CHAPTER 3: The Ex

484 14 0
                                    

[CHAPTER 3]

February 25,1998

Zairo's PoV

“Hon,aalis na ako ah? Ingat ka diyan. ‘Wag magpakagod ng husto para walang masamang mangyari sa 'yo,” pahayag ko bago sumakay sa kotse.

Nandito na ako sa opisina at pumasok na... Sinalubong ako ni Nikka at bumati ng “Good Morning Zairo. Congrats nga pala ulit sa kasal niyo ni Charice no'ng isang araw ,”

“Salamat. Ah Good morning rin pala,” saad ko.

Naupo na ako at binuksan ang Desktop ko. Tinignan ko yung mga papeles na nasa lamesa ko.

“Busy ka ba mamaya? Baka pwede kitang makausap. Pero kung ayaw mo ayos lang,sa ibang araw na lang,”  pahayag niya habang nakasalung-baba sa may boundary na wall ko. Magkatabi lang yung pwesto namin dito sa office.

“Maaga akong uuwi mamaya para may kasama si Charice sa bahay eh ayaw ko naman siyang iwan mag-isa buong araw eh. Pasensya ka na Nikka ah? Kailangan kasi eh,” pahayag ko.

“Sige. Kung gano'n pala,sige may gagawin pa pala ako. Maiwan na kita diyan. Mamaya na lang,” saad niya at bumalik sa trabaho niya.

Gano'n din ang ginawa ko...

•7:45 pm•

Pinatay ko na yung desktop ko at inayos na yung gamit ko at nagpaalam na sa mga kasamahan ko.

Sinilip ko si Nikka sa pwesto niya. Busy at hindi ko pwedeng abalahin dahil sa marami itong inaasikaso.

Lumabas na ako ng buliding at umuwi na.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong bukas pa yung ilaw sa sala. Marahil ay gising pa si Charice.

Pagpasok ko ay nakita ko siya sa may Dining Area na nakaupo at nakita ko ang nakahapag na mga pagkain.

“Tara kain na tayo... Teka sandali lang tanggalin ko muna 'yang kurbata at yung coat mo,” saad niya bago kami kumain.

“Ang swerte ko talaga sa 'yo. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng aking asawa. Maganda na at maalagain pa,” pahayag ko.

“Sus! Nambola ka pa. Tara baka gutom na lang 'yan,” sambit naman niya habang nag-aayos ng plato at mga kubyertos.

“Anong nambola? Hindi ako nagpapatawa ah? Totoo naman kaya,” pilit ko pang sinabi sa kaniya.

Nilagyan niya ng kanin yung plato ko.
Tapos nilagyan niya ng ulam. Hindi ko man alam kung ano yun pero sa hitsura pa lang alam kong may itlog na meat loaf tapos ham at hotdog.

“Pasensya na at 'yan lang ang niluto ko ah? Wala kasing kumpletong sangkap sa ref... Hindi na rin ako lumabas baka kung ano ang mangyari sa akin sa labas,” pahayag niya.

“Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin sa akin. Tara kain na tayo,” pahayag ko at nagpatuloy na sa pagkain.


Nikka's POV

9:15pm•

Nandito pa ako sa trabaho at malapit na rin ako matapos. May mga natira pa nga na mangilan-ilan dito.

Nang matapos ko na ay niligpit ko na agad yung mga gamit ko at umalis na. Pagkasakay ko sa kotse ko ay pinaandar ko na ang makina at may sumagi sa isip ko... Isang masakit na nakaraan.

Basta kinaiinisan ko yung babaeng yun! Ang laki talaga ng atraso ng babaeng 'yon sa akin! Nanggigigil ako sa kaniya!

“Bwisit!,” sambit ko at sa galit ko hinampas ko yung steering wheel.

Gusto kong ipamukha sa kaniya kung gaano siya kakati at kalandi! Inagaw niya lang naman yung ex-boyfriend ko dati. Si Zairo lang naman yung ex-boyfriend ko na inagaw ni Charice.

Naghiwalay kami ni Zairo dahil sa maling akala. Inakala niyang niloloko ko lang siya at may ibang lalaki ako.

Nakipag-break siya sa akin at sa hindi ko inaasahan,nagkita silang dalawa dahil sa mapaglarong tadhana na sinamahan pa ng kalandian ni Charice,natapilok si Charice at nasalo siya ni Zairo.

Nakita ko 'yon,labis akong nasaktan dahil siya pa rin yung gusto kong makasama pero lahat nang 'yon nawala. Nasira dahil lang sa babaeng 'yon.

Simula no'n ay palaging maagang umuwi si Zairo at alam kong nagkikita sila.

Talagang namuo ang galit sa akin no'ng malaman kong ikakasal na sila. Tinago ko lahat ng emosyon ko para lang maipakita na hindi ako nasasaktan. Na kaya kong mabuhay ng wala siya.

Pero panandalian lang ito. Nag-iinit pa rin ang dugo ko tuwing siya palagi ang nasa isip ni Zairo.

Katulad ng nangyari kaninang umaga. Alam kong magkakapamilya na sila. Pero gagawa pa rin ako ng paraan para bumalik siya sa akin.

Pero malabo na siguro mangyari lahat ng 'yon. Nasaktan ko na siya,alam ko rin na pipiliin niya yung pamilya niya kaysa sa akin.

Kung may magagawa pa sana ako. Pero alam kong wala ng pag-asa. Sa kanila na ang saya. Nagtagumpay na siya.

Nagmaneho na ako at umalis sa lugar na 'yon at umuwi ng bahay.

Pagdating sa bahay ay gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Mag-isa at nangungulila sa pagpanaw ng aking mga magulang. Si Mama ay namatay noong pinanganak ako. Si Papa naman ay inatake sa puso sa sobrang tanda na.

Nag-iisang anak lang nila ako. Wala akong kasama sa bahay. Lahat nawala sa akin. Minsan nga naisip ko ng magpakamatay pero naisip ko na 'wag na lamang gawin dahil wala namang magluluksa na kapamilya ko.

Kaya pinilit ko na mabuhay sa paraang gusto ko. Kinalimutan ko lahat ng sinapit ng aking nakaraan at nabuhay ng matiwasay.

Nagbukas ako ng TV. Nanood ako habang kumakain. Ang ganda lang ng palabas at nabigyan ako ng ideya para makaganti sa kanila.

Itong pinapanood ko ay tungkol sa sinumpang anak upang maging isang lobo.

Nabigyan tuloy ng kaliwanagan lahat ng problema ko. Nabigyan na akong solusyon.

Makakaganti na rin ako sa wakas. Kung ang anak nila ang tangi nilang kasiyahan? Paano kung ito rin ang tanging paraan upang bigyan sila ng labis na kalungkutan?

Maghintay lang kayo. Sulitin niyo lang ang masasaya niyong araw at kukunin ko lahat ng kaligayahan niyo! Maghihiganti ako....

__________________________________________

A/N: Hello. Belated Happy New Year! 🎉🎉 okay bye.

The Secret Behind Her(Editing) ||Published Under Werewolf|Created By:NerdyBoy_13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon