CHAPTER 4: Nikka's First Move

366 7 0
                                    

[CHAPTER 4]

February 26,1998

Zairo's POV

Lumipas na naman ang isang araw. Ang bilis ng araw parang kailan lang kami kinasal. Masayang magkasama at naghihintay sa aming munting anghel. Wala pa kaming naiisip na pangalan ng aming unica hija.

Matanong nga si Charice kung may naisip na siyang pangalan. Hindi kasi ako marunong mag-isip ng pangalan eh atsaka siya rin naman yung masusunod sa huli.

Hintayin ko na lamang ang desisyon niya.

"Hon, alis na ako," pahayag ko.

"O sige, sige baka mahuli ka pa. Ingat ka ah?," saad niya.

"Ikaw ang mag-ingat dito. Kayong dalawa ni baby. Kung gusto mo tawagan ko sila Mama para mabantayan ka dito," sambit ko naman.

"Hindi na, ayaw ko silang maistorbo. At saka ayos lang naman sa akin na maiwan dito," paliwanag niya.

"Kung 'yan ang gusto mo. O siya mauna na ako at baka mahuli pa ako," sambit ko naman at hinalikan na siya sa pisngi bago lumabas ng bahay.

Sumakay na ako ng kotse at umalis na.

..

Pagdating ko sa trabaho ay sinalubong naman ako ng "Goodmorning" ng mga ka-trabaho ko siyempre binati ko rin sila.

Nang nang bubuksan ko na yung Desktop ko ay nakita kong lumapit si Nikka sa akin.

"Goodmorning ulit... Uhm, may itatanong lang sana ako..."bungad niya.

"Ano 'yon?," tugon ko.

"P'wede ba kitang mahiram? I mean.... Mahiram ang oras mo mamaya, saglit lang naman. Kung ayos lang sa'yo," bulong niya habang nakapatong 'yong kamay niya sa balikat ko.

"Ah-eh... May kailangan pa kasi akong gawin sa bahay eh," tugon ko.

"Ano ba 'yan? Busy ka na ba? O sadyang bale wala na lang ako sa'yo?," dagdag niya.

"Anong tayo? Wala ng tayo, Nikka. May pamilya na ako.... Masaya na ako," bulong ko na pagalit.

"Paano naman ako, ah?. Sige sabihin mo. Gusto kong bumalik ka sa akin muli... Gusto ko tayong dalawa lang ang masaya,"

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo pero ayoko na talaga sa 'yo!. 'Di ba ikaw na din ang nagsabi na tapos na tayo? Kaya kung babawiin mo ang sinabi mo, huli na," paliwanag ko.

"Okay sige... Basta hindi kita pipilitin kung ano ang pasya mo... Kung ayaw mo na kay Charice,nandito naman ako. Sasaluhin kita," usal niya habang hinahaplos yung pisngi ko.

"Hayss.. Sinabi ko nga sayo na hindi ko iiwan si Charice! Bakit ba ang hirap intindihin no'n ah?," saad ko.

"Ok, siguro naguguluhan ka lang dahil hindi mo pa nahahanap ang totoong daan.....Yung daan na kung saan naghihintay ako. Pero ito ka, kasama mo yung taong sinundan mo kaya naiwanan akong naghihintay kang bumalik sa akin," sambit niya bago tuluyang lumakad palayo.

Nikka's PoV

Nandito na ako sa desktop ko dito. Gusto magalit at magwala dahil bigo akong makuha ulit ang loob niya!

Gusto ko ulit mabawi ang naitapon kong pag-aari ko na inagaw ng iba! Maghintay lang kayo at gagawa ako ng paraan para mabawi ko lahat ng inagaw niyo!

Lalo na kay Charice! Nagkamali siya ng binangga! Oras na ng paunti unting pagbangon ng nag-iisang Nikka Villafuerte!

*8:00 pm*

Nag-out na ako sa aking trabaho at nagsearch ako about sleeping pills. Kailangan ko kasi ito for Zairo.

Kung ayaw niya sumunod pwes,sa pilitan ko siyang kukunin.

Pero paano ko gagawin yun? Alam ko na! Anniversary pala ng kompanya na pinagtatrabauhan namin next week. Kailangan ko na lang paghandaan iyong araw na yun.

Oras na para mabawi kita Zairo. Oras na para ako naman ang makasama mo.

Pumunta munako sa kaibigan kong doktor hihingi ako ng reseta ng ligtas na sleeping pills.

Bumusina muna ako sa tapat ng tarangkahan ng bahay niya para malaman niyang may tao.

Lumabas siya sa bahay niya at pinagbuksan ako ng tarangkahan.

Ginabayan niya ako sa pagpasok ng kotse ko sa garahe niya.

Nang maiayos ko na ay bumaba na ako. Sinalubong naman niya ako ng beso beso.

"Bes,ginabi ka na sa pagdalaw. By the way, ano pala sinadya mo dito? Tara tuloy," bungad niya habang tinatahak namin ang sala.

Umupo muna kami sa sofa.

"Back to the topic,ano sadya mo dito?," tanong niya ulit.

"May hihingiin sana akong reseta ng isang sleeping pills. Bigyan mo na ako.... May pagbibigyan lang hehe," saad ko.

"Sandali lang at kukunin ko lang prescription slip ko... Wait," sambit niya bago tumayo.

Lumipas ang ilang sandali...

"I smell something fishy... Kanino mo naman balak ibigay ito?," tanong niya.

"Kay Zairo,remember that guy? Yung nakipagbreak sa akin 2 years ago? Tapos kinasal sa isang cheap na babae," tugon ko.

"Yes exactly,Kay Anne... Gusto bumalik siya sa akin. Akin lang siya... Kukunin ko ulit siya kahit sa pilitan. Salamat sa tulong mo Kay. Mauna na ako," saad ko at tumayo na sa sofa at hinatid ako ni Kay sa labas.

Sumakay na ako sa kotse at lumabas na.

Ngumiti ako dahil nararamdaman ko na malapit na ako sa tagumpay. Kaunting oras na lang at akin ka na Zairo.... Magsasama na tayong muli sa ayaw at sa gusto mo.

At isusunod ko na rin ang mag-ina mo para wala ng sagabal sa atin. Matatahimik na din tayo... Mabubuhay tayo sa katahimikan.

9:30 pm na ng makauwi ako. Hayss.. Sulit ang pagod ko ngayong araw... Nasuklian lahat ng paghihirap ko nitong mga nakaraang araw.


Parang bahang humupa ang problema ko. Lumuwag na din sakit na nararamdaman ko sa loob ng 2 taon... Lahat ng iyon nawala dahil sa tulong ng kaibigan ko.

Kahit wala na akong mga kamag anak ay nabuhay naman ako kaya wala na dapat akong katakutan. Ubos na lahat ng takot na mayroon ako... Tanging mayroon na lamang ako ay poot at galit sa mga taong may atraso sa akin.

Luha na galing sa sakit
Sakit na galing sa pagdurusa
At pagdurusa na bunga ng paghihiganti.

Kailangan ko ng tapusin ang kabaliwang ito at ako at si Zairo na lang ang matitira masaya.

Humanda ka na Charice at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang paghihimasok sa buhay naming dalawa ni Zairo.

____________________________________________

A/N: Magtagumpay kaya si Nikka sa gagwin niya? At hanggang pa kaya ang kaya niyang gawin? Abangan yan..

The Secret Behind Her(Editing) ||Published Under Werewolf|Created By:NerdyBoy_13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon