Ang Itinakda..

4.2K 35 0
                                    

Sa Bario matiwasay naninirahan ang mag asawang sina Francisco at Paulina Asension ..Tahimik,masaya at payapa ang kanilang pamumuhay kahit nakakaranas sila minsan ng kahirapan sa buhay..

Si Paulina Mitchellena Villa Monte ay nagmula sa pamilya ng mga imortal na may Dugong bughaw siya ang naiisang tagapagmana nina Don Manuel at Donya Aidalina Villa Monte..
Si Paulina ay nakatakdang ikasal sa isang makapangyarihang imortal pero ang lalaking ito ay hindi niya talaga matutunang mahalin..Sa hindi naman
inaasahang pagkakataon ang dalagang si Paulina ay umibig sa isang dukhang mortal na siyang mamamayan ng kanilang bayan ..

Samantala si Francisco Jimeno Asension ang mapalad na lalaking minamahal ni Paulina..Isang hamak na
mamayang nabibilang sa mababang estado ng pamumuhay ngunit nagtataglay ng isang pusong dalisay at malinis na intesyon sa dalagang iniibig.

Hindi na lingid kay Francisco ang matagal na itinatagong sekreto ng mga Villa Monte..Kahit pa alam niyang hindi ito mga pangkaraniwang nilalang ay sumugal si Francisco para sa kanyang minamahal na si Paulina may mga oras na nanalagay sa panganib ang kanyang sariling buhay makasama lamang ang dalaga..

Sa kabila ng mga matitinding pagsubok nagtagumpay ang magkasintahang sina Francisco at Paulina sa kanilang pakikipaglaban sa angkan ng mga Villa Monte ..Nakumbinsi at napasang ayon nila ang mga ito sa kanilang pag iibigan pero ang kapalit nito ang agarang paglisan ng magkasintahan sa bayan ng Villa Monte..

Ngunit bago pa man nila lisanin ang bayan ng mga Villa Monte isang sumpa ang iginawad ng angkan ng lalaking dapat na makakaisang dibdib ni Paulina..


Walang iba kundi si Matteo Buena Noche Madrigal ang nag iisang anak na lalaki ng mga asawang Don Juancho at Donya Carmelita Madrigal..

Isang sumpa na hindi lamang sakanila ni Francisco eepekto kundi pati narin sa kanilang magiging supling sa hinaharap..

Sina Paulina at Francisco ay isinumpang mamamatay sa mga kamay ng mga Madrigal matapos ipanganak ang kanilang supling ..
Samantala ang batang isisilang ni Paulina ay nakatakdang aani sa lahat ng hirap at pasakit dala ng itinakdang anak ng Madrigal sa darating na hinaharap..
Nakaukit na sa kapalaran ng batang Asension ang matali sa pag ibig ng isang Madrigal..

Agarang nakalipat sina Francisco at Paulina sa Barrio matiwasay..
Nagpakasal at binayayaan si Paulina na makapag dalang tao..Batid ng mag asawa na nalalapit na ang kapanganakan ni Paulina..
Nakaramdam sila ng mga pangitin at babala mula sa mga Villa Monte..
Matinding takot ang nadarama ng mag asawa dahil alam nilang nalalapit na rin maganap ang sumpa ng mga Madrigal..

Hating gabi sa ilalim ng kabilugan ng buwan isang alulong ng hayop ang narinig ng mag asawang Francisco at Paulina..Agad nilang inimpake ang kanilang mga damit upang mabilisang maka alis bago pa man dumating ang mga kalaban ..

Napadpad sila sa barrio ng dalisay isang munting kubo sa gitna ng kabukiran nila napagpasyahang manirahan..

Ika 8 buwan na ng pagbubutis ni Paulina..Gabi gabi ay nakakaranas siya ng mga paniginip na mangyayari sa hinaharap...Marahil isa itong pangitain na maaring mga mangyayari sakanila..

Makalipas ang isang buwan ika 9 na buwang padadalang tao na ni Paulina..
Isang gabi mapayapang natutulog ang mag asawa ng makarinig si Paulina ng mga tinig..May tumatawag ng kanyang pangalan,May mga tinig na parang nahihirapan at mga nakakapangilabot na alulong mula sa hayop..

Pawisan mukha ni Paulina at hirap na hirap ang kanyang damdamin sapagkat pamilyar sakanya ang mga tinig na may  halong paghihirap...

MERCILESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora