Chapter 3:The Finding

3.3K 153 5
                                    

Shayes’ POV

Malambot ang dayami na inuupuan ko.

Patuloy pa rin sa pag-andar ang kalesang sinasakyan ko. Tinatabunan ng itim na balabal ang kabuoang mukha ko.

Patungo ang kalesang itong sa Enchantre.

Apat na araw na akong hinahanap ng buong Quatrian Knights. Nakapaskil ang mukha ko sa bawat poste at dingding na madaraanan.

Mabagal ang takbo ng kalesa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakarating.

Kanina pa ako nangangati dahil sa mga dayami.

Naisipan kong doon pumunta dahil malayo sa kabihasnan ang Enchantre, sigurado akong walang makakakilala sa akin doon.

  Mga puno na ang nadadaanan ng kalesa, senyales na nakapasok na kami sa bungad ng Enchantre.

Madahan akong tumalon mula sa kalesa at sinigurong walang makakakita sa akin.

Pinagmasdan ko ang papalayong kalesa bago magsimulang lakbayin nang mag-isa ang Enchantre.

Naglakad ako sa magubat na lokasyon. Kailangang kong makalayo hanggat maaari. Napatigil ako sa paglalakad noong may mamataang isang lumang kubo.

........

I examined the cabin before entering. Medyo luma na ito at mukhang abandunado. Binuksan ko ang pinto at itinapak ang paa sa marupok na sahig.

Maliit lang sa loob nito at medyo luma at sira-sira na rin ang mga gamit. Okay pa rin naman kahit na ganoon. Maaari pa ring pagtulugan. Siniguro ko munang walang tao bago ko ipanatag ang sarili.

I have to stay here for a while.

Hinubad ko ang sapatos at cloak. Kailangan ko munang maglinis ng katawan para makapagpahinga ako.

Pumasok ako sa maliit na banyo. Kahit gawa sa kahoy ang bahay ay mayroon pa ring maayos na palikuran.

Tumigil ako sa may lababo at tumingin sa salamin na nakasabit sa itaas ng lababo.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Magulo ang mahaba kong buhok. Natural na makapal ang buhok ko at malaking sagabal ito sa pakikipaglaban.

Kinuha ko ang gunting na nakasabit sa dingding at dahan-dahan kong ginupit ang mahaba kong buhok.

Hinubad ko ang balabal at ang damit ko. After a quick shower ay ipinalit ko ang damit na ninakaw ko sa Mid-Quatria.

Wala akong nadalang damit at kahit na anong gamit. Maski salapi ay wala akong nadala.

After all, my plan succeeded.

Isa si Redsia sa mga nakalaban kong dragon noon. Nakatira siya sa kuweba sa Meua. Plano ko talagang ipahamak sila. Mas lalo ko silang gustong gantihan dahil sa pagkukulong nila sa akin sa maliit na seldang ‘yon.

Alam ko ang kaparusahan sa ginawa kong pagtakas pero wala na akong pakialam.

Ziyu’s POV

Apat na araw na kaming naka-red alert. Isang babaeng walang kapangyarihan lang naman ang natakasan kami.

Ngunit kahit ganoon may magandang namang balita.Nakuha na namin ang mga bihag, including Yuka and Mimi, Janelle's sisters.

Nasa HM office na sila at papunta na rin ako do’n.

Nandoon na silang lahat nang makarating ako doon. Umupo ako sa pinakamalapit na sofa at nilingon ang dalawang bihag. Yuka was tall and pretty. She look smart and soft. Her hair was braided too just like Shayes. Mimi is a bit taller than Janelle. I think ahead siya rito ng ilang taon.

Hall Of The Last Chanter • ( Completed ) [Under Editing]Where stories live. Discover now