“Why are you so kind to me?” Mariing sabi niya.

 

I was caught off guard when Nate held my hand mula sa pagkakahawak ko sa magkabilang pisngi nito. I tried to smile pero uminit na naman ang magkabilang sulok ng mata ko. Not now, please. I wanted to be strong for us. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong lumaban para lang sa aming dalawa.

Napapikit ako nang hagkan niya ang likod ng kamay ko. That simple gesture brings me new hope again. Parang may mainit na palad na humaplos sa puso ko. Lahat ng sakit, alinlangan at pangamba nawala lahat dahil lang doon. Siguro napaka tanga ko na dahil isang kalabit lang galing sa kanya, talagang bibigay na ako.

This is the best thing about reality. Sa movies at books kasi nagtitiis pa ang mga taong bida and I don’t get their point about that. Bakit kailangang pahirapan ang mga sarili nila kung pwede naman silang maging masaya?

“Sinaktan na kita’t lahat pero heto ka parin, still needing me, loving me.” Parang piniga ang puso ko sa pagkakabasag ng boses niya.

 

Napamulat nalang ako nang may maramdaman akong mainit na likido sa kamay ko. Napaawang ang bibig ko nang makita kong umiiyak ang mahal ko. Gosh! Nate, my Nate is crying in front of me. Kinagat ko ng mariin ang labi ko, nagngingilid na kasi ang mga luha sa mga mata ko. It’s like anytime sasabog na ako.

“K-Kareeza, I’ve never been loved this way. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa mahal mo ako o hindi. Masyado na kitang nasaktan. I thought you’ll hate me. Akala ko isusumpa mo na ako but I was wrong. Here you are, in front of me, begging.” Nabasag ang boses niya.

Napapikit ulit ako nang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. God, that warmth feeling! Kay Nate ko lang nararamdaman ‘to eh. Kahit siguro ilang lalake pa ang dumaan sa buhay ko, wala na akong ibang makikita pa na kagaya niya. Kahit ilang lalake pa ang humaplos sa pisngi ko – erasing all those tears – kay Nate ko lang talaga mararamdaman ang sensasyong ito.

Umangat ang isang kamay ko at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Napamulat ako at tumingin sa kanya na nakangiti.

“Kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa ng ilang beses para lang sa’yo, wala akong pakialam. I’ve been hiding from fear for years, Nate at natuto na ako dun. You see, when people have nothing to lose they end up fighting kahit pa na walang kasiguradohan ang pagkapanalo nila. I’m willing to compromise everything just to earn you.” Ngumiti ako sa kanya.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Yung tawa na may kasamang luha. He’s happy, I can see that. Pumikit siya saglit at tumingala. Marahan niyang kinuha ang dalawa kong kamay at hinagkan. Napapikit na rin ako. Jusme. Wala na yatang araw na hindi ako magsasawa sa kanya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit na gusto ng kumawala ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy mauubosan na ako ng hangin dahil sa lakas ng pintig nito.

Napamulat ako nang maradaman kong hinaplos niya ang mga kamay ko sa pisngi niya. Nakapikit ang mga mata niya habang ginagawa iyon. Gusto kong magmura, gusto kong pumadyak padyak. Lord, bakit ka ba gumawa ng tao na ganito ka-gwapo? I thought everything is fair in love pero bakit sinalo niya na lahat lahat? Bakit yung ibang tao kahit maayos na ngipin ay wala? Pero itong nilalang sa harapan ko, halos lahat ng magagadang katangian ay nasa kanya na.

Bribing Mr. PresidentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora