“Kaya kita mahal eh.” Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Nate. Nakapikit parin siya habang dinadama ang mga kamay ko.

Parang maiiyak na naman ako. Sabi ko na eh. I know he loves me. Mabuti nalang talaga at hindi ako bumitaw. Mabuti nalang talaga at naging malakas ako para sa aming dalawa.

Napangiti ako nang magmulat siya ng mata. For the first time, nakita ko ang isang Nate na may sayang dinadala. Kaya pala noon halos hindi ko siya mabasa, na sa bawat pag-ngiti niya ay parating may kulang. Pero ngayon, ibang-iba na. He’s smiling in front me genuinely. Walang bahid na kahit ano.

Napapikit ako ng pinagdikit niya ang mga noo namin. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nakatayo dito at laking pasasalamat ko nalang na hindi pa kami nangangawit. I still want to savor this moment with him. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Napangiti ako nang makita kong nakapikit parin si Nate. Bahagya siya huminga at halos tumirik ang mga mata ko nang maamoy ko ang hininga niya. Gusto kong magwala at gumulong gulong.

“Kahit sakit ka sa ulo, kahit walang araw na hindi mo pinagdidikit ang kilay ko, I still can’t deny the fact that you made me happy. Pakiramdam ko kulang ang araw ko ‘pag wala akong Kareeza na pinagsasabihan at pinagagalitan.” Hinampas ko siya sa dibdib. Napahalakhak siya sa ginawa ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. May kung ano namang nagwe-welga sa tiyan ko. Dammit! Habang buhay na yata akong ganito.

“Ang sama sama mo talaga!”

 

Napawi ang tawa niya sa sinabi ko. Lumayo siya ng kaunti sa’kin.

“I know.” Kinagat ko ang labi ko nang ma-realize ko kung ano ang naisip niya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

“That’s not what I mean.” Napangiti ako ng gumanti siya sa yakap ko. Naramdaman ko na naman yung saya at sensasyon na si Nate lang ang makapagbibigay. I closed my eyes when he hugged me even more. Tahimik lang kami sa ganong posisyon. Wala akong ibang naririnig at nararamdaman kundi ang malalim naming hininga at malalakas na kalampag ng aming puso. Napangisi ako. Ang mahal na Presidente ng University, marunong din palang kabahan.

I was till relishing the moment nang kumalas si Nate sa pagkayakap mula sa’kin. Kumunot ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nagbago na ba ang isip niya? Wa’g naman sana. Baka sa pagkakataong ‘yon ay tuloyan na akong mabaliw.

Napahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti siya sa’kin.

Bumalik sa pagkakunot ang noo ko nang lumayo na siya ng tuloyan sa’kin. Ano bang ginagawa niya? Ngumiti lang siya sa reaksyon ko.

Nang nakalayo na siya sa’kin ay agad naman siyang naglakad patungo sa direksyon ko. Nagulat ako nang nilahad niya ang kanyang kamay sa’kin.

“Hi, I’m Nate Corpuz.” Ngumiti siya ng pagka-lapad lapad. Nakatunganga lang ako sa harapan niya. Ano bang trip ng lalakeng ‘to? “I’m the SSG President of this school and I want you to bribe me.”

 

Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya.

“Baliw!” Hinampas ko siya sa dibdib. Akala ko naman kung ano na. Tawa parin ako ng tawa sa ginawa niya. Natahimik lang ako nang hindi siya tumawa kasama ko.

“Tss.” Inirapan niya ako. Ngumuso ako sa ginawa niya. Sungit alert! “Pinagtatawanan mo pa ako. I just want to have a good start with you. Again.” Mas lalo akong natahimik. “Alam kong hindi maganda ang simula natin kaya nga gusto kong magpakilala muli at makapagsimula ulit kasama ka.” May kung ano na namang umipit sa tiyan ko.

Matagal akong natahimik sa sinabi niya. Ang tagal pa bago nag sink in lahat sa’kin ang mga sinabi niya.

God! Gusto niyang magsimula ulit kami sa paraan na wala ng lihim o ano? He wants to start anew with me? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Na gusto niyang magbukas ulit ng bagong chapter kasama ko? Uminit na naman ang gilid ng mga mata ko. This feeling is too much. Posible pala yun? Na may mas ikasasaya pa sa salitang happiness?

“Tss. Ano na?” Nabalik ang atensyon ko sa kanya. Salubong na ang mga kilay nito. Ang sungit talaga ng taong ‘to at napaka-mainipin.

“Anong ‘ano na?’” Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin at ngumuso. May binubulong pa ito. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Nate, anong ‘ano na’?” Kinagat ko ang labi ko. Sasabog na yata ako anytime. Isang kalabit nalang talaga at mapapatawa na ako ng malakas.

Nasa ganon na akong sitwasyon nang bigla niya akong hapitin palapit sa kanya. Bahagya niya pa akong pinatalikod. He hugged me from behind. Bigla na namang nagwala ang mga insekto sa tiyan ko. Hinahampas nila ito na para bang nagsasaya sila.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Nangatog ang mga binti ko ng mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa’kin. Pakiramdam ko mauubosan na talaga ako ng panty este hangin sa katawan.

“I said, bribe me."

 

Napamura ako sa sinabi niya. Diba linya ko ‘yon?!

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon