CHAPTER 2

19 3 0
                                    

"Arriane! Gising na male-late kana sa pasok mo," isang matinis na namang boses ang nag-pagising sakin ngayong umaga. At himala ginising ako ni Mother Gothel. Panigurado may hiling to kaya ganto.

Nakita ko ring wala na si Sac? Arc? Mark? Ah eh basta kung anong pangalan ni stranger sa kanyang kama. Wow early bird. Kabog.

"Bilisan mo maligo, hinanda ko na pampaligo mo diyan sa banyo tsaka umagahan mo sa baba. Pinlantsa ko na rin yung uniporme mo. Basta isabay mo si Jack sa pag-pasok mo mamaya," o diba kilalang kilala ko na itong si Mother Earth.

"Yes, your higness," sabi ko sakanya at agad naman siyang nag-takip ng ilong. Arte kala mo  kung sinong mabangong hininga pagka-gising. Hindi naman maganda.

Pumasok na ako sa banyo at nakitang hindi nga siya nagsisinungaling nung sinabi niyang hinanda niya na mga kakailanganin ko. Pramis bes ngayon lang to. Kumilos na ako at baka mahuli pa ako sa klase.

Nang matapos na akong maligo, bi-nlow dry ko naman yung buhok ko at nag-apply ng light foundation sa mukha ko at shi-nape ang aking kilay. Bakit ba?! Feel ko mag make-up ngayon e.

Nagbihis na rin ako ng aking uniform at saka bumababa na para mag-umagahan. Pagbaba ko nakita ko na namang nag-dadaldalan ang mag tiyahin. Nang nakita nila akong pababa na sa hagdan hindi parin tumigil ang mga loko.

"Hindi ba kayo titigil kaka-daldal"

Mga salitang gustong-gusto ko na isigaw sa kanilang mga pagmumukha pero di ko magawa dahil baka mapalayas ako ngayon dito ng biglaan. Kaya pinili ko nalang manahimik at kumain kahit naiingayan na ako. Agad kong natapos yung pagkain ko at akmang huhugasan ko na ito ngunit pinigilan ako ni Aling Marideth. May sapi ba to? Kung meron sana mag-stay yung kalukuwa niya diyan. Enjoy! Char

"Wag mo na hugasan yan, ako na lang. Basta isabay mo yang pamangkin ko," nakangiti niyang sabi kahit alam kong plastik lang naman yon. Kinuha ko na yung bag ko para umalis na. Pero nawala si stranger sa sala. Asan kaya yon? Tiningnan ko na sa cr dito pero wala rin. Sa labas wala rin. Siguro na una na yon, baka nga.

Lumabas na ako at naglakad papuntang eskwelahan. Hindi naman kalayuan iyong paaralan ko kaya nilalakad ko nalang para tipid. Tsaka wala pang fifteen minutes nandoon kana. Walking distance ko lang ba. Habang naglalakad merong sumasagi sa isip ko na para bang may nakalimutan ako, isip ako ng isip kung anong iyon hanggang makarating na ako sa gate ng school namin.

Nang makarating na ako sa room ko wala pa namang masyadong tao, kaya agad kong kinalkal yung bag ko para sure na wala akong nakalimutan.

"Bijj! Tapos niyo na ni Sebastian yung project natin?," isang pamilyar na boses ang aking narinig mula saking likuran, kaya agad akong tumalikod kung sino yung nagsalita. Siya si Aeyo Clifford isa sa mga best friends ko dito sa school. Anak mayaman ngunit medyo suplada, liek me exept sa mayaman siya.

"Ah oo, hinatid nga niya sakin kahapon e," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Pwedeng makita?," pagtatanong niya naman sakin na mukhang excite na excite.

Hinanap ko sa bag ko yung project namin ni Matias para ibigay kay Aeyo pero di ko makita! Nilabas ko lahat ng gamit ko sa bag at tinaktak pabaliktad. Nag-aasam akong naipit lang iyon at mahuhulog din sa wakas. Ngunit imbes na project namin yung mahulog, samo't saring alikabok ang nagsilabasan sa bag kong pagkadumi-dumi.

"Wait lang bijj! Di ko makita, paktay ako nito," natataranta kong sabi sa kanya na ngayong di ko parin mahanap yung project namin. Tama yung Project! Yung project namin yung nakalimutan kooo! Mabilisang ligpitan ang ginawa ko at dali daling tumakbo palabas ng campus alintana yung guard na sini-sigawan ako. Lapakels kalbo!

RAPUNZEL PHWhere stories live. Discover now