CHAPTER 1

33 3 0
                                    

"Nene! Tanghali na nakahiga ka pa rin diyan. Nagpuyat ka na namang bata ka no?! Batugan gumising ka na diyan. Yung labada mo naghihintay!,"

Isang matinis at malakas na boses ang gumising at bumalot sa aking buong katawan galing sa masarap na pagkakahimlay ko sa kama. Na naging dahilan ng aking pagkagising.

Bumungad sa akin ang pawis at pagod na mukha ng isang babaeng may edad na at halatang kanina pa nakilos sa dito sa bahay, isama mo pa ang pag sigaw niya sakin.

"K," sabi ko habang inaantok-antok pa.

Bumangon na ako sa pagkakahimlay at pumuntang banyo para mahimasmasan na ako at para narin matanggal mga muta-muta sa peslak ko. Pagkalabas ko ng banyo isang naka-pusturang babae ang mistulang naghihintay sa akin na nakatayo sa pinto na may hawak ng isang mahabang baston. Bastong papalapit na sa mukha ko. Pero agad ko naman itong naiwasan dahil kabog ako.

"Abay bilis-bilisan mo naman ang kilos mo Ineng hindi kita pinatira dito para magpakasarap-sarap pero kung ganyan pala ang gagawin mo dito aba- humanap ka ng bago mong titirhan," pasigaw na bulyaw sa akin ni Aling Marideth at tuluyan ng umalis sa kwarto.

Marahil ay nagtataka kayo kung sino yung matandang hipokritang iyon at kung bakit niya ako sinisigawan. Siya lang naman kase ang may-ari ng bahay kung saan ako nakatira. Gusto ko mang sampalin siya ay hindi ko magagawa dahil baka ako'y tuluyan ng palayasin dito, edi kawawa ang lola niyo. Kaya wala rin akong magawa kundi manahimik na lamang. Hindi ako ampon at mas lalong hindi ako katulong, napilitan lang naman ako tumira dito dahil ako'y pina-ubaya ni mama sa kanya dahil siya'y maghahanap ng trabaho para maiahon kami sa hirap. Pero kahit iniwan niya ako dito sa impyerno, kitang kita ko naman kay mama ang pag-pupursigi para maiahon kami sa hirap kaya ganon mahar na mahar ko iyon. Kabog.

Ako nga pala si Arriane Isabel Herrera. 17 years old na ako. NBSB. Nag-aaral ng mabuti. At naniniwala sa kasabihang "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Pero siguraduhing ito'y nasa boteng babasagin" Thank you. At kung hindi niyo na itatanong ako may lahing Kastila.

Oo, ninuno ko yung mga sumakop dito sa Pilipinas pero sa kasamaang palad sila'y natalo. Kagigil. Bago pa ako madala dito kakadaldal ako'y ba-baba na para mag-almusal na at simulan ang tambak na labahin.

"Hay salamat bumama ka din. Bilisan mo mag-umagahan at maglalaba ka pa! Aalis ako ngayon kaya umayos ka dito!," pasigaw na namang bulyaw sakin ni Aling Marideth na naka-bihis na kala mo bagay sa kanya.

"Opo!" sigaw ko ding sabi sa kanya at tuluyan na siyang umalis. Haayyyyy. Pagkatapos ko kumain, naglinis muna ako dito sa bahay at napagpasyahang maglaba na.

Habang naglalaba ako may narinig ako kumakatok sa pintuan kaya tumigil muna ako at buksan kong sino iyon. Istorbo.

"Tao po! Tao po!," sigaw nung kumakatok sa pinto.

"Sandali lang," sigaw ko rin at binuksan ang pito. Napatigil ako kung sino yung kumatok sa pintuan, si Sebastian Juanillo. Ang Varsity Player ng school namin. At ang ultimate crush ko dinnnnnnnnnn! Gwapo niya talaga.

"Uhmm Arriane eto nga pala yung project natin ikaw na magpasa bukas kay Sir Fernandez baka kasi absent ako," sabi niya at binigay sakin yung project naming dalawa. Oo sa aming dalawa. Swerte ko diba. Kabog.

"Uh O-oo s-sige," pautal-utal kong reply sa kanya. Sino ba na namang hindi mauutal kung gwapo ang kausap mo. At especially crush mo pa.

"Salamat. Sige alis na ako. Bye!," kumaway siya sakin at tuluyan ng umalis. Ako naman ay pumasok na sa loob at nagsisi-sigaw dahil sa kilig. Landi diba.

Matapos akong humarot-harot dito pinag-patuloy ko na ang paglalaba ko sa cr. Matapos ang dalawang oras na paglalaba sinampay ko na ang mga nilabhan ko at saglitang nag-pahinga.

RAPUNZEL PHWhere stories live. Discover now