Chapter Seven

671 19 6
                                    

Treize POV

"Mom,Dad si Jen po, Jen si Mommy at Daddy ko" pagpapakilala niya sa asawa sa mga magulang, nandito sila ngayon sa bahay ng asawa, dito kasi ito pina-uwi ng mga magulang nito mula ng makalabas ito ng hospital. kaya ng ibinalita niya sa mga magulang na nakalabas na si Jen ay agad na pumunta ang mga ito dito sa Gensan.

"Kamusta Hija, finaly I met you, sorry hindi kami nakadalaw sa iyo ha, may konting problema lang sa hacienda na kailangan naming asikasuhin agad" saad ng Mommy niya matapus nitong halikan sa pisngi si Jen.

"Okay naman po ako" magalang na sagot ni Jen bago umupo sa sofa, katabi niya ito. nakaupo na silang lahat sa may sala.

"Kamusta ang paglilihi mo? okay lang ba o nahihirapan ka?" tanong ng Daddy niya kay Jen.

"Medyo po, pero may ibinigay naman si Doc. na gamot" sagot naman ni Jen.

"Pareho pala tayo anak, dati kasi nahihirapan din ako sa paglilihi kay Treize, ang isa pa sa problema noon wala pang gamot sa mga panahon na iyon, di ba balae?" tumingin ang Mommy niya kay Nanay Emily na tumango lang. " So, Kailan ang expected due date mo?"

"second week of February, Mom" sagot naman niya sa Mommy niya ng di nag salita si Jen.

"Aba! dapat palang makasal na kayung dalawa sa simbahan" singit naman ng Daddy niya na sinang-ayunan naman ng tatay ng asawa at ng mga asawa ng mga ito.

"ahmm .. .medyo masilan kasi po ang pagdadalantao ni Jen, Dad. kaya di pa namin napag-usapan ang tungkol d'yan, anyway, kasal narin naman ho kami"

Napa'inum naman ng tubig si Jen habang namumula ang mukha.

"Nonsense! ano na lang ang sasabihin ng mga taong taga dito pag malaman nila na lihim kayong nagpakasal!? alalahanin mo Treize, Teacher iyang si Jen" saad ng mommy niya habang masama ang tingin sa kanya.

"Oo nga eh!, hindi naman kami humihingi ng marangyang kasalan, ang gusto lang namin ng asawa ko ay maging maayos ang kanilang pagsasama" sigunda naman ni Mang Danny.

"Eh, Tay, wala na pong problema doon. kasal na ho kami ni Treize at iyon ho ang importante, di ba?" singit naman ni Jen sa mga ito.

Jen POV

"Eh, Tay, wala na pong problema doon. kasal na ho kami ni Treize at iyon ho ang importante, di ba?" singit naman niya sa mga ito.

Kailangan niyang makumbinsi ang ama niya kung hindi ay pikot ang kalalabasan ni Treize at ayaw niyang mapasubo ang lalaki sa kanya lalo na't may Girlfriend na ito.

"Aba! at nagmamalaki ka pa!" singhal ng aman niya sa kanya habang nakahawak sa dibdib nito na agad namang binigyan ng tubig ng Nanay niya.

"Tay, wag kayung mag-alala. handa akong pakasalan si Jen sa simbahan" seryusong saad ni Treize kaya napatingin siya dito, Tumingin ito sa kanya at bahagya siyang nginitian bago binaling ulit sa Tatay niya ang atensyon nito. "ang hinihiling ko lang po ay kung pwede po sana ay hintayin natin siyang makapanganak muna dahil masilan nga po ang pagbubuntis niya"

"Treize" mahina niyang sambit dahil di talaga siya makapa niwala sa mga pinagsasabi nito. Paano na ang girlfriend nito?

"Anak, wag na nating patagalin pa kailangan na nating maitakda ang kasal ninyong dalawa" saad naman ng daddy nito bago tiningnan ang tatay niya na nahimasmasan na.

"Sa hacienda natin idadaos ang kasal ninyong dalawa" excited naman na saad ng mommy nito. " and, Jen, anak make your choice, mamili ka ng kahit sinong pinakasikat ng designers na gagawa ng gown mo, okay?" 

"Treize. . ." hinging saklolo niya dito, di niya kasi alam kung paano aawatin ang mommy nito pero tila wala lang itong narinig na para bang tanggap na nito ang sitwasyon nila ngayon.

"you'll have a grand wedding, I'll assure you that, imbitado lahat ang gustong pumunta" masayang saad ng mommy ni Treize habang tila maiiyak na.

-ilovecutethingss-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Secret Romance (The Billionaire Series No.3)Where stories live. Discover now