"Adam!!" Sita ko, pero napatigil ng maramdaman kong dinilaan niya yung mix para mawala ito.

"Wow, I didn't know chocolate can taste even better when it's on you." He whispered huskily. Napalunok ako, pero napailing. Humakbang ako palayo para makalabas sa mga braso niya.


"No, behave. Doon ka maupo or mas mabuti pa maghanda ka na. Malelate pa tayo sa sarili mong party eh." Utos ko at tinuro yung kitchen counter. Isang birthday garden party kasi yung inorganize nila Julia and mula tanghali hanggang gabi siya. I just hope na wag umulan, kahit pa may mga bubong naman magiging maputik kung ganun.

"But I want you.. Akala ko ba lahat ng wishes ko gagawin mo?" Pilyo niyang tanong


"Mamaya na yun,malelate tayo. Sige na go and prepare." I smiled at him habang nakasimangot niya naman akong sinunod.


*~*~*~*~*~*~*~*~

Habang naglalakad kami papunta sa garden ng bahay nila marami ng bumabati kay Adam. Nilagay na lang namin sa ref yung cake na ginawa ko dahil anubusan kami ng oras sa pagprepare para sa party na ito.


"Adam, anak." Bati ng mommy niya at naglakad palapit sa amin. She kissed both of our cheeks.

"Do you like it? Tara kayo, kain. Nandun ang mga foods." Iginiya niya kami sa buffet at nakangiti naman kaming sumunod sa kanya.


"I chose all your favorites and mamaya may surprise ako sayo!." Excited na sabi ni tita at nagpaalam na dahil may gusto siyang kausapin sa mga bisita.

"You're mom adores you." Puna ko ng makalayo ito.


"Yeah, and she loves you too." Nakangiting lumingon sa akin si Adam then leaned down to peck my lips.

"And I love you." I smiled up at him.


Nagulat ako ng bigla niyang paingayin yung hawak niyang baso, yung parang ginagawa sa kasal kapag nanghihingi ng kiss? Ganun!

Napatingin sa kanya ang lahat na hinapit ako bigla sa bewang.


"Everyone if I could just have your attention for a moment please." Nanonood ang lahat sa ginagawa niya.

"Thank you for coming and choosing to celebrate my birthday with us. I am very happy sa lahat ng sumusuporta sa akin, from my co-workers, family and to this lovely woman beside me. That's why I am honored to announce this great news infront of all of you. Amethyst and I decided to spend the rest of our lives together." Napasinghap ang lahat sa gulat, then lahat sila nagpalakpakan.


Pinagmasdan ko ang ryeaction ng mga taong malalapit sa buhay namin, ang papa ni Adam ay tinatanguan kami habang naka-thumbs up. Ang mommy niya ay umiiyak pero nakangiti, then there's Julia and Sabrina na tumatakbo na palapit sa akin.


"I cant believe this, kahapon lang hindi ka pa sigurado but now. You're getting married!." Tili ni Sab at hinila na ako palayo kay Adam na nagrereklamo.

"Sorry brother pero aagawin na muna namin ang bride mo." Sabi naman ni Julia.


Ng makalayo kami, nagtitili yung dalawa at niyakap ako. Humiwalay rin naman sila agad.

Strong (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon