seven

36 3 0
                                    

RHYLIE KIANA

Pag-ka tapos kung sabihin na mag-hiwahiwalay kami ay agad na akong nag-punta sa dress shop.

Kailangan kong bumili ng mga bagong damit. Bibilhan ko na din yung dalawa, mahirap kasi taste ng mga yun eh.

Pag-pasok ko dress shop sukat lang ako ng sukat. Pag-ka tapos kung mamili sinabihan ko lang ang sales boy na ipadala na lang ang mga pinamili ko sa kotse ni Bea.

Pag-katapos ay pumunta na ako sa shoe shop. Nag-sukat sukat din ako ng mga shoes pag-ka tapos ay kagaya kanina pinadala ko na din sa kotse yung mga pinamili ko.

Pumunta na ako agad sa school supplies.

Kumuha ako ng mga note book na kasya sa aming tatlo. Binili ko na lahat ng mga kailangan namin.

"Thank you maam ang hope you will come back." Sabi nung sales lady nginitian ko lang siya.

Habang papalabas ako ay kinakalikot ko yung phone ko, tatawagan ko kasi sana sila Wenc at Bea ng may maka bangga ako kaya nalag-lag yung mga gamit na binili ko.

"Oh my!" Gulat kong sabi. Napa tingin naman ako sa taong bumangga sa akin at kumulo talaga yung dugo ko ng tignan niya lang ang mga nahulog kong gamit at nilampasan lang ako. Aba ang kapal naman niya!

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya kaya lumingon naman siya sa akin at nginisihan ako, anong nginingisi ngisi niya dyan?!

"Yes babe?" Malandi niyang tanong.

"Babe mo yang mukha mo! Di mo man lang ba ako tutulungan?!" Pasigaw kong tanong.

"Ohhh." Sabi niya at sumipol tapos pinulot yung mga gamit ko.

Binigay niya ito sa akin kaya aabutin ko na sana ng ilayo niya sa akin kaya napa kunot ang noo ko.

"May I know your name first........." Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Beatiful lady?" Tanong niya.

"And what if I dont?" Tanong ko.

"Then you wont get this." Sabay taas nung mga gamit ko. Di ko naman siya pueding sipain na lang basta baka may mag-taka pa.

"Fine! I'm Rhylie." Sabi ko.

Inabot naman niya sa akin agad ang mga gamit ko at nginitian ako ng matamis, bago siya umalis.

Ano yun?! Ni di niya nga sinabi ang panglan niya eh! Napa tiim bagang na lang ako at inis na binununot ang phone ko.

Una kong tinatawag si Wenc.

"What?" Walang ka buhay buhay niyang sagot.

"Starbox." Sabi ko at agad na binaba ang phone. Talagang pag-nakita ko yung lalaking yun humanda talaga siya sa akin!!!! Arrrggggghh!!!!!

***

Fortez University On-goingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant