Mensahe ng itinakda..

1K 17 0
                                    

Matapos ang eskwela..Agad akong umuwi ng bahay..Kailangan makausap ko sila nanay at tatay..

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aming gate nakapagtatakang madilim ang buong kabahayan..

Kinutuban ako at nagmadaling nagtungo sa aming pintuan agad ko hinanap sa aking bulsa ang duplicate ng susi, ipapasok ko na sana ito sa siradura ng aming pintuan nanlaki ang mga mata kong nakauwang pala ang pinto at may bahid ito ng dugo??!!!

Mabilis akong pumasok sa loob ng aming bahay upang masiyasat kung anong nangyayari bakit madilim ang bahay at kaninong dugo ang nasa seradura ng amin punto..

Nay?! Tay?! (Tawag ko sa aking mga magulang)

Madilim ang buong paligid..dahil kabisado ko ang aming bahay agad kong nakapa nasaan ang switch ng ilaw..

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!! Nanginig ang mga tuhod ko at nawalan ng balanse ang aking katawan napaupo ako sa sahig habang sapo sapo ang sarili kong bibig na gustong magsumigaw !

Si nanay! Si nanay!!! Duguan at wala ng buhay! Nakasampay ang katawan niya sa taas ng veranda ng aming hagdanan! ..Nakamulat pa ang kanyang mga mata tila takot na takot sa kanyang nakita!

Nay!!!!!!!!!!!!!!!(sa wakas nakasigaw ako)

Agad akong umakyat ng hagdanan at tinungo ang kaawa awa kong nanay!
Kinuha ko ito mula sa pagkakasampay ng kanyang katawan sa veranda at inihiga sa sahig habang ang ulo niya ay naka unan sa aking kandungan..

Dugo!!! Puro dugo ang aking kamay.. galing ito sa mismong katawan ng aking nanay...

Niyakap ko siya ng mahigpit..Niyugyog baka sakaling magising..sinipat ko ang kanyan palapulsuhan kung may katiting na pag pintig pa ba itong natirira..Ngunit sa kasamaaang palad wala na!

Nay!!!!! Sinong may gawa sayo nito? Ninakawan ba tayo?sana binigay mo nalang..Lumaban kaba?sana hindi no nalang ginawa ano kaba naman may!
(Hagulgol ko habang niyuyugyog ang katawan ng walang buhay kong nanay)

Napasubsob ako sa kanyang dibdib naramdaman kong may parang butas ang kanyang pulang bestida..Sinira ko ang butas ng kanyang bestida sa bandang dibdib upang makita ang nasa loob nito..


Diyos ko!!!! Nakakapangilabot!! Nasaan?! Nasaan ang puso ng nanay ko??!!!!!!!!!!!!!

Aaaaaaaah!!!!!!!! Nay!!!!!!! Sino may gawa sayo nito!!!!
Hayop!!!! Walang puso!!! Hindi tao ang makakagawa ng ganitong bagay sayo nay!!...(mag isang sabi ko habang humahagulgol ako sa malamig na bangkay ni nanay)

Nakakapang lumo na makita ang sarili mong ina na walang buhay ,tirik ang mga mata at wala na ang kanyang puso!!!!

Diyos ko!! Anong nangyayari?  Bakit ang nanay ko pa?! Sinong tao ang magagawang dumukot ng puso ng isang tao?!!!

Nay!!!!!!!!! (Muling tawag ko sakanya kasabay ng malakas kong pag iyak..)

Patawad hindi kita naipagtangol sa walang hiyang pumaslang sayo..ipinapangako ko hahanapin ko ang taong pumatay sayo.. magbabayad siya!! Magbabayad siya!

Ilang minuto ang lumipas...


Nakatulala ako sa kisame habang nasa kandungan ko parin ang ulo ng aking nanay..Napatingin ako sa naka dilat nitong mga mata isinarado ko ang mga ito gamit ang aking kamay kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa labis na paghihinagpis..

Si Tatay... (pumasok sa isipan ko si tatay)

Dahan dahan kong inilapag ang ulo ni nanay sa sahig at dali dali akong bumaba at tinignan ang buong kabahayan..Ngunit wala si tatay...

MERCILESSWhere stories live. Discover now