Chapter 4

5.8K 89 0
                                    

Hola! This is the new Chapter 4. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---


CHAPTER 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4


Kath's Point of View


Nagtungo na kami sa food court kung saan doon raw nag aantay sina Liza. Habang naglalakad kami ni Elle ay bakas ang saya sa mukha niya. Parang siyang bata kung maglakad. Patalon talon pa tapos may pa 'lalalala~' pa. Lakas na talaga ng saltik ng isang 'to.


Hindi nagtagal nakarating kami sa food court at nahanap rin namin sila kaya dumiretso kami sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Liza habang katabi naman ni Juls si Elle.


"Oh? Umalis lang kayo, bumalik kayong may dalang mga gitara?"gulat na tanong ni Juls.


Tinignan ko naman si Elle na nakangiting muntanga habang hinihimas himas ang case ng gitara niya. May tama na to.


"Anyare sa pinsan mo Kath?" nawiwirduhang tanong ni Kiray habang nakatitig kay Elle na kala may sariling mundo.


"Wag niyo nalang pansinin" sagot ko. Meron na kaming pagkain ni Elle pagkadating namin dito. Inorderan na daw nila kami ng pagkain kaya ngayon ay kumakain na lang kami.


"Kamusta gitara?" biglang tanong sa akin ni Liza habang kumakain. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago sumagot.


"Ayun. Stay strong" sagot ko habang nagpatuloy kumain. Napangiti nalang si Liza sa sagot ko. Alam nila na nabasag ko yung gitara ko nung nakaraan. Bigla ba naman ako ngumawa dahil sa sarili kong kapalpakan.


"Kath anong laman ng isang case mo?" nagtatakang tanong ni Juls.


"Bass" sagot ko.


"Oh? Bumili ka na?" gulat natanong ni Kiray na tinanguan ko lang. Alam nila na binbalak ko noon pa bumili ng bss, nauudlot lang dahil hindi ko alam kung anong magandang bilhin. Ayoko kasi irush at baka pagsisihan ko pa sa huli. Masaya ko nilalamutak ang pagkain ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko naman eto.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon