Chapter 68

282 6 0
                                    

Hola! This is the new Chapter 68. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 68


Kath's Point of View


"Oh Kath? Saan lakad mo? Bakit nakaporma ka?" bungad sa akin ni Seth pagkababa ko sa sala namin. Linggo kasi ngayon kaya ito nanaman ang mga lalaki, nakatambay sa amin.


Lumapit naman sa akin si Dj at hinalikan ako sa pisngi "Morning K"


"Morning D"


Hinarap ko naman sina Seth. "May lakad kami ni Kuya"


"Kayo lang?" tanong naman ni Pat at tumango naman ako.


"SAMA!!!---ARAY DJ HA!" biglang sabat ni Kats na agad namang binatukan ni Dj.


"Wag kang paepal, hayaan mo na sila" malamig na tugon ni Dj dito.


"Psh! Kj! Neto porket hindi ka sinama!" banat ni Kats habang nakanguso pa.


"Alam ko kung saan sila pupunta. Wag mo akong itulad sayo" bwelta naman ni Dj.


"Katsumi hayaan mo muna sina Kath at si Quen" saway naman ni Juls na biglang lumabas mula sa kusina kasunod sina Liza, Kiray at Elle.


"Bakit saan ba lakad nila?" tanong naman ni Pat.


Sasagot na sana si Elle pero naunahan ko na ito. "Death anniversary ni Daddy"


Natahimik naman ang mga lalaki habang napailing nalang ang mga babae kasama si Dj. Alam na kasi ni Dj ang tungkol dito dahil nasabi ko na sa kanya ito nung nakaraang araw, tinanong ko pa nga siya kung gusto niya sumama pero siya na mismo ang tumanggi dahil kailangan daw namin ni Kuya ng bonding na kami lang dalawa. Napangiti nalang ako sa pagigi understanding ni Dj sa akin kaya laking pasasalamat ko talaga na dumating siya sa buhay ko at nakilala ko ang lalaking ito.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon