Chapter Six

356 13 0
                                    

Treize POV

"Gising ka na pala, misis" nakangiting bati ng Doctor kay Jen. Ang mga magulang ni Jen ay nakatayo sa kabilang bahagi ng hospital bed.

"Kamusta po ang. . .misis, ko doc? " pasimpleng tiningnan ni Treize ang mga magulang ng asawa na parehong poker face.

"Don't worry, she'll be okay " nakangiting sagot ng doctor. " she needs a thorough examination, medyo mahina kasi ang kapit ni baby sa uterus niya. And unfortunately, out of the country iyong doctor na expert sa kanyang kalagayan. But I know some hospitals in Manila that can handle this kind of issue and I can refer your wife there"

"So, nire- recommend niyo po na ilipat siya ng hospital? "

"Yes" sagot ng doctor. "But for now, hindi pa siya pweding lumabas. Maybe bukas kong okay na siya "

"Pag pasensyahan mo na lang si misis kasi medyo maselan ang paglilihi niya" anang doctor bago may isinulat sa prescription pad nito at ibinigay sa kanya. "Here, this will help. Have her take it once a day after breakfast " dugtong nito bago tumingin sa asawa niya.

"And don't worry, sex during this time is fine " ngumiti ang doctor " just don't overdo it" anito bago lumabas ng kwarto.

Namula ang mukha ng asawa niya habang natamimi naman siya.

"Anong Plano niyo? " basag ng tatay ng asawa sa katahimikan.

Halata sa mga magulang ng asawa na hindi pa tanggap ng mga ito ang pagpapakasal ng bunso ng mga ito ng patago. Hindi naman sila against Kay Trieze sadyang Hindi lang nila nagustuhan ang paglilihim ng mga ito.

Hindi sumagot si Jen, nakatungo lang ito kaya siya na lang ang sumagot.

"Kung okay lang sa inyo, T-tatay" simula niya. "Dadalhin ko po sa Maynila si Jen para matingnan ng espisyalista"

Tiningnan siya ng asawa niya na may pagtutol pero tiningnan niya rin ito ng "I can handle this -look"

"Kung gusto niyo po, sumama na rin po kayo"

"Oo nga nay, tay. Sumama na po kayo sa amin para po may kasama akong umuwi. Hindi pa kasi ako nakakapag- file ng maternity leave "

Hindi sumagot ang tatay ni Jen, tahimik lang itong lumabas ng kwarto.

"Kausapin niyo ng maayos ang tatay niyo bago tayo lumuwas ng Manila" saad ng Nanay ng asawa bago lumabas ng kwarto para sundan ang asawa.

****

Madaling araw na ng maalimpungatan siya sa pagpasok ng nurse sa hospital room ng asawa niya para alamin ang temperature ng asawa niya. Asawa niya? I like it.

Nakahiga siya sa isang sofa na naroon na Hindi kasya ang katawan niya.

"Good Morning " nakangiting bati nito. " pupunta dito si Doc mamaya para kausapin kayo" iyon lang at lumabas na ito.

Pagkaraan ng ilang oras ay dumating ulit ang mga magulang ng asawa na may dalang pagkain. Ginising niya ang asawa.

"Kumain na kayo, Jenelyn at Trieze"

Inilagay ni Tatay Danny ang dala nitong termos sa misang nan'don bago umupo sa sofa na hinagaan niya kanina bago nag labas ng dyaryo na ewan niya kung saan nanggaling bago nagsimulang magbasa at umaktong tila wala lang siya sa paligid.

"Gumawa ang Papa niyo ng Hot chocolate, di ba paborito mo iyan Trieze?" saad ni Nanay Emily habang inilalabas ang mga dala nitong pagkain sa basket.

"Gusto mo ng Hot Chocolate, Jen?" tanong niya sa asawa habang kumukuha ng plato at kutsara para sa kanilang dalawa.

"sige" maikling sagot nito. agad naman niya itong binigyan ng inumin bago niya ibinigay dito ang platong may laman ng pagkain.

"Kumain kana rin Treize, alam kung gutom ka na, di ka man lang natanong namin kagabi kung kumain kana kasi sa subrang pagmamadali namin" saad uli na Nanay Emily.

"Okay lang ho iyon Nay, actually kumain na po ako kagabi ng sumaglit ako sa hacienda, kasi pinaghanda ako ni Mom" sagot niya habang nag uumpisang magsandok ng pagkain, takam na takam na talaga siya.

Narinig niyang tumikhim ang ama ng asawa na kinayanig ata ng mundo niya, alam niyo iyong awkward na feeling napakiramdam mo lahat ng gagawin mo at sasabihin mo ay bantay sarado ng ama ng asawa mo.

"ubusin niyo lahat ng pagkaing ito ha, sayang naman kung may matira" 

"Opo nay" sagot niya kay Nanay Emily. " na miss ko na nga po ang luto niyo ehh, subra po. .kahit na ang hot chocolate na walang kasing sarap pag si Ma-Tatay Danny ang gumawa" nalito pa siya kung ano ang itatawag sa ama ng asawa bago niya ito pasimpling tiningnan. nakita niya ang pag-ismid nito sa sagot niya. patay!

"mga taod-taod Ma, muadto dire ang doktor para estoryahun ko. pwede na daw ko mugawas ugma" 

Napatingin siya sa asawa ng bigla itong magsalit gamit ang wikang bisaya, kahit papa'no ay naintindihan naman niya ang sinabi nito. pupunthan daw ito ng Doctor nito para kausapin at pwedi na daw itong lumabas bukas.

"Ahm, ganun ba. actually mga anak may sasabihin daw sa inyo ang tatay niyo." 

nagkatinginan na lang sila ng hindi man lang nagsalita ang tatay ng asawa pagkaraan ng ilang sandali.

"Dan, naghulat ang mga bata" saad ni Nanay Emily sa asawa.

nakita niya ang dahang-dahang pagbaba ng dyaryong hawak nito at ang dahang-dahang pagtanggal nito sa reading glasses nito bago ito nag salita.

"naisip kung yaman din lang at itinago niyo ang pagpapakasal ninyong dalawa sa aming lahat" may diin ang pagkasilata nito ng lahat. " gusto kung ikasal ulit kayo, pero sa pagkakataong ito ay sa simbahan na"

muntik na siyang masamid sa iniinum na hot chocolate dahil sa narinig.

"O-oho, actually ho, plano nga namin nina Mommy na formal na mamanhikan sa inyo hinihintay lang po ng parents ko na makapag-pahinga ng maayos at makalabas si Jen dito sa hospital"

napatango lang ang parents ng asawa bago siya tumingin dito, nakita niya ang gulat sa mukha ng asawa dahil sa pangyayari tulad niya.

-ilovecutethingss-







My Secret Romance (The Billionaire Series No.3)Where stories live. Discover now