Chapter 16

4.6K 93 5
                                    

Hola! This is the new Chapter 16. Renew, edited and somehow improve? I guess. Anyway there are some minor changes but the plot is still the same. Around 2015 ko pa ito ginawa kaya please bear with me especially sa mga cringe worthy moments! Thankies!

Enjoy reading!

READ. COMMENT. VOTE!

#FFTBG

- Queen A 


---*---

---*---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 16


Kath's Point of View


Weeks had already passed magmula nung nag umpisa ang klase and I must say, sobrang lapit na namin sa grupo nina Kuya. Sobrang napalapit na ako sa kanila, maski kay Kats na ngayon ay halos partner in crime ko na kapag sinasapian ako ng kalokohan. Si Seth naman na mapagkakatiwalaan at maaasahan. Si Pat na parating nandyan para sayo at palaging ngingiti. At maski si Dj na minsan lang magsalita pero kapag nagsalita naman ay panay puri sa akin ang lumalabas sa bibig niya at isa pa, yung ngiti niya na ako lang nakakakita. Hehehe. Siya ren nag insist na 'Dj' daw ang itawag ko sa kanya, kaya gora lang.


"Kath pinapatawag ka daw ni Madame Principal!"


Rinig kong sigaw ni Kiray na nakatayo sa may pintuan. Nandito pala kami kasalukuyan sa classroom. Walang teacher kaya free cut kami pero mas pinili nalang namin na manatili sa classroom since nakakatamad reng lumabas. Tumayo na ako lumapit kay Kiray.


"Bakit daw?" tanong ko.


"Hindi ko alam, narinig ko lang sa speaker. Teka? Hindi ka ba nakikinig?" hindi nalang ako umimik since hindi naman talaga ako nakikinig at masyado akong lutang. Tinanguan ko nalang siya tsaka lumabas na at dumiretso sa PO.


"Oh? Kath saan lakad natin?"


Nakasalubong ko naman sina Kats at Seth na halatang galing cafeteria dahil sa mga dala nitong chichirya.


"Namiss nanaman ako ni Madame Principal" bagot kong sagot. Nagtawanan naman ang dalawa tsaka sila nag offer na samahan na raw nila ako na tinanggihan ko naman since ako lang daw ang pinapapunta pero nagpumilit ang dalawa na kahit daw ihatid nalang nila ako kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang sila. Makukulit ren e.


Maingay kami--- este silang naglalakad papunta sa PO. Halos karamihan ng estudyante napapalingon sa gawi namin. Tsk. Sa lakad ba naman ng bunganga ni Kabe sinong hindi mapapalingon.

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon