na kami ng infirmary ay sa may harap na ng munisipyo maghahanap ng makukublihan habang hinihintay ang mga kasamahan namin na tangay ang mga armas at saka na pasasabugin mga ilang trak at tangke sa harap. Ititira ang isa o dalawa para sa pagtakas kung saan si Julian, Delfin o kaya si Sanzumaru ang magmamaneho patakas.

Hudyat din ang pagsabog para umatake na ang isang grupo na malapit sa tsekpoint na atakehin ang mga naroon. Ang ibang mga kasamahan ay siyang magiging abala sa pakikipaglaban o barilan kung nakatunog na ang mga hapones. Kailangang mabilis ang kilos bago makatunog ang mga mga nasa kampo sa Hacienda Honrado.

Sa planong napagusapan ay tila napakadali lang gawin. Pero kung naroon na mismo sa aktuwal na sitwasyon ay lubhang magiging mahirap lalo na kung kaharap mo na ang mga kalaban. Kaya ibayong pagiingat ang nararapat.

" Ano kayang mangyayari bukas frend?!" Biglang tanong ng kaibigan ko habang kumakain kami ng kamote na isinugba sa apoy. Noong una kaming makatikim ay sarap na sarap kami kasi mabango. Pero ng tumagal nagsawa na din kami. Nararanasan na kasi namin ang kakulangan ng mapagkukuhanan ng pagkain.

IN ANOTHER PLACE AND TIMEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora