CHAPTER 4

10 1 0
                                    

"Arriane! Mag usap nga tayo mamaya." striktong pagkakasabi ni Aling Marideth.

At dahil pa-diva ako pinilit kong alisin ang kaba sa katawan ko at taas noong lumapit kay Aling Marideth.

"Whut?" pa-diva kong sagot kay Aling Marideth.

Pero imbis na mag-salita siya, hinila slash kinaladkad niya ako paakyat habang naka-tingin samin si Jack.

Pag-kaakyat namin agad niya akong pinaharap sakanyang seryosong mukha.

"Hoy babaita! Ano yung sinabi sakin ni Jack na pakindat-kindat at palipbite-lipbite ka daw sakanya?! Ang harot ang harot!" sabay kurot niya sa singit ko. Owchiee. Ang kapal talaga ng pagmu-mukha nun. Nanggigigil na naman ako. "Totoo man o hindi hindi ka pwedeng lumandi sa pamangkin ko abay- papalayasin kita dito. Ako lang ang may karapatan." pagsasalita niya ulit at nag hair flip ang gaga sakin. 'E mas malandi pala 'to sakin 'e. Litsiii humanda yang Jack na yan sakin.

Nung naka-baba na yung hipokritang yun pumasok na ako sa kwarto para makapag-bihis na at ayusin ang sarili ko. Good thing na mamaya pang 9 yung pasok namin kaya nagpahinga muna ako saglit. Nang naumay na ako kakapahinga bumaba na ako para mag-almusal.

Pag-baba ko naabutan kong nasa lamesa parin yung mokong na yun habang kausap ang hipokritang nag-ngangalang Marideth na ultimo'y kinikilig-kilig pa. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso ako sa kusina para mag-timpla ng kape. Naghanap din ako sa ref kung may makakain dahil ayokong lumabas at baka mairita lang ulit ako.

Habang kumakain natigilan ako ng biglang dumating si Jack at niligay ang pinag-inuman niyang baso sa lababo. Nagkatinginan kami habang siya'y nakangiti, ako naman 'tong nanggalaiti at mistulang mababali ko na ang kutasarang kanina ko pang-gustong ibaluktot dahil sa pagkainis sa kanya.

Nag-tagal din iyon ng isang minuto at mukhang nakaka-bisado ko na ang ugali niya. Pagkatapos kong mag-almusal tinignan ko ang wall clock namin at nakitang 7:30 palang ng umaga. Dahil maaga pa mabilisan kong nilabhan ang uniporme ko. At baka wala akong masuot mamaya. Mabilis ko namang natapos ang paglalaba dahil palda at blouse lang naman iyon, wala pang isang oras natuyo na rin ito sa sampayan. Pinalantsa ko na din ito para susuotin ko na lang mamaya.

Ako'y muling sumulyap sa wall clock sa dingding at nakitang 8:45am na pala, dali dali kong niligpit ang mga pinag-gamitan ko sa plantsa at napag-desisyunan na hindi na muna ako maliligo dahil kakaligo ko lang naman kanina. Sinuot ko na rin ang bagong plantsa kong uniporme at ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagkapaso sa aking buong katawan na nag resulta ng pagtalon talon ko para maibsan ang init mula saking uniporme.

Nang medyo di na gaanong mainit ang aking uniporme inayos ko na ang aking mga mumurahing gamit pang eskwela saking sira-sirang bag at bumababa na sa sala upang kunin ang susi ng bahay at i-lock din ito. Since kaming dalawa lang ni mokong ang magkasama ngayon sa bahay.

Speaking of, nadatnan ko si Jack na nakaupo sa sofa na nakatitig sa akin na mukhang nagpapahiwating na 'Antagal mo naman mag ayos. Kaartehan e. Bilisan mo na at male-late na tayo'. Agad din naman siyang nagsalita nung nakita niya na akong pababa sa hagdanan.

"Antagal mo naman mag ayos. Kaartehan e. Bilisan mo na at male-late na tayo." woooOoo0AaaAh. Parehas na parehas yung sinabi niya sa mga nakita ko sa kanyang mga mata. booOom. Defenitely gonna add it to my speacial skills/talent.

Habang naglalakad biglang nag-ring ang king cellphone.

"Arriane!" isang malakas na tinig ang narinig ko sa kabilang linya kung kayat napa atras ako dahil sa gulat.

"Arriane, makinig ka. Mawawala ako ng limang araw. Oo limang araw kaya sana ayusin mo 'tong bahay at paki-asikaso si Jack. Wala sana akong mababalitaang humaharot ka dito habang wala ako." as if naman na haharot ako noh! NEVER! Dalagang Pilipina ata 'toh.

"Wag ka na magtanong kung saan ako pupunta basta ang isipin mo ginagawa ko to para sayo. Diva ka e. Iba ka e. Ah eh basta mag ayos ka habang wala ako at sana wala akong mababalitaan na kalokohan na mula sayo."

"Nagpa-alam na din ako kay Jack na mawawala muna ako. Oh siya yun lang aalis na ako. Umayos ka!" at binaba ko na ang telepono at nag focus nalang sa aking dinadaanan.

Pansin ko lang ha, sa mga nakaraang araw na to laging paalis-alis si Aling Marideth dito sa bahay, kung hindi naman aalis laging may kausap sa telepeno. Hayyy nako di ko talaga maiintindahan takbo ng buhay non. Pabago bago—

"Arriane!!" isa na namang boses na tinatawag ang aking magandang pangalan ang aking narinig mula sa aking likuran kaya napatalikod ako upang makita kung sino ang tumawag sa akin.

"Bezyyyy! Pinuntahan ka namen sa bahay mo pero naka-lock na gate buti nalang nakita ka namin" sabi ni Nikeé na hingal na hingal. "Tara sabay sabay na tayo" dagdag naman ni Aeyo.

"Anong kinain mo at naisipan mong maglakad ngayon? Grounded ka no?" pagtatanong ko kay Nikee. Since mayaman tong si gaga hindi mo siya makikitang maglalakad, may kaartehan din kase to e.

"Grounded? DUH?!" pagtataray naman neto sakin at hinair-flip pa ako kaya naman nakain ko ang buhok niyang lasang hair dye.

"Oh bakit ka nga naglalakad ngayon papunta sa shool?" tanong ko uli sakanya.

"Eh sa gusto ko e! May magagawa ka?!" tinaasan naman niya ako ng boses kaya naman hinila ko yung buhok niya.  Ayoko kaseng may tumataas sakin na boses except Aling Marideth lam mo naman mahirap mamuhay mag isa.

"Ouchie!" arte niyang sabi sakin. Arte talaga.

"Oh asan si Jamie?" pagtatanong ko naman sa kanilang dalawa.

"A-absent daw siya e. Badtrip ata sa magulang niya." sabi ni Aeyo sakin. Oh deba told you medyo badgirl –slash barumbado yan si Jamie. Ewan ko nga kung bakit ko yan naging kaibigan e napaka-tigas ng ulo niya, unlike me.

"Ahh" patango-tango kong sabi sakanya.

Nang biglang may umakbay sakin mula sa aking tagiliran kaya agad kong tiningnan kong sino kupal ang umakbay sakin.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo?" sabi ng isang tukmol na nagmula sa kaibuturan ng lupa sakin.

"Ano ba alisi—"

"Ooohhhhh! And who's this handsome guy beside you Arriane? Who is he? Who is he?" parang asong naglalaway na tugon sa akin ni Nikee.

"I know you! Ikaw yung lalaking sumira ng moment kay Arriane kahapon diba?" pagtatanong naman ni Aeyo dito kay tukmol.

"Yes ako yun and kung ayaw ni Arriane ipakilala ako sa inyo, ako nalang magpapakilala sa aking sarili. I'm Jack Witham–Hidalgo. 19 years old. And I'm Arriane's BOYFRIEND"

-

CHAPTER 4 D O N E

2017

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RAPUNZEL PHWhere stories live. Discover now